6

44 3 0
                                    

Kinabukasan nasuspinde ang klase dahil sa bagyo. Pero kapalpakan nga naman nila, sinuspinde nila kami kung kailan tumila na yung ulan.

Palagi na lang silang ganyan...

"Uy Ina, nakikinig ka ba?"

Nun ko lang naalala na kausap at kasama ko pala na naglalakad si Kenny.

"Ah... Naku hayaan mo na lang si Kenneth, para namang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo" sabi ko na lang tutal tungkol kay Kenneth naman yung kinukwento niya.

"Grabe Ani, nakay Vinz na ako si Kenneth pa rin ang nasa isip mo."

Patay, nahuli ako.

"Sorry talaga Ken, sorry. Kung bakit ba naman kasi ikaw ang namomroblema sa mga problema ng kaibigan mo."

Palagi na lang kasing ganyan si Kenny. Ang tahi-tahimik ng buhay niya, pero ito siya't nakikialam palagi sa problema ng mga kaibigan niya.

Pero iyon kasi talaga ang personalidad niya. At kahit babaliw-baliw siya, nakakatulong talaga siya.

"Oo nga eh, ewan ko ba. Kung bakit pati yung problema mo ngayon kating-kati akong alamin" sarkastikong sabi niya. "Anong problema, sige na wag ka nang mahiya."

"Si Pillos kasi eh" sabi ko sa kanya.

"Bakit na naman?" tanong niya.

"Tingin ko gusto niya si Nicka. Kasi kagabi, pinatamaan yata siya ni Pillos sa post niya..."

Kagabi nung pauwi na kami at naglalakad, nagkwento pa si Nicka tungkol sa mga dati nilang pinag-uusapan ni Pillos. At pakiramdam ko talaga liligawan na siya ni Pillos.

"Gusto ko naman maging masaya para sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko... Siguro kasi, gusto ko talaga siya."

"Sino?"

Sabay kaming napalingon ni Kenny sa direksyong pinanggalingan nung nagtanong.

Patay. Si Nicka! Narinig niya kaya yung mga pinag-usapan namin? Kanina pa ba siya nandyan?

"Uy Nicka, nandito ka pala" pagsagip na naman ni Kenny sa akin. Buti na lang talaga at kasama ko siya.

"Kakarating ko lang. Uuwi na ba kayo?"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti na lang talaga at hindi niya narinig yung mga pinag-usapan namin.

"Hindi pa naman, bakit?" tanong ni Kenny.

"Samahan niyo muna ako? May practice sila Khritian ngayon, eh. Nood tayo?"

Mukhang niyaya na naman siya ni Pillos na manood ng practice nila. Buti pa talaga siya. Siguradong-sigurado ako na gusto niya si Nicka.

"Sige!"

Nanlaki yung mata ko nung pumayag si Kenny.

Akala ko pa naman tutulungan niya akong makatakas! Ano na naman ba ang pumasok sa utak nito, at pumayag siya sa kabila nung mga sinabi ko sa kanya. Hay... Kenny talaga!!!

"Ang gwapo naman nila."

"Cute nung isa na yun oh."

"Galing pala sumayaw ni Yoj."

Ang daming side comments nung mga churbalung frog na namamantasya dito.

"Mas magaling si Daryr!!!" sigaw bi Kenny. Nilakasan pa talaga niya ang boses niya para asarin yung kaklase namin na kasali sa dance troupe.

Maya-maya si Nicka naman ang narinig kong magsalita.

"Gosh! Tiningnan ako ni Khritian!!!"

Pagtingin ko kay Pillos, talaga ngang nakatingin siya kay Nicka. Hindi ko namalayang umikot na pala ang mata ko sa inis. Hindi ko sinasadyan mag-reak ng ganun yung mata ko, sana lang talaga hindi napansin ni Nicka iyon.

PAGDATING sa bahay, akala ko pumunta si Kenny para i-comfort ako. Pero ito at nakikikain lang siya ng ginataang-munggo, at nakikinood ng Smile Donghae.

Hindi kasi siya nakakanood ng kahit na anong palabas sa ibang channel bukod sa channel 2. Solidong kapamilya daw kasi ang mama niya at tinatawag siyang "bisakul" kapag nanonood siya sa ibang channel.

"Samantalang may lahi naman talaa kaming Ilonggo, praning lamg 'di ba?" Palagi niyang sinasabi sa tuwing magbubuhos siya ng sama ng loob tungkol doon.

Nakakatawa, kasi kumpara sa mga problemang ng mga kaibigan niya na inaayos niya... Ang simple lang nung mga pinoproblema niya.

Samantalang ako, ito at pinoproblema kung paanong magpaparaya sa kaibigan ko.

Parang baliw naman si Kenny. Nandito siya sa bahay hanggang hapunan, pero hindi man lang ako nakarinig nang kahit na anong pwedeng gawin tungkol sa problema ko. Kapag magsasalita ako tungkol kay Pillos, hindi niya naman ako binibigyang pansin. Yung katulad nung pansin na ibinibigay niya kapag may itatanong ako sa kanya tungkol sa "The Moon Embracing the Sun"

At nasaan kami ngayon? Nasa kalsada, magpapakamatay na.

"Oy sasakay na ako sa susunod na jeep na dadaan ah?" sabi ni Kenny nung makalagpas na yung jeep na dapat sasakyan niya.

"Oo na, mag-ingat ka ah?" sabi ko sa kanya. Kahit alam ko namang walang mangyayari sa kanya na hindi niya kayang gawan ng paraan.

May sinabi siya nung makasakay na siya sa jeep. Kaso umandar agad yung jeep kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"Wag mo sdagjdj 'yon. sdsjdhsjhal ka nun." Ganun lang yung pagkakarinig ko.

Buong gabi, pinag-isipan ko kung talaga bang kakalimutan ko na lang yung tungkol sa nararamdaman ko para kay Pillos. Nung una naman talaga, interes lang yung mayroon ako. Dahil nga iyon sa pag-payong niya sa akin nung gabi na iyon.

Pero matapos kasi yung nangyari sa clinic, hindi na siya nawala sa isip ko. Hindi ko siya makalimutan. Napapangiti ako, maisip ko lang siya, maalala ko lang yung utang niya. At sa halos magdadalawang taon na tinitingnan ko lang siya mula sa malayo... Tumindi nang tumindi yung nararamdaman ko para sa kanya.

Umabot sa puntong, nakakasakit na. Sa punto na, nakakatakot na. Pero ang pinaka-ikinaaalala ko... Ay yung katotohanang hindi ko ayaw yung mga nararamdaman ko.

Pero ngayon na mukhang may nabubuo na sa kanila ni Nicka... Hindi na ito pwede. Kailangan ko nang itigil ito.

Isa pa, kung maka-asta siya para ngang hindi niya ako naaalala. Ni hindi niya yata ako nakikilala. Mukhang katulad lang nung nangyari nung gabing umuulan, yung nangyari sa clinic... Random.

Napaka-random niyang tao. I wonder kung ilang babae pa ang biniktima niya gamit ang mga galawan na iyon.

Pababayaan ko na lang siguro. Hindi ko na hihintaying bayaran niya ang utang niya sa akin. After all, tatlong taon na ang nakalipas...

The Chat to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon