Chapter 1: Introduce Yourself

4 1 0
                                    

Vienna P.O.V

Papunta na ako ng school ng masiraan ang kotse ko. Kaya itinabi ko na lang muna at ipapakuha ko na lng sa driver mamaya. Unang araw pa naman hays.

Kasalukuyan akong nag aabang ng taxi papuntang Brilliant University dito sa Manila.

Nakasakay din ako after a few minutes.

Nakarating na ako dito sa school at nagsimulang hanapin ang room na nakalagay sa registration form ko BURoom6. Nakita ko na din sa wakas ang room ko dito sa 3rd floor. Actually malaki ang school ng brilliant parang nasa isang company ka lang na may malaking parke sa labas. Meron itong 10th floor siguro marami talagang nag aaral dito napakaganda kase.

Ako nga pala si Vienna Frei Mercedez 16. 1st year college. BSTourism Management. Meron akong Bestfriend pero sa ibang University sya nag aral sa ibang bansa, doon kase kame nag high school si Isabelle Cruz. Isa know everything about me masikreto akong tao ayokong nalalaman ng ibang tao ang private life ko maliban na lang pag bestfriend ko. Mabait ako pero simula nung magkaroon ako ng kapatid nagbago ang lahat ng yun nagkaroon ng inggit sa puso ko, inggit na hindi ko na maramdaman na mahal pa ako ng mga magulang ko kaya kung may kalokohan man ako sa akin na yun at hindi na sila kasalo.

All i want is to loved and be loved by someone who is true to me, who will show that he is always there for me no matter who i am and what i am.

Gusto ko ulit maramdamang may nagmamahal saken.

Nakarating na ako sa room at medyo marami rami na kame dito sa classroom ng may biglang lumapit sa aking babae, maganda sya morena. Nagpakilala sya sa akin sya daw si Ezra Favillon tourism din sya. Sa pagkakaalam ko kase random courses muna kapag 1st year pa lang.

After 30 minutes of late dumating din ang professor namen. I only have 6 subjects. Clasmates ko sila sa lahat except PerDev maliban na lng kung tourism ka.

Introduce yourself lang muna kame then sinabe ng prof. Na may groupings next week kaya igogroup nya kame.

Role playing ang pinapagawa at kailangan maipakita namen ang simpleng pamumuhay.

Marko P.O.V

Nagpapakilala sila lahat ng bigla akong pumasok sa room. Nalate ako dahil kinausap pa ako ng Daddy ko sa Office. We own this University May Company kame Brilliant Corporation si dad ang nagmamanage nun pero pag graduate ko ako na that's why i took up this business administration, actually Marko Brilliant University ang totoong pangalan ng school ipinangalan saken ng lolo ko pero ayoko dahil ayokong magyabang na pagmamay-ari ko ito kaya Brilliant University is Enough. Varsity ako dito sa campus. MVP ng basketball kasama ang bestfriend ko na sina Jerome at Ashton.

"You're late Mr.????"

Tanong sa akin ng professor. Hindi nya pa siguro ako kilala.

"Marko." -tipid na sabe ko sa kanya.

"Ok Mr. MARKO maupo kana."

Hindi ko maintindihan kung bakit may diin nung banggitin nya pangalan ko. Tsk. Bahala na nga sya.

Papatanggal kita kay dad, de joke lang. Hahahaha.

Wala pa yung dalawa ah. Nang chicks yun for sure lalo na si Jerome napaka babaero sana makahanap sya ng seseryosohin nya.

Nakikinig ako ng maifocus ko ang sarili ko sa babaeng nagpapakilala sa harapan.

"Hello Everyone. My Name is Vienna Frei Mercedez. You can call me Vien for short, im taking up BS.Tourism Management. That's all thank you."

Nothing Broken But My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon