PROLOGUE

6 0 0
                                    

" Sometimes two people have to fall apart to realise how much they need to fall back together."

Naranasan mo na bang magsisi sa huli? Yung tipong hindi mo pinahalagahan yung isang bagay at nawala na lang sayo bigla.

Naranasan mo na bang magsakripisyo? Yung tipong gagawin mo lahat makita mo lang na masaya sya.

Naranasan mo na bang magmukhang tanga? Yung tipong gumagawa ka ng paraan para maibalik ang dati nyong pinagsamahan.

Naranasan mo na bang mapahiya? Yung tipong sinisisi mo sya sa hindi nya ginawa pero sa huli ikaw yung nagmukhang kawawa kase wala naman syang kinalaman sa nangyareng yun.

Naranasan mo na bang masaktan? Yung tipong ginawa mo na lahat pero hindi pa din pala sapat yun para magkasama kayong muli.

Naranasan mo na bang magmahal? Malamang sa malamang Oo lahat naman tayo nagmamahal, pero anong gagawin mo kung sa kabila ng pagmamahal na to ay......

Naranasan mo nang magsisi sa huli?

Magsakripisyo?

Magmukhang tanga?

Mapahiya?

At Masaktan?

Magpapatuloy ka pa rin ba para lang maipakita mong mahal na mahal mo sya?

Hindi naman masamang magsisi lalo na at tanggap mo sa sarili mo na ikaw ang nagkamali. Nagkamali kang saktan sya dahil akala mo lahat ng lalaking darating sa buhay mo ay sasaktan at iiwan ka tulad ng sa nakaraan mo kaya ang nangyari ipinaramdam mo sa kanya ang sakit na naramdaman mo noon.

Magsakripisyo, Magmukhang Tanga, Mapahiya at Masaktan ka man parte pa rin yan ng pagmamahal dahil hindi sa lahat ng oras palagi kang masaya. Magiging masaya ka lang kapag marunong ka ng tumanggap ng bawat pagkakamali at sakit sa buhay.

Sana subaybayan nyo ang story na to. I hope you like it.

Nothing Broken But My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon