Chapter 4: Her Husband

21.2K 324 10
                                    

Keisha's P.O.V.

Halos mailuwa ko na pati 'yung bituka ko, nagsusuka nanaman kasi ako, nako, dapat cute 'tong batang 'to. Masyado akong pinapahirapan. Nagulat ako nung biglang may nagrub nung likod ko,

"Ok ka lang?"  Tanong niya halatang kagigising lang niya, "Hmmm. Oo, salamat."  Tapos inabutan niya 'ko nang tubig.

"Sure ka?"  Tanong niya pa ulit.

"Oo nga Michael, sige na baba muna ako, magready ka na." Sabi ko, tumango lang siya tapos nagsimula na siyang magtoothbrush, as usual nauna siya sa'king pumasok, baka kasi machismis pa kami.

"Tita! Una na po ako. See you later po." Sigaw ko, malamang kasi nasa kwarto 'yon si tita, may pasok din kasi siya kaya malamang nagbibihis pa.

"Sige anak! Ingat ha?"  Paalala niya.

"Opo!" Sagot ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Habang naglalakad ako papasok, naalala kong may check nga pala ako mamayang 4. Nakalimutan ko nanaman, kaya kaagad kong tinext si Michael.

To: MokongMwehehe :')
Paalala mo sakin mamayang uwian may check up ako, 4 yon. Kaya mauna ka na. Paguwi mo, may pagkain sa ref initin mo nalang. Nagday off si Nanang Lucing eh.

Pagka send ko agad kong ibinulsa yung phone ko, hindi pa ko nakakaupo nagvibrate na yung phone,

"Naman."  Reklamo ko, napansin ko agad na wala si Michael sa classroom, malamang nasa practice 'yon.

From: MokongMwehehe :')
Xnoh Poh Xila? Gf nia Po irr.

Pukenang. Hahahaha. Malamang si Krissa 'to! HAHAHA. Bat imbis na mainis ako nakakatawa? Jejemon si gag*.

To: MokongMwehehe :')
Ay sorry, pakisabi kay Michael 'yung sinabi ko, pinsan niya 'ko, si Keisha kamo. Dun kasi ako nakitulog sa kanila kagabi. Thanks.

'Yan 'yung reply ko sa kanya, tss. Easy palusot lang. Medyo me pagka uto-uto naman kasi siya eh.

From: MokongMwehehe :')
OkEi Phoezx ateH. XaxaBihin kOh NalaNg poEh sa kanNya laterr.

Haha laftrip talaga yung text niya. Hindi ko namalayang nandito na pala si Sir Damaso, "What is so funny over there, Ms. Gomez?" Sigaw ni sir, bat ba ang hilig nang mga taong manigaw?

"Wala po sir. Sorry po." Sagot ko, uwian na nung huli kong nakita si Michael, nakasandal siya sa kotse nung syota niya, mukhang nagpapasama nanaman kung saan 'yung babae, naglakad ako ng diretso, pumara ako ng bus tapos pumunta sa ospital, sa dami ng tao, medyo ginabi na 'ko ng uwi, mga 7 na 'ko nakasakay pabalik, hawak hawak ko pa rin yung picture ng future baby ko.

"Ma! Para na po."  Sigaw ko, hininto naman kaagad nung driver 'yung bus, naglakad na 'ko papasok ng compound, ganitong oras kasi wala na gaanong taxi o tricycle, pagdating ko sa may bahay, nakaabang sa gate si Michael, nung nakita niya ko nalukot 'yung mukha niya, pangit ba ko?

"San ka galing?"  Tanong niya kaagad, hindi pa 'ko nakakalapit niyan ha.

"Sa ano..sa.." Sasagot sana 'ko kaso bigla niya kong hinila papasok-

"Alam mo bang nagaalala si mama?! Ang kulit mo kamo, ilang beses bang sinabi sayo na pag may pupuntahan ka magpapaalam?! Sobrang tigas talaga ng bungo mo eh, no?" Singhal niya.

"Ano ba Michael, yung bibig mo! Marinig ka ng kapit-bahay!" Sita sa kanya ni Tita.

"Bat ba nagsisigawan kayo?"  Tanong niya samin.

My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon