Entry #25

60 21 12
                                    

Thursday, 4:32 PM

Malakas ang ulan. At pag minamalas ka nga naman talaga, ay ngayon pa talaga ako walang sundo.

May sakit ang anak ng bago kong driver na si Mang Julian kaya pinayagan itong umabsent dahil kawawa naman at walang magbabantay sa anak, abroad kasi ang asawa nito.

Wala rin akong dalang payong dahil naiwan ko ito sa bahay kanina.

Ayoko rin naman magpa-ulan dahil sakitin pa man din ako at may exam rin ako bukas. Kaya no choice ako at kailangan ko munang maghintay dito na tumila ang ulan.

Bakit kasi iniwan ko yung payong ko? Tanga ko talaga paminsan minsan.

Nandito ako ngayon sa College of Education building dahil dito ang room ng last subject ko sa araw na ito.

Nauna na rin yung mga classmates ko pati sina Mariel at Lea. Nahihiya rin kasi akong sumukob sa payong nila dahil iilan lang rin sa kanila ang may dala dahil hindi naman inaasahan ang ulan na ito.

Magkakalahating oras na akong naghihintay pero umuulan pa rin. Mas malakas pa nga kesa kanina. Nawawalan na ako ng pag-asa at maliligo na rin sana sa ulan nang biglang nag vibrate ang hawak kong phone.

From: Daniel
- Room Ed 22, may payong akong iniwan sa pinakadulong silya. Kunin mo then uwi kana kasi gabi na.

Pinuntahan ko nga ang room na nakalagay sa message. Wala ng tao roon. Hindi naman ako natatakot. Baliw ang sender na yon pero hindi naman siguro nya trip manakot sa panahong ganito.

Pumunta ako sa dulo na part at sa pinakagilid na silya ay may nakita akong plain black umbrella.

Ang bait naman nya. Pero, paano sya kung ang payong nya ay iniwan nya dito para sakin?

Bago suungin ang malakas na ulan ay nag compose muna ako ng reply para sa kanya.

To: Daniel
- Nakuha ko na. Pero, paano ka? Mababasa ka. Baka magkasakit ka pa.

From: Daniel
- Uyy! Concern sya sakin ;) Okay lang ako basta okay ka:) Uwi ka na po. Mag-ingat ka.

To: Daniel
- Adik ka talaga! Pero, thank you ha? Ibabalik ko nalang sayo to bukas.

From: Daniel
- No. Keep it. And, you're always welcome:)

To: Daniel
- Ayaw mo nga palang magpakita sa kin.

From: Daniel
- Wag ka na kasi mag reply. Umuwi kana. Text mo yung plate number ng taxi na sasakyan mo and if nakauwi kana, okay?

Base sa mga texts nya, hindi ko maiwasang maisip na nagpapa sweet sakin tong lalaking to.

Type ata ako. Dejoke lang. Assuming naman ako masyado.

Di pwedeng mabait lang talaga yung tao?

Lahat kasi ginagawan ng malisya eh.

Yan tuloy, parating sakit ang inaabot. Buhay nga naman.

Ginawa ko nga lang ang mga inutos nito dahil gaya nga ng sabi ko sa last entry ko ay isa akong dakilang tanga. Pati mukha nga ng driver na picturan ko at sinend ko rin sa kanya.

Pero, walang reply.

Pagkarating ko ng bahay, tinext ko rin agad sya.

Wala ring reply.

Nakapaglinis na rin ako ng katawan at lahat ng kailangan gawin ay nagawa ko na.

Pero, wala pa ring naging reply.

Pinagloloko ba ako ng baliw na mokong na iyon?

Tss. Makatulog na nga lang.

What She Feels (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon