Special Chapter: The Come Back

12.3K 169 12
                                    

Keisha's P.O.V.

"Are you saying na pinirmahan mo 'yung annulment papers na sinend sa'yo nila mama noon?" I was really rooting na hindi. Please say no Michael!

"Hindi 'no! Ano 'ko tanga?" Mabilis na sagot niya, may kasama pa 'yang mabilis na pag-iling. Sa sobrang tuwa ko'y hindi ko napigilang halikan siya.

"Then why ask me to marry you again? Kailangan pa ba?" Tanong ko, he just stared at me while holding my face.

"The first time we got married I didn't even proposed to you remember? Ni hindi nga kita tinanong kung gusto mo ba 'kong pakasalan. Ni hindi ko nga alam kung san mo gustong magpakasal at kung anong gusto mong isuot, anong gusto mong bulaklak at kung sino sino ang gusto mong imbitahan. Pinilit lang ako nila mama at ng mga magulang mo atsaka hindi pa naman kita mahal noon e. Hindi tama." He explained. Tama nga naman, shotgun marriage 'yon. Napilitan siyang halikan ako sa harap ng pari, napilitan siyang akuin ako.

"Pero ngayon I know na mahal natin ang isa't isa. Ang laki na nga ng panganay ko o. Akin na 'yang sing sing mo." Bakit? Pero hindi na 'ko umalma, hinubad ko na ito at ibinigay sa kanya.

"So Keisha, I'll ask you again, will you-"

"Yes!" Sigaw ko, na ikinatawa niya naman.

"Let me finish!" He laughed.

"Will you marry me again?" He asked looking straight to my eyes, as his eyes began to fill with tears. Who am I to say no? Ang pogi pogi kaya ng asawa ko.

So I slowly nodded my head and said 'yes'.

Dahan-dahan niyang isinuot muli ang sing sing sa 'kin. "Ay ito pa rin? Gusto ko 'yung may mga bato naman." I teased causing him to bear hug me.

"Thank you Keish, thanks for the love, and thanks for giving me Mike. Mahal na mahal kita." He said as he let go of me.

"Mahal na mahal din kita." Sagot ko sa kanya.

Maya-maya pa'y nakaramdam na kami ng antok kaya't hinila niya na 'ko sa kama at pinagitnaan namin si Mike.

"Tomorrow ipapasyal ko kayong dalawa. Makapagbonding man lang tayo kasama ang anak natin." He said hugging Mike and giving his son a kiss.

"Sounds fun. Sige. Good night Michael." I said as I close my eyes.

"Good night babe." I heard him muttered bago pa 'ko tuluyang kainin ng antok.

Okay eto na po ang first one! Pasensiya na ito lang ang nakayanan. Haha. Sorry na! Babawi na lang po ako sa susunod.

Don't forget to leave your votes and comments guys. Love you all!

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon