8

44 2 0
                                    

KENNY MARIANO: Uy nakita mo na? Naka-in-a-relationship na sila?

Hindi ko magawang magtanong kung sino ang tinutukoy niya, dahil may ideya na ako.

Nagulat ako nung bigla akong i-chat ni Nicka.

NICKA MENDOZA: Ani, may sasabihin ako sa'yo.

At tulad nung hindi ka pagsagot kay Kenny, hindi ko na rin nasagot si Nicka. Para akong nabato sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw. Ganito pala yung pakiramdam.

Pinaka-ikinagulat ko, nung yung taong ayokong makausap ngayon, ang siya namang nag-chat sa akin.

KHRITIAN PILLOS: Uy may sasabihin ako sa'yo.

Ito kasi yung pinaka-kinakatatakutan ko. Yung siya na mismo yung magsabi sa akin.

Naalala ko bigla yung napag-usapan namin noon sa chat.

ANILEX LAURENTE: Seryoso ka? Wala ka pang nagiging girlfriend? Eh yung first love mo?

KHRITIAN PILLOS: Nahanap ko na siya. Kaso hindi ko pa masabi sa kanya na ako iyon.

ANILEX LAURENTE: Bakit?

KHRITIAN PILLOS: May nagawa kasi akong hindi maganda sa kanya.

ANILEX LAURENTE: Kung ako sa'yo umamin ka na hanggat maaga.

KHRITIAN PILLOS: Huwag kang mag-alala, isa ka sa unang sasabihin ko. Ihaharap ko pa siya sa'yo, one day.

ANILEX LAURENTE: Sabi mo 'yan ah?

Ito na ba yung araw na iyon? Bakit nga ba hindi ko naisip nun pa lang na si Nicka yung first love niya. Schoolmates na kami mula Elementary.

Ang sabi niya noon, Elementary siya nung makilala niya ang first love niya. Bakit ba hindi ko naisip na baka si Nicka nga iyon.

Hindi ko na talaga nasagot yung chat nila Kenny at Nicka. At dala ng bugso ng damdamin, na-unfriend ko si Pillos. Nung napagtanto ko na wrong move iyon, huli na. Alangan namang i-add ko na naman siya. Nag-sign out na agad ako nun.

Halata man na ang bitter ko, wala muna akong pakialam. Hindi ko alam. Ang arte ko naman, ano ba ito. Parang iyun lang eh. Bakit ko ba iniiyakan yung ganung bagay?

Dapat maging masaya na lang ako para sa kanila. Ano naman kung wala na talaga kong pag-asa sa kanya? Ano pang magagawa ko? Eh ganun talaga.

Pumasok na ako agad sa kwarto. Pinigilan ko yung iyak ko, kasi baka marinig nila mama sa labas. Pero habang pinipigilan ko mas malakas lang yung tunog.

"Ina, nag-text si Kenny. Mag-usap daw kayo" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto.

"Huwag mo na reply-an 'ma. Magkikita naman kami sa school bukas" sabi ko kay mama habang pilit na hindi pinapahalata ang pag-iyak ko.

Bakit ko ba iniiyakan kasi ito? Bata pa naman ako, marami pa akong makikilala. At tulad nina mama at papa, kapag nakilala ko yung tao na iyon bibilis ang tibok ng puso ko. Kahit gaano pa kami tumanda, bibilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Yung kay Pillos, puppy love lang ito. Siguradong mawawala din ito agad. Basta lang, kalimutan ko na yung utang niya.

Kaso, kahit gaano ko kumbinsihin ang sarili ko hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Kaya binuksan ko na lang yung radyo ni papa at nilakasan yung volume nun, para hindi nila marinig sa labas na umiiyak ako.

Pero nananadya talaga ang malupit na tadhana. Pati yata radyo namin naimpluwensyahan ni Kenny, ito at inaasar din ako

Now playing... Unfriend you by Greyson Chance

KINAUMAGAHAN.

"Anyare sa mata mo?" tanong nung bruha. "Umiyak ka?"

"Hindi, inipis lang ako habang natutulog" sabi ko kay Kenny kahit alam naman namin pareho na alam namin kung ano talaga ang dahilan ng pamamaga ng mata ko.

"Kasi naman, linis-linis din ng mukha bago matulog" sabi pa niya sa akin.

Tingnan mo talaga itong bruha na ito.

"Bakit ba, parang wala lang sa'yo pag nalulungkot ako?" sabi ko sa kanya. "Birthday ko na bukas. Pero 'yun pa yung nabalitaan ko. Iyun ba yung surprise mo? I hate you Kenny."

Naging-sensitive na ako, kasi naman ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko.

"Baliw. Iba yung surprise ko 'no."

"Grabe. Di ka ba naaawa sa akin? Broken hearted na nga ako, tapos itutuloy mo pa rin yung binabalak mo! You're so mean."

"Pake mo ba! Ikaw ba yung magsusurprise? 'Apaka pakelamera mo!"

Buong araw, nagpakasaya ako. Kahit na masakit pa rin sa akin mga nangyari. Ganun talaga, eh. Dapat magpatuloy pa rin ang buhay.

Si Kenny, alam kong may pakialam at nag-aalala talaga sa akin. Buong araw niya akong pinapatawa. Hindi niya muna sinamahan yung mga brad niya, dahil buong araw siyang nakadikit sa akin.

Kahit papaano hindi ko na masyadong inisip yung istapa na iyon!!! Hindi siya marunong mag-bayad ng utang.

"Ano handa mo bukas?" tanong ni Kenny habang nagma-marathon kami ng Barbie sa bahay nila. Mukha man kaming timang sa panonood nito, masaya talaga kami.

Tapos na namin yung 12 Dancing Princess at Princess and the Pauper. Rapunzel ang pinapanood namin nung asarin na naman niya ako tungkol sa birthday ko.

Sinasakyan ko na lang yung pang-aasar niya. Pero nung pauwi na ako, nag-iwan na naman ng pagbabanta si bruha.

"Excited ka ba sa surpresa ko sa'yo bukas?"

"Hindi ako papasok" malamig na sagot ko sa kanya habang nag-aabang kami ng jeep.

"Kahit 'di ka pumasok bes, matatanggap mo yung regalo ko."

"Ano ba 'yun?! Bagay?"

"Oo, hindi, pwede."

Ayan na naman siya.

"Ikaw, mismo magbibigay sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi, pwede."

Ang dapat talaga itanong dito yung hindi nasasagot ng oo, hindi at pwede, eh.

"Umuwi ka na nga!" sabi niya pa sa akin.

Wala na akong nagawa dahil parating na yung jeep.

"Hindi ka na ulit iiyak pagtapos ng bukas" sinigaw niya nung nakaandar na yung jeep.

Kapag ako talaga naiyak bukas, humanda sa akin yung bruha na iyon.

Pag-uwi, nakatulugan ko na lang ang pag-iisip kung ano ba talaga ang surpresa niya.

The Chat to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon