P.E.
Wala akong magawa. Family planning kasi ang pinag-uusapan namin. Ano namang relasyon sa architecture ng family planning?
Well, wala pa rin naman kaming plano ni Pillos... Echos.
Si Kenny, ayun at kasama nung mga kaibigan niya sa kalokohan nila. Kung ano-anong tinatanong sa professor namin. Tawanan naman nang tawanan yung mga kaklase namin. Tsk, pasaway.
Habang ito ako, at iniisip kung ano ang pwede kong sabihin kay Pillos mamaya kapag nag-chat ulit kami.
KHRITIAN PILLOS: Hi Ani.
ANILEX LAURENTE: Hi baby :")
KHRITIAN PILLOS: How's your day?
ANILEX LAURENTE: It was fine but it would've been better if you're with me.
KHRITIAN PILLOS: Wait, Anilex? Oh no, you're not my girlfriend!!!
ANILEX LAURENTE: Huh?
KHRITIAN PILLOS: Sorry, wrong sent lang.
*End of Imagination*
Erase. Erase. Ay juice ko, ano ba iyon! Hindi nakakatuwa, hindi maganda iyon! Huwag please. Huwag naman, ganun.
***
HISTORY CLASS
Katulad ng palagi, tahimik ang klase tuwing History class namin. Hindi kasi maintindihan yung ugali nung professor namin sa subject na ito. Nakakatakot siya, hindi mo malaman kung galit o hindi.
Maya-maya pa, naramdaman ko na may sumipa sa upuan ko sa likod. Malamang si Kenny, dahil siya ang nakaupo sa likod ko. Bruha talaga kahit kailan.
Hindi ko siya pinansin, dahil baka mapagalitan na naman kami tulad nung nakaraan.
Pero ayun, at hind talaga siya tumitigil. Tuloy-tuloy lang, at palakas pa ng palakas.
"Ano ba 'yon ha?!" bulong ko sa kanya nung nilingon ko siya.
"Ay wala na, nakadaan na siya" casual na pagkakasabi niya lang.
"Huh?!"
"MISS MARIANO AND MISS LAURENTE!"
Sabay kaming napatingin kay Sir Riveroy. Patay na naman kami nito. Sa pinaka-likod kami nakaupo, pero palagi pa rin kaming nahuhuli nitong panot na ito.
"Baka gusto niyong ibahagi sa klase yung pinag-uusapan niyo? Mukha kasing mas mahalaga pa iyan sa kasaysayan ng Manunggul Jar?"
Tiningnan ko ng masama si Kenny, habang mabilis niya lang na inangat yung magkabilaang balikat niya.
"OUT!" matigas na sabi si Sir.
"Sir?" sabay pa naming nasabi ni Kenny.
"Lalabas po kami?" tanong ko.
"OUT NGA 'DI BA? Sige, pumasok kayo."
Barado. Naglakad na ako, pero nakita ko si Kenny na nakatayo lang. "Hoy, ano pang ginagawa mo diyan?" mahinang sabi ko sa kanya nung nasa likod niya na ako.
"Tangek, pumasok nga daw tayo eh?" sabi nung lukaret.
Napasapo na lang ako sa noo. Bruha talaga ito. Ayun, and ending tuloy nakatayo kami sa corridor.
"Pero, ganun ba talaga kahalaga yung Manunggul Jar?" tanong ni Kenny sa akin, habang umaamba ng suntok kina Kevin at Kenneth na nasa loob ng klase at inaasar siya
"Eh bakit ka ba kasi naninipa kanina, ha?" tanong ko sa kanya.
"Eh dumaan nga kasi sila Khritian."