Leander's POV
"The Famous Prince of Genova, Prince Leander D'orion is finally back here in our country, it was said that he's been there for almost three years for the preparation of the most-awaited proclamation of him being a prince-"
Hindi ko na narinig ang ibang kataga na sinasabi ng reporter na iyon dahil pumasok na ako sa aking sasakyan at di na nakipag-usap pa habang patungong opisina na aking pagmamay-ari. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging pagbabalik ko. Normal lang naman ako noon. May mga kaibigan ako na balak kong hanapin ngayon wala na kasi akong naging komunikasyon sa kanila ngayon.
3 years ago
"Leander, ilang taon kaya ang aabutin mo bago ka matapos mag-ayos dyan. Napakatagal mo para kang babae!" Narinig kong sigaw mula sa baba ni Juliana o Liana kung tawagin namin. Sila ang matatalik kong kaibigan kasama si Rosswell o Ross.
"Madali na lang 'to, Masyado ka naman atang nagmamadali" sambit ko habang inaayos at ina-anggulong mabuti ang pagkaka-ayos ng buhok ko.
"Lintek naman pare oh! Antagal mo na ata dyang nakaharap sa salamin, wala namang nababago kasi tinitingnan mo lang" inis na bigkas ni Ross na nagpatawa sa akin. Oo nga walang nababago kasi tinitingnan ko nga lang naman.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdanan namin habang inaayos ang kaunting gusot sa damit ko sanhi ng pagkaka-upo ko sa harap ng salamin.
Nang makita nila ako. Nagliwanag ang mga mukha nilang bakas ang pagka-inis.
"Ganon na ba talaga ako katagal at naubos nyo na ang handang pagkain ni Nanay Elen?" ngisi ko sa kanilang dalawa na mahahalata ang pagka-busog sa kanilang katawan.
"Oo eh. Sobrang tagal tapos ansarap pa ng luto ni Nanay, wala talagang makakatalo pag si Nanay na ang nagluto, tapos alam nya pa kung anong gusto kong timpla sa hot chocolate ko" mabilis at sunod-sunod na usal ni Liana na halos wala na akong maintindihan.
Nginisian ko siya "Dahan-dahan naman Liana wala na kaming maintindihan ni Ross oh" sabay kaming tumawa ni Ross at umirap na lamang si Liana at nag-'nyenye' na lamang siya sa hangin. Napangiti akong muli parang bata talaga ito.
"Oo nga naman Liana. Kanina habang kumakain daldal ka na ng daldal. Walang katapusan, paulit-ulit lang din naman, Wala pang katuturan" pang-bubuska ni Ross kay Liana.
Sumigaw siya matapos ang ilang sandali. "Aba't hoy Ross wag mo akong ginaganyan-" Diko na siya pinatapos at agad tinakpan ang bibig niya.
"Tama na kayong dalawa. Umalis na lang tayo para makadating tayo agad" kinagat ni Liana ang palad ko kaya't binitawan ko na siya.
Umirap ng walang hanggan si Liana "Nag-salita ang mabagal kumilos kung di ka mabagal edi sana nandoon na tayo ngayon" bulong niya na kahit nasa may pinto na ako ay rinig ko parin.
"May sinasabi ka?" tanong ko sa isang seryosong tono na kahit sino ay matatakot.
"Wala naman akong sinasabi, Diba Ross Hehe" kinakabahan niyang bigkas, pinipigilan kong matawa sa itsura niya talagang natatakot na siya.
"Meron kang sinasabi eh. Sabi mo mabagal kumilos si Leander" nginisian ni Ross si Liana at halatang natakot si Liana dahil alam niyang magagalit na ako.
"Hehe j-joke lang naman k-kasi yun eh Hehe" di ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na ako ng parang walang katapusan. Pinaghahampas naman ako ni Liana.
"Letche ka! Punyeta! Tinakot mo ako. Di tayo bati" nagmamaktol na sabi niya tsaka pumasok sa unahan ng kotseng gagamitin naming tatlo.
"Lagot ka! Ginalit mo ang Dragon" pang-aalaska ni Ross sa akin nag-tawanan lang kami bago pumasok na at umalis.
Nginisian ko si Liana "Ayos ka lang ba dyan? Baka matuod ka dyan" pigil tawa ko paring sambit habang si Ross ayun natatawa na talaga.
Kinunutan lamang ako ng noo ni Liana at umirap " Bwiset kayong dalawa, alam nyo yun? Panira ng araw! Peste! Alis na nga lang tayo!" halos mag-deliryo na sa inis si Liana at sa ganyang pagkakataon kailangan mo na talaga yang suyuin.
"Joke lang Liana, libre na lang kita ng kung anong gusto mo." Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at sumigaw ng "SHOPPING" katagang ayaw kong marinig sakanya simula pa noon.
**
Naaalala ko pa ang mga panahon na iyon. The night before I knew na aalis na pala ako sa bansa. Aalis pala ako na may dadalhing bigat at pagka-bigo sa puso.
**
Matagal ko nang alam na halos may namamagitan na kay Ross at Liana pero di ko parin maiwasang mahalin si Liana. Masyado na akong nagpapakatanga pero wala akong alam na gawin kundi mahalin siya.I received a text message from Liana saying "Leander punta tayo sa mall, I have something to tell" parang kinabahan ako dun ngunit tumuloy pa din ako.
Balak ko na sabihin kay Liana kung gaano ko siya kamahal at tungkol sa pag-alis ko.
Pag dating ko sa aming tagpuan. Parang nadurog ang puso ko sa aking nakita. Magka-hawak ng kamay sila Ross at Liana at alam ko na agad kung anong sasabihin nila.
"Uy! Leander andyan ka na pala kanina ka pa naming hinihintay" Nakangiting sambit ni Liana.
"Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong ko agad siyang namula heto na maririnig ko na ang kumpirmasyon nila.
"Kami na ni Liana pre! Isn't it wonderful?" nakangiting sambit ni Ross. Nadurog ang puso ko sa narinig ko pero nagawa ko pa ding ngumiti.
"I'm happy for the both of you, by the way ako nga din pala may sasabihin" usal ko habang nakangiti ng mapait.
"Ano yun, Leander?" halata ang pagtataka sa kanyang mukha.
"I'm leaving tomorrow, my father needs me for a certain reason" sambit ko na nagpa-gulat sa kanila.
"Sabi na nga ba darating ang panahon na ito eh, Mag-iingat ka dun pare. Mami-miss ka namin" Sambit ni Ross at inakbayan ako sabay sabing "Size 11 ako ahh" napatawa na lang ako
"Gago!" binatukan ko na lamang siya at agad niyang sinapo ang ulo niya at ngumiwi.
"Ano oras flight mo? Hatid ka namin sa Airport" nakangiting sambit ni Liana. Napatitig ako sa mukha niya, ang kanyang mga matang ipinapahiwatig kung gaano siya kasaya. Mamimiss ko ang mga iyon.
Mukhang aalis ako nang mabigat ang dadalhing sakit. Aalis ko nang hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko.
**
Nabalik ako sa katinuan nang kumatok ang aking sekretarya"Sir may naghahanap pong babae sa inyo sa labas" nakangiting bungad nito
"Sige, papasukin mo" tugon ko naman sakaniya. Tumango lamang ito bilang sagot.
Narinig ko ang pag-bukas at sarado ng pinto habang nakatingin ako sa mga papeles na aking inaayos. Naramdaman ko nang lumapit ang babae sa aking mesa.
"Leander" nag-angat ako ng tingin sa pamilyaridad ng boses na iyon at hindi nga ako nagkamali.
"Liana"