Keisha's P.O.V.
Flashback
Nakakatulog tulog na 'ko nung narinig kong, "Usap tayo sa labas." Sabi mama (mama ni Michael) kay mama, agad silang lumabas.
[Andrea's POV] (Michael's Mom)
"Usap tayo sa labas." Aya ko sa nanay ni Keisha, mababait naman sila kaso medyo hindi kami close, paglabas namin.
"Anong pag uusapan?" Tanong niya.
"Tungkol sa mga bata, bakit 'di mo sinabi sa kanila yung totoo?" Tanong ko sa kanya, agad na nag-unahan ang luha galing sa mga mata niya.
"Nahihirapan na 'yung anak ko Andrea! Kung pagsasamahin mo pa sila, lalo lang masasaktan 'yung anak ko!" Dahilan niya,
"Alam ko naman 'yon Cecil eh! Pero bakit hindi mo sila hayaang madesisyon para sa sarili nila?" Tanong ko sa kanila,
"Please, Andrea. Hayaan mo na 'kong magdesisyon, umayon ka nalang. Para naman sa ikabubuti nila 'to." Sabi niya, natahimik nalang ako.
[Cecil's POV]
Pagkadala pa lang sa ospital kay Keisha, sinadya kong ako lang ang makausap ng doktor, nasabi sakin na okay lang 'yung bata, dala daw ng stress kaya medyo lumuwag ang kapit ng bata. Stress?
Nai-istress 'yung anak ko dahil sa asawa niya. Kaya napagdesisyonan kong mag sinungaling sa kanila, sinabi ko na wala na 'yung bata.
Alam kong hindi tama, pero 'yun lang 'yung naisip kong paraan para maprotektahan 'yung anak at magiging apo ko. Kaya dinala namin si Keisha sa Korea, at pagdating namin doon, tsaka ko nalang sinabi sa kanya niya na dinadala niya pa rin 'yung anak niya.
End of Flashback
BINABASA MO ANG
My Husband's Rebound [PUBLISHED UNDER HINOVEL]
Novela JuvenilWhat if one day, nagising ka nalang na nakahubad with a stranger in an unfamilliar room? Tapos nalaman mo na 'yung lalaking 'yon is in a committed relationship? And for his and your family sake's napilitan kayong ikasal? Na wala namang nakakaalam...