Chapter 3: In love? Sa 'kin?

19K 331 2
                                    

Michael's P.O.V.

Kasalanan ko din naman eh, bakit ko ba kasi inuwi si Krissa sa bahay, alam ko wala lang naman 'yun kay Keisha pero, 'di talaga tama 'yung ginawa ko. Nagui-guilty ako ano ba 'to?

Pagkahiga namin, pinilit kong matulog kaagad, kaso medyo nahirapan ako, nung medyo napapapikit na 'ko, narinig kong nagring 'yung phone ni Keisha, na agad naman niyang sinagot.

'Oh ma..haha..opo..sige po ma..okay naman po..kayo jan?..Si Michael? Katutulog lang po..Hindi po ma, maalaga po talaga siya..*sobs* Ma, miss na miss ko na kayo..opo..Pakisabi kay papa, miss ko na siya ha?..Hindi na sila nung girlfriend niya..opo ma..bye'

"Hay, pati sa nanay ko, nagsisinungaling na rin ako, kagagahan ko naman kasi eh, tss. Boba talaga *sobs* naglandi na nga lang, nagpabuntis pa. Tsk! *sobs* Engot engot!"  Narinig kong bulong niya after she ended the call, hindi ko napigilang yakapin siya.

"Hay, eto pang isa, nako Michael, 'wag kang yumakap, 'pag ako lalong na inlove sa'yo baka hindi ko na mapigilang sabihin sayong gusto na kita, baka lalo mong padaliin yung annulment natin. Hay, good night na nga." Dagdag niya pa, halos lumuwa yung mata ko sa sinabi niya.

Si Keisha? Mai-inlove sakin? Kalokohan.

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon