Three

33 2 0
                                    

Liana's POV

Natutuwa akong panoorin ang aking mag-ama habang masaya silang naglalaro dito sa parke. Oo, hindi anak ni Leander si Leon pero itinuring n'ya ito na kan'ya kaya't itinuring ko na din s'ya bilang ama nito.

Nasaan na kaya ang ama ni Leon? Sa bawat araw na lumilipas ay hindi ko mapigilang itanong iyan ng paulit-ulit. Hindi man nagkukulang si Leander parang nahihiya na din ako sakan'ya nang dahil sa amin hindi na s'ya nakahanap ng kan'yang mamahalin.

"Leander, salamat at pasensya ka na ha." angil ko habang nakatulala sa kawalan.

"Para saan?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala s'ya at umupo sa aking tabi. Sabay naming minamasdan ang aming anak na nakikipag-laro sa mga bata.

"Sa pag-aalaga sa aming mag-ina. Nang dahil na rin sa amin hindi ka na nakahanap ng mapapangasawa mo." Nakatungo kong sabi na halos bulong na lang sa hina ng aking boses. Hindi ko alam kung bakit sumama ang aking loob sa ideyang mag-aasawa s'ya ng iba. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Leander's POV

"Sa pag-aalaga sa aming mag-ina. Nang dahil na rin sa amin hindi ka na nakahanap ng mapapangasawa mo." Napatigil ako sa narinig kong iyon. Hindi ko naisip na ganito pala ang tinatakbo ng isip n'ya.

"Ayos lang yun. Sa dami din ng trabaho ko hindi ko na naisip na mag-asawa pa at-" ikaw lang naman ang gusto kong mapangasawa gusto kong sabihin ang mga katagang iyon. Ngunit may pumigil sa kalooban ko.

"At?" tanong n'ya. Napatigil ako at nag-isip ng sasabihin.

"At nand'yan naman kayo ni Leon. Sa inyo ko na lamang uubusin ang oras ko." totoo naman hanggang kasama ko sila aalagaan ko sila ng buong oras ko. Ngunit paano na lamang kung biglang bumalik ang gago?

"25 ka na kailangan mong humanap ng mamahalin at makakasama habang buhay." bumigat ang loob ko sa tinuran niya.

"Bakit iiwan mo ba akong mag-isa pagdating ng panahon?" bahagyang natigilan s'ya dahil sa sinabi ko napatungo na lamang siya. Alam ko na.

"Kalimutan mo na iyon. Tatawagin ko lang si Leon at kakain na tayo." hinawakan ko ang kan'yang baba at hinarap sa akin bago ko s'ya ngitian. Hinalikan ko muna ang kan'yang noo bago nagsimulang lumapit sa anak namin.

"Come here Sport, Tama na yan pawisan ka na." lumapit sa akin ang anak ko tapos pinunasan ko ang kan'yang mukha at likod bago ko s'ya pinasan sa aking mga bisig.

"Oh kamusta ang gwapo kong anak? Napagod ka ba?" nakangiting bati sa amin ni Liana. Nakangiti na s'yang muli buti naman ayaw ko nang nalulungkot s'ya eh.

"Wow! Ansarap naman nito. Paborito ko!" tsaka kinuha ni Leon ang carbonara na inihanda ni Liana kanina.

Umalis siya 'di ko alam kung saan pumunta. Bumalik s'ya na may dalang tupperwear. Ano na naman kaya iyon?

"Bis taurus fettucine for you sir." nakangising sambit n'ya bago iniabot sa akin ang tupperwear na naglalaman ng pagkain.

Nagliwanag ang mukha ko bago ko ito kinuha inakbayan ko s'ya at hinalikan ang tuktok ng kan'yang noo. Di ko alam ang naging reaksyon niya dahil hindi ito nakatingin sa akin.

Natigilan ako ng makarinig ako ng kaluskos na parang may hinihigop. Nagitla ako sa kalagayan ng anak ko at napatawa. Maamos na ito ngunit wala pa rin itong tigil sa pagkain.

"Hinay-hinay lang sport, After that we will go to Wowa before she head back to grandpap's country." Tumango-tango na lamang ito hindi makasagot dahil puno pa ang bibig.

Nandito ngayon sa Pinas ang aking nanay. Ewan ko ba mas gusto dito mas tahimik daw. Sumasang-ayon naman ako sa kan'ya dahil doon bawat galaw may bantay.

Matapos namin kumain at ligpitin ang aming mga ginamit. Nagsimula na kaming umalis papunta sa mansyon.

"Kamusta ijo? Mamimi-miss ka ni Mommy." Maiyak-iyak na salubong ng aking nanay at inakap ako ng mahigpit. Kumalas ako sakan'ya at si Liana naman ang kan'yang niyakap ng mahigpit.

"Para namang di na tayo magkikita nyan Mommy ah" Natatawa kong bigkas sinamaan lamang n'ya ako ng tingin na mas nagpatawa sa akin.

"Aalagaan mo ang mag-ama mo ija. Iingatan mo din ang iyong sarili." ngumiti ng matamis si Liana. How I love that smile.

"Opo naman aalagaan ko sila. Kahit na ang sakit sa ulo ng kakulitan ng dalawang iyan." napatawa kami nang simangutan s'ya ni Leon tsaka bumaba sa kan'ya at nagpabuhat sa akin.

"Hindi kaya kami makulit ni Daddy diba Dad?" angit ni Leon at nginusuan ang kaniyang ina.

Napatawa ako at sumagot. "Oo nga pinapasaya ka lang namin. Syempre ayaw ka naming nalulungkot." sambit ko tsaka siya kinindatan na nagpapula sa kan'ya. Tinawanan lang n'ya ako bago sumagot.

"Sige, sige sabi mo eh" nginitian ko na lamang s'ya napaka-cute kasi ng babae na ito. Ansarap mahalin este kurutin.

"Halika na sa loob at tayo nang kumain." anyaya sa amin ng nanay ko inakbayan ko na lamang aking asawa at iginaya papasok sa mansyon.

"Wowa. Is Dad really naughty before?" tanong ni Leon na nagpahagalpak sakanilang dalawa tapos sinimangutan ko lang ang dalawa napasulyap ako sa anak tila nagtatanong ang kan'yang mga mata. Napangiti ako.

"Oo Baby boy you're Dad is really naughty. May kakaibang trip yan sa buhay eh." sambit ni Liana.

"Like one time. Namura ko s'ya noon tapos naglayas s'ya. Pinahanap namin s'ya akala namin nawawala tapos nakita s'ya ng Guards sa Guard house. Imagine that maglalayas pero sa property parin namin ang tuloy." salaysay ni Mommy. Napanguso ako sa tawanan nilang tatlo na sabay-sabay.

"Dad, you're insane why did you do such things?" tanong ni Leon habang tawang-tawa din.

"Baby, you're daddy is somehow at drugs that time." bulalas ng aking ina na nagpatawa kay Liana. Napasinghap naman si Leon.

"Really Dad you're taking drugs when you're still young?" takang tanong ni Leon sa akin.

"No silly, Wowa's just kidding." sinimangutan ko ang nanay ko akalain pa ng anak ko na adik ang tatay n'ya.

Kumain lamang kami at nag-kwentuhan hanggang sa maggabi. Habang nasa sasakyan kami tumunog ang aking telepono. Agad ko itong sinagot at idinikit sa aking tenga.

"Hello." bungad ko sa tumawag.

"Leander, we have a problem. Emergency!"

--
Ano kaya yung emergency. Actually wala pa ako idea mamayang madaling araw na lang ako mag-iisip. Hope you like it.

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon