Epilogue

59 2 0
                                    

"Ina, behave ka lang dito okay? May dadaanan lang si mama sa office" paalam ni mama bago siya lumabas.

Nung nakaalis na siya, bumaba ako ng hospital bed saka hinawi yung kurtina nung nasa kabilang kama.

"Uy! Uy!" tawag ko sa batang lalaki, pero hindi na naman niya ako pinapansin.

Nags-share kaming dalawa sa kwarto na ito mga ilang araw na rin nung dumating siya. Pero tuwing kakausapin ko siya hindi niya ako pinapansin. Bingi kaya siya?

Nakahiga siya patalikod sa akin, kaya hindi niya ako nakikita. Sumampa ako sa kama niya, saka siya kinalabit.

"Uy bata" sabi ko sa kanya.

Nagulat siya kaya bigla siyang napaupo.

"Bed ko 'to, bakit ka nandito?"

"Hindi mo ko pinapansin, kinakausap kita simula pa nung dumating ka."

"Ayoko makipag-usap sa'yo, ang payat mo. Malnourished ka."

Hala? Ang yabang naman nito!

"May sakit lang ako kaya ako payat!!! Ikaw nga, ang putla mo! Wala ka bang dugo?!"

"May sakit din naman ako ah?!" sagot niya.

"Anong sakit mo?"

"Allergic ako sa bagoong. Bumabagal tibok ng puso ko kapag kumakain ako ng bagoong."

"Ay ang pangit ng sakit mo" sabi ko sa kanya habang patawa-tawa.

"Mas pangit mo naman!"

Ang sama ng ugali niya, binibiro ko lang naman siya.

"Anong pangalan mo? Ako si Ina" pagpapakilala ko sa kanya.

Humiga na ulit siya patalikod at hindi na ako pinansin.

NUNG sumunod na araw, sumampa ulit ako sa kama niya.

"Isusumbong na kita, sasabihin ko nakikihiga ka sa bed ko!"

"Edi magsumbong ka! Pagmamay-ari mo ba yung ospital na 'to?! Tuturuan nga kita kung ano gagawin mo para tumibok ng mabilis yung puso mo, eh!"

"Sige nga, ano?"

"Sasabihin ko lang sa'yo pag ginawa mo yung gusto ko!"

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

"Makipag-kaibigan?"

Simula nun, naging magkaibigan na kami. Tinuro ko na rin sa kanya yung sinabi ni mama noon sa akin.

Sabi niya, mahal na mahal niya daw papa ko. Kaya kahit matanda na sila, bumibilis pa rin tibok ng puso niya pag kinikiss siya ni papa.

Siya ang first kiss ko, kaso nakalimutan ko nang itanong ang pangalan niya...

Pero hindi ko kailan man makakalimutan yung pangako niya na magiging katulad kami nina papa at mama. Tutulungan namin ang isa't isa na patibukin ang puso ng isa't isa.

****

Binuksan ko yung mga mata ko. Kaso ang labo. Ang daming tao, nakapalibot. May mga bulaklak. May mga confetti na nagsisipag-lipad sa hangin.

At nandoon siya, hawak ang gitara niya habang nakatingin sa akin. Nagsasabi ng mga salitang hindi ko masyadong marinig....

"Mahal kita
Pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam
Kasi hindi mo na ako tinitignan

Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman
hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin Kasi ayoko pa sa ngayon
na manligaw"

The Chat to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon