Prologue

394 10 4
                                    

Hindi ko alam kung kailan ko siya minahal.

Hindi ko rin alam kung bakit, kung paano.

Pero imposibleng minahal ko lang siya matapos ang una naming pag-uusap.

Kasi mahal ko na siya bago pa iyon, gusto ko na siya hindi pa man kami nagkakausap.

Kaya ko nga siya kinausap eh, kasi mahal ko siya.

Hindi ko alam kung paano, pero napapangiti niya ako.

Isa siya sa dahilan kung bakit masaya akong pumapasok sa iskwela.

Hindi ko siya makalimutan. Hindi siya mawala sa isip ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

At lahat ng ito, hindi niya rin alam.

The Chat to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon