Cathy's Pov
Kasalukuyan akong nag bihis tsk
. Back to work nanamanTinignan ko ang phone ko.. pero walang txt maski isa.
Psh may pa sabi2x pang 'manliligaw daw siya pero ano to!?
kasalukuyan akong nag lalakad patungong elevator.. arrrgghh!!! humanda lang sa akin yang lalake yan!! wag na wag siya mag papakita sa akin bwessit siya!
ganito ba umaasal ang mangliligaw ha!!??
pipindutin ko na sana ang close button sa elevator nang may humarang... napako ako sa tinayuan ko.. feeling ko iiyak na ako..
"Cathy?" sabi niya
"ahm Hi" sabi ko habang nakangiti ng plastic
arrgghh gusto ko siyang sampalin letche ba't ba nagpapakita ang bruhang ito!!??
seeing her right now parang bumabalik ang nakaraan.. bumabalik ang sakit sa puso ko.. yung mga panahong niloloko ako ni Nicholas.. so nag balik napala siya..
"ahm if you don't mind.. can we talk? "sabi niya
psshh at ano naman ang pag uusapan namin!!?
"Obviously, nag uusap na tayo" I said coldly well I can't help but being cold to her para sa saan pa na siya ang dahilan nang break namin ni Nicholas
"ahm You're still angry at me? well sino ba naman ang hindi magagalit hehehe" sabi niya
naiukuyom ko ang mga kamao ko.. arrgghh gustong gusto ko siyang sapakin .. at yang Nicholas nayan huwag siyang mag papakita sa akin nakoooo baka kong ano nag magawa ko sa kanya..
nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay.. tinignan ko siya nang masama
"Please, kahit ngayon lang.. ikaw talaga ang sadya ko dito.. " sabi niya with a hopeful eyes
wala akong magawa kundi pumayag.. nandito kami sa Caffe malapit lang sa pinagtratrabahu an ko..
"so anong ang pag uusapan natin?" sabi ko
she smiled sweetly to me..
"ahm Cathy .. kilala mo ba ako?" she said
That hit me.. ngayon ko lang naalala.. hindi ko pala alam ang pangalan niya kasi naman ang tawag ko sa kanya ay bruha or malanding bruha..
"silence means Yes.. so Im Jade.. Jade Park" sabi niya
napa ubo ako sa sinabi niya WHAT!!?? JADE PARK!!?? AS IN PARK!!??
sana hindi tama ang hinala ko.. tumingin ako sa kamay niya pero nagulat ako nang may wedding ring na siya.. so kasal na pala sila? pero bakit liligawan ako ni Nicholas??
I smiled bitterly bakit ko ba nakalimutan iyun? na hindi pala stick to one si Nicholas .. liligawan niya ako pero may asawa na siya?
napailing ako.. ibang klase ka talaga Nicholas..
"so ang pag uusapan natin is about Nicholas?" tanong ko
tumango siya.. so ibig sabihin nandito siya para pagsabihan ako na lumayo sa kanyang asawa..
"I must say, hindi ako ang hahadlang sa relasyon ninyong dalawa..sa nakita mo naman , matagal na kaming wala na so rest assured , hindi ako katulad nang ibang mga babae na may asawa na nga lumalandi pa sa kanya.." I said firmly
tatayo na sana ako para umalis pero pinigilan niya ako..
"what?"I said
"iba ka talaga cathy!!"sabi niya tapos tumatawa
ano ang nakakatawa sa sinabi ko?? at kailan pa ako naging clown ??
"why are you laughing??" takang tanong ko
"anong asawa??" sabi niya habang tumatawa
"seriously? "tanong ko
at kailan pa ako naging dictionary??
"no what I mean is pffftttt hahahahaha.."
ang sarap sapakin nitong babae tung ehh may sayad sa utak! wala naman nakakatawa dun sa sinabi ko ahh
"so you're thinking that we are husband and wife?"sabi niya habang pumipigil sa pag tawa
tumango ako.. totoo naman ehh kaparihas sila nang apelyido
NICHOLAS DALE PARK
JADE PARK
"umupo ka nga" she said
kahit naguguluhan ako, umupo narin ako
"honestly hindi ako pumapatol sa kadugo ko.. mostly sa kuya ko.."
matagal nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya
"kuya?" tanong ko
"yes, he's my brother .. Nicholas Dale Park.." she said and smiled sweetly to me
ako naman naka nganga
WHAT!!?? MAG KAPATID SILA!!??
"naguguluhan ka yata hehehe.. ito ohh para maniwala ka nga mag kapatid talaga kami"she said inabut niya sa akin ang birth certificate
"pero.. ba..bakit?" tanong ko hindi parin ako makapaniwala na mag kapatid sila
"mhh bakit?? let just say na sinusunod ko lang ang mga plano.."she said
kumunot ang noo ko.. Mga plano?? anong plano??
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
to be continued..
M.T
BINABASA MO ANG
We meet again
Novela Juvenil"let me go!!" sigaw ko sa kanya dahil ang higpit ng pagkahawak niya "not again, not this time" he said in serious tone how dare he say that?! when he was the reason why I ran away from him.. now that Im gone in his life syaka naman siya hahabol sa...