Special Chapter: Family Bonding

11.8K 163 0
                                    

Keisha's P.O.V.

Napabalikwas ako kinabukasan ng makapa kong wala na si Mike sa tabi ko, nagmadali akong magligpit ng higaan at maghilamos para makita ko siya kaagad.

Kalalabas ko pa lamang ng pintuan ng banyo ay narinig ko ang halakhak ng mag-ama ko na nanggagaling sa kusina.

"Appa! Beat it with the fork! That's wrong." Matigas na sita ng anak ko sa kanyang ama, hindi ko natiis at naglakad na 'kong papalapit sa kusina.

Nakita kong may hawak na sandok si Michael habang hawak naman ni Mike ang tinidor na ipinipilit niyang iabot sa ama.

"Hey, I told you to just sit there. Don't move." Sita niya sa anak habang tumatawa, napansin kong ngumuso ang anak ko kaya't marahan akong lumapit sa kanya at kinarga siyang bigla.

"Umma! Appa's not listening to me. I told him to-" Nahinto siya sa pagsasalita ng bigla siyang subuan ni Michael ng tinapay.

"Umwah!" Pagsusubong niya na siya namang ikinatawa namin ng asawa ko.

"After breakfast magready na tayo ha? Para makalakad na tayo 'kay?" Nakangiting saad ni Michael habang patuloy pa rin sa pagbabati ng itlog.

"Okay. Uhm...san ba tayo pupunta?" Tanong ko, pero hindi niya 'ko sinagot bagkus nginitian niya lamang ako ng malapad at nagpatuloy sa pagluluto. Abnormal tss.

Nang matapos kaming kumain nagsabay silang maligong mag-ama. Naghahanap ako ng maisusuot ni Mike nang biglang pumasok si Michael sa kwarto at naupo sa higaan.

"Umma, anong kulay ng isusuot ni Mike?" Tanong niya, hindi ko siya magawang lingunin dahil alam kong tuwalya lamang ang nakatakip sa ibaba niya.

"Hmmm. Maka umma ka dyan, anak ba kita?" Pang-iinis ko, maya-maya pa'y naramdaman kong nasa likuran ko na siya.

Shet! Ang tanda tanda ko na pero para pa rin akong highschool na kinikilig dito. Omaygas.

"Eh babe ano nga?" Tanong niya muli, nagsimula akong kilabutan dahil damang dama ko ang hininga niya sa batok ko.

"Uhm, maroon. Ay! Maliligo na nga pala 'ko." Nagmadali akong talikuran siya subalit ng lalagpasan ko na siya ay agad niya namang hinawakan ang braso ko, napatingala ako upang makita ang napakagwapo niyang mukha, dahan-dahan itong bumababa upang maabot ako, syet konti na lang!

"Umma! Where are my shoes?" Nakapamewang na tanong sa 'kin ng anak ko, anak naman, istorbo ka ha.

Agad kong hinagilap kung saan ko nailagay ang mga sapatos niya, ng matapos ay madali ko siyang binihisan atsaka ako tumuloy sa banyo para maligo.

Nagsuot ako ng simpleng black shorts at tinernohan ko ito ng off shoulder shirt at step in. Hinayaan kong nakaladlad ang buhok ko upang matuyo ito ng hangin.

"Umma! Let's go!" Pangungulit ni Mike habang hinihila pa ang kamay ko, matapos naming i-double check kung wala nang nakalimuta'y isinara namin ang mga bintana at pinto.

Iniwan pa ni Michael ang susi sa guard upang ibigay kay Nanang Lucing kapag dumating ito balita ko'y hanggang ngayon daw ay tagalaba at tagalinis pa rin siya ni Michael.

Makalipas ang mahigit trenta minuto ay narating namin ang mall. "Umma, I wanna buy a new toy car!" Tuwang tuwang saad ng anak ko pagkababang pagkababa namin ng sasakyan.

"But you have a lot of toy cars at home. Do you really need to buy a new one?" Alam niya na ang sagot sa tanong ko kaya't yumuko na ito.

Hindi naman sa ayoko siyang bilhan, sadyang ayoko lang masanay ang anak ko na lahat ng naisin niya ay mapapasakanya, hindi ganon ang buhay, mahirap kung makakasanayan niyang maging maluho.

"Babe, pagbigyan mo na. Ngayon lang naman e. Kawawa naman ang anak ko o." Nakangusong saad ni Michael sabay bitbit sa anak.

"Okay. Pero next time hindi na ha? And promise me na you won't scatter it sa living room ng daddy mo. Makakadisgrasya 'yon anak." Sabi ko sa kanya, napalitan ang malungkot na mukha niya ng ubod ng lapad na mga ngiti.

"Ne umma! Thanks!" Saad nito sabay yakap sa leeg ko.

Matapos kaming bumili ng laruan ni Mike ay kumain na muna kami, napakarami ngang inorder ni Michael akala mo'y bibitayin na kami sa susunod na mga oras.

"Appa, after this can we go there?" Tanong ni Mike sabay turo sa carousel na nasa tabi lamang ng kainan.

"Sure, pero ikaw na lang ang sasakay anak ha? Masyado na kaming malaki ni umma para dyan." Nakangiting saad ni Michael, mabilis na pagtango naman ang naging sagot ni Mike sa kanya.

Habang nakasakay sa carousel si Mike ay panay ang pagkuha ko ng litrato, maya-maya'y naramdaman ko naman ang pagyakap ni Michael sa 'kin mula sa likod.

"Picture din tayo babe." Sabi niya, agad kong inilagay sa front cam ang setting at nagpicture nga kami.

"I'll make that my profile picture later." Sabi nito sabay kindat. Loko talaga!

"Umma! Did you see that? I rode the tiger and it's so fast asdfgjkjlaheiwbdidbakd-" Sa sobrang daldal at sa sobrang bilis magsalita ng anak ko ay hindi ko na siya halos maintindihan.

"That's good. San mo pa gustong pumunta?" Tanong sa kanya ng ama habang karga karga siya nito.

"I wanna go home appa. I'm really *yawn* sleepy." Tinanguan naman namin siya at naglakad na papalabas ng mall ng biglang-

"Oh my gosh Michael! Is that really you?" Tignan mo nga naman ang tadhana o. Kung hindi ba naman, hay~

"Ah Krissa! Kamusta naman?" Hala sige, kunwari wala ako dito ha? Kunwari wala kami dito ng anak mo.

"Akin na si Mike, mauna na kami sa kotse." Tapusin muna nila 'yung kamustahan nila doon. Nakakabwisit.

Family Bonding gone wrong? Uh-Oh. Krissa naman kasi e. Panira ka ng araw. Haha. Sa tingin niyo guys?

Don't forget to leave your Votes and Comments guys! XOXOXO.

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon