Leander's POV
"Liana..." Nagulat ako sa biglaan niyang pagdating matapos ang ilang taon na hindi namin pagkikita. Narito siya sa aking harapan.
"Kamusta ka na? Matagal-tagal din tayong di nag-kita ahh" nakangiti kong sambit sa kaniya. Nakita ko ang pagbabago ng kanyang mukha bakas ang lungkot. Nagtaka naman ako sa nakita ko.
"Pwede ka bang maging ama ng magiging anak ko?" mga katagang dumurog at nagpasaya sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Sinong ama?" Nagawa akong itanong sa gitna ng pagkagulat.
"Si Ross" wika niya sa gitna ng kanyang mga hikbi. Nagsimulang mag-init ang gilid ng mata ko sa mga alaalang nag-babalik nung mga panahong iyon.
"Nasaan siya? Bakit ako ang nilapitan mo at hindi siya?" Lalo siyang humagulgol sa sinabi ko, di ko maiwasang maluha sa kalagayan ng babaeng minamahal ko simula pa noon.
"Ewan. Hindi ko alam nawala s'ya simula nang malaman niya ito" Niyakap ko na lamang siya at sinabi ang mga katagang kailangan kong panindigan simula ngayon.
"Akong bahala sa'yo at sa magiging anak mo, kikilalanin siya ng mga tao bilang akin" Usal ko habang humihikbi siya sa dibdib ko na nagpa-durog sa puso ko.
Nagtagal kami sa ganoong pwesto bago ko maisipang tanungin siya kung ano ang gusto niya.
"Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Eh ang baby ano na bang pinaglilihian mo?" sunod-sunod kong tanong na naging dahilan ng pagtawa niya ng mahina.
"Ano ka ba? Masyado ka na namang paranoid. Magdadalawang buwan pa lang ito wala pa akong pinag-lilihan." nakangising sambit n'ya. Napakamot na lang ako ng ulo at nahihiyang ngumiti sakaniya.
"Baka lang kasi alam mo na. Gusto ko lang maging mabuting ama sa bata" Nakangiting sambit ko na nagpalawak ng ngiti niya.
Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Inalalayan ko siya sa pangambang baka matumba siya. Kailangan niyang mag-ingat lalo na't nagdadalang-tao s'ya.
"Maraming salamat talaga Leander! Kaya mahal kita eh" tuwang-tuwang sabi niya na parang bata. Napailing na lamang ako sa tinagal-tagal ng panahon di parin talaga siya nagbabago.
Ngunit may mga katagang kumirot sa puso ko "Kaya mahal kita eh" Sana mahalin mo din ako gaya ng pag-mamahal ko sa'yo. Sana
4 years later
Nagising ako sa yug-yog at haplos ng mga maliit na kamay sa aking mukha.
Bumungad sa akin ang mukha ng aking anak Leonel Alexander D'Orion ang aking 4 year old son."Good Morning Sport" angil ko habang pupungay-pungay pa ang aking mga mata.
"Daddy! Gumising ka na we have a lot of activities to do today!" masayang sambit nya habang niyu-yugyog ako.
"Daddy, Masyado ka bang pinagod ni Mommy kagabi?" usal niya na nagpa-laki sa aking mga mata.
"Saan mo nakuha ang ideyang iyon ha Sport?" tanong ko habang pinipigilan kong mapatawa sa minutawi ng kaniyang munting bibig.
"Just heard it from Wowa, then after she said it she laughed like a mad woman. Wowa's really weird Dad" naka-kunot noo niyang sabi halatang naguguluhan talaga siya.
"Don't listen to Wowa okay? You're too young for that" napatango-tango na lamang siya. Nanay ko talaga mabuti na lamang at madaling mag-isplika sa batang ito.
Napangiti ako dahil patuloy pa rin niyang tinatalunan ang kama ko.
"What do you want to do today, Sport? by the way Where's your mom?" nagtatakang tanong ko minsanan lamang kasi iyong magising ng maaga.
