Entry #13

97 26 25
                                    

Saturday, 10:32 AM

Saturday ngayon at walang pasok. Wala rin sila Mom at Dad dahil may business meeting sila. Wala naman akong ibang magawa kaya nagsusulat nalang ako dito. Ayoko rin namang lumabas at gumala dahil di ko hilig iyon.

Sa mga panahong ganitong nag-iisa ako, di ko pa rin ma iwasang ma miss sya ng sobra. Ang unfair nga kasi sya masaya na samantalang ako, Lunod pa rin.

Minsan naitatanong ko kung sino ba talagang may mali sa amin. Naging sobrang possessive at selosa ko ba? Pero, normal lang naman ang mga iyon dahil mahal ko sya, diba?

Ang sayang lang kasi 2 years and 2 months naging kami :( counted pa rin naman ang ilang months kahit puro away nalang kami sa panahong yan.

Siguro nga tama ang sabi ng iba na habang tumatagal ang isang relasyon, minsan hindi kasama ang pagmamahal dito. Dahil tulad ng sa amin. Relationship lang ang tumagal pero agad ring naputol ang nararamdaman. Kaya hindi nag work.

Siguro sa tagal namin, na realize nyang hindi talaga isang tulad kong isip-bata ang gusto nya kundi isang Mia na matured ang pag-iisip. Siguro meron talagang taong darating lang sa buhay mo hindi para mag stay kundi para ipa-realize sayo kung saan ka nararapat.

Siguro yun ang naging role ko sa buhay nya. Isa lang naman ang wish ko sa ngayon para sa kanya. Yun ay ang sumaya sya.

What She Feels (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon