Keisha's P.O.V.
"Yvonne! Asan na ba 'yung batang 'yon? Nako malelate na tayo! Hindi pa nakakabihis 'yon." Nagkukumahog na saad ni mama.
Maya-maya pa'y pumasok si Yvonne sa kwarto na nanggigitata na naman, nako yari ka sa lola mo. Lalapit sana siya sa 'kin ngunit nahila na siya ng kuya niya.
"Yvonne, no. Madudumihan mo si nanay. Papangit siya sige ka, gusto ko ba non?" Madali namang umiling ang anak ko, kasabay ang pagdikit niya lalo sa kuya niya.
"Mike, san ba kayo nanggaling na dalawa? Ang dusing na naman ng kapatid mo o. Pumunta na kayo kay lola." Utos ko sa kanila. Nginitian naman ako ni Yvonne na halatang atat na atat na makalapit sa 'kin, ang bunso ko talaga.
"Ma'am tingin na lang po tayo sa taas. Mascara na lang po 'to." Sabi ng stylist ko. Naibalik ko ang tingin ko sa salamin. Saglit kong pinagmasdan ang itsura, ayos! Mukha naman pala 'kong tao pagna-aayusan e.
"Nanay!" Napangiti ako ng malawak ng makita kong nagtatatakbo na ang mga anak ko papalapit sa 'kin, suot na ni Mike ang isang tuxedo na fitted sa kanya, kagwapo talaga ng anak ko. Si Yvonne nama'y sinuotan ni mama ng isang puting bestida na lalong nagpacute sa kanya.
"Nanay ang ganda mo! Bagay talaga ta 'yo 'yang damit mo! Mukha kang princet!" Pamumuri ng anak ko.
"Hmm? Talaga lang ha? Hindi ba pwedeng kayo ni kuya ang prinsipe't prinsesa ko, tapos si nanay ang reyna?" Pagsakay ko sa kanya.
"Pwede 'nay! Pero pa'no ti tatay?" Pagnguso ni Yvonne.
"Edi syempre si tatay ang hari!" Singit ni Mike.
Nakakatuwa talaga silang dalawa, kahit na ubod ng kukulit ay sulit na sulit naman dahil may kunswelo ka.
"'Nak, mauna na kami, isasabay na namin 'tong mga chikiting na 'to. Andun na sila Andy at Michael." Pahayag ni mama (mom ni Michael)
"Ah, o sige po ma. Susunod na din po ako." Wala pang sampung minuto ay dumating na ang sundo ko. "Ma'am easy lang po. Congrats!" Ngiting ngiting saad ng stylist ko sa 'kin.
"Salamat." Sagot ko dito.
Nang makarating ako sa simbahan ay dahan dahang bumukas ang pintuan nito, nagsimulang tumugtog ang kampana kasabay pag-ikot ng acoustic na 'Marry me' ni Jason Derulo sa kapaligiran.
Agad kong inangat ang ulo ko upang makita ang lalaking naghihintay sa 'kin sa dulo ng altar. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang paglapit sa 'kin ni papa upang ihatid ako kay Michael.
"'Wag kang iiyak, iiwanan kita dito." Pagbibiro niya pa.
"Papa naman, hindi kaya!" Sagot ko, narating namin si Michael na inaayos ang necktie niya, kinakabahan din kaya siya kagaya ko?
"Michael, alam mo na ha? Ayoko ko ng masasaktan ulit ang anak ko. Baka nakakalimutan mong marunong akong gumamit ng baril." Natatawang saad ni papa, "Opo pa. Never again." Nakangiting tugon naman ni Michael.
Nagsimula na ang misa at kahit na pangalawang beses ko na 'to ay kinikilig pa rin ako. Kung ganito ba naman kasi kagwapo ang mapapangasawa mo e, sinong hindi manginginig?
"Keisha, you know me better than anyone else in this world,
And somehow you still manage to still love me.
You're my one true love,
And until now there's still a part of me today that cannot believe that I'm the one who gets to marry you, twice.""Michael, on this day,
I will give you again my heart,
My promise,
That I will walk with you,
Hand in hand,
Whenever our journey leads us,
Living, learning, loving ,
Together,
Forever.""With the power vested upon me,
I now pronounce you husband and wife.
You may now kiss the bride."That day was like a fairytale. Nanaisin mo na lang na hulihin ang tagpong ito at ikulong na lang sa isang napakalaking picture frame, kung pwede lang sana hindi na matapos ang kasiyahang ito. Sana wala nang katapusan, sana hindi na lumipas.
"Oh picture na!" Sigaw ni mama, agad naman kaming humilera, katabi ko si Michael habang nasa harap namin ang dalawang bata.
"Psst." Tawag ko sa kanya, habang ngumingiti para sa camera.
"Ano 'yon?" Tanong niya sa 'kin habang nakapako pa rin ang tingin sa photographer.
"Buntis ata ako." Bulong ko sa kanya.
"Ano?!" Gulat na gulat ang mukha niya, at ang pinakamalala? 'Yun 'yung picture na maayos kaming lahat at siya lang 'yung mukhang ewan kaya 'yun 'yung pinalakihan at pinaframe nila papa para isabit sa dingding ng bahay.
Weeks later
"Michael, ang pangit mo talaga sa picture mo na 'yan." Natatawang sabi ko sa kanya, "Ikaw ba naman- ah ewan ko sa'yo. Hanapin na natin sila Mike para makakain na." Hanapin? Nag-aadik ata 'tong asawa ko, kakikita ko lang kanina sa mga anak ko a. Baka nasa pool lang 'yung mga 'yon.
Saksakan talaga siya ng sungit, actually hindi naman talaga 'ko buntis. Sadyang trip ko lang siya nung araw na 'yon. 'Yung mukha niya grabe ang epic.
Nasa may pinto na 'ko papalabas ng pool ng-
"Mike! Yvonne!" Sigaw ko, agad naman silang nagsilapitan sa 'kin kahit na basang basa pa sila.
"Naaay! Kaen na dyaw tayo tabi nila lola!" Sigaw ni Yvonne sabay yapos sa binti ko. Salamat na lang talaga at nakashorts lang ako.
Nang makalabas kami ay sinalubong kami ng magagandang ngiti ng pamilya namin, si Michael na pikon kanina ay siya nang lumapit sa 'kin sabay abot ng pinggang may lamang iba't ibang klase ng putahe.
"Salamat." Bulong ko sa kanya, aabutin ko na sana ang pinggan ng biglang halikan niya 'ko.
"You're welcome babe. Love you." Nakangiting saad niya.
Nakakatuwang isipin na 'yung lalaking kalbaryo ko dati ay siya na 'tong nagpapasaya sa 'min ngayon. Na kung dati ay halos ipagtabuyan niya 'ko ay siya na 'tong ayaw mawalay sa 'min ng mga anak niya.
Siguro nga nagbago na siya, hindi na 'ko ang 'rebound' niya. I'm his wife. At hinding hindi na 'ko makapapayag na magkalayo at magkasakitan muli kaming dalawa.
The End.
BINABASA MO ANG
My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]
Подростковая литератураWhat if one day, nagising ka nalang na nakahubad with a stranger in an unfamilliar room? Tapos nalaman mo na 'yung lalaking 'yon is in a committed relationship? And for his and your family sake's napilitan kayong ikasal? Na wala namang nakakaalam...