Entry #46

53 10 7
                                    

Sunday, 10:52 PM

Tinanghali na ako ng gising. Napagod ata talaga ako kahapon.

------

Pagkababa ko ay napansin ko si Nay Sally na busy sa kusina.

Ako: Nag grocery po kayo, Nay?

Nay Sally: Oo Iha.

Ako: Nagpahatid po kayo kay Mang Julian?

Nay Sally: Linggo ngayon Iha. Day off ni Julian.

Ako: So, kayo lang mag-isa? Kay rami nyong binili oh. Sana ginising nyo ko para nasamahan ko kayo.

Nay Sally: Para namang kaya mo rin to lahat Ela.

Ako: Atleast po. *pout*

Nay Sally: Alam kong napagod ka sa try-out nyo kahapon kaya di na kita ginising. Tsaka, nag taxi naman ako Ela. Hindi ko naman to binuhat lahat pauwi.

Di ko maiwasang mapanguso ulit nang marinig ko yong sinabi ni Nay Sally.

Hindi nalang ako umimik kasi may point naman sya don. Sa halip ay lumapit nalang ako sa Ref dala ang isang baso para kumuha ng tubig. Uhaw na kasi talaga ako.

Nay Sally: Tsaka, nong bumaba ako Iha, may binatang lalaking tumulong sakin sa pagbuhat ng mga pinamili ko papasok dito. Anak ng may-ari ng bahay dyan sa tapat natin.

Ako: Umupo sa silya habang umiinom ng tubig at nong naubos ko na ay inilagay ko sa mesa. Nay naman, Si Mrs. Reyes kaya yong may-ari ng bahay jan, diba? Tsaka, byuda na ho yon at may sari-sariling pamilya na ang mga anak non. May binatang anak pa ba yon?

Nay Sally: Ela, Iha. Lumabas ka kaya ng bahay paminsan minsan, di mo alam nangyayari sa labas eh. Tatlong buwan na kayang may bagong lipat dyaan.

Ako: Ganon po ba? H-Hehehe. Kasi naman Dan eh.

Nay Sally: Naku Iha, gwapo yong batang iyon. Teka? Balik ulit sa kanya?

T-Teka?

Agad namilog ang mata ko sa mga naiisip ko. Nakatalikod pa naman sakin si Nay Sally kaya di pa nya ako kita.

Nay Sally: At, napakabait pa. Pinainom ko nga ng juice eh. Sayang at ngayon ka lang gumising at hindi mo sya naabutan. Nagmamadali rin kasi sya dajil may aayusin pa raw.

Omgee! Hindi kaya?

Wala pa namang asawa si Nay Sally kaya di posibleng....

Nay Sally: Ikaw bata ka kung anong iniisip mo dyaan! Hala! Nakatingin na pala sya sakin.

Ako: W-wala po a-aah. Pagmamaang-maangan ko.

Nay Sally: Kilala kita. Sabay tingin sakin ng masama. Halaaa?

Ako: Nay naman. Okay lang naman kasi talaga sakin kung crush---

Nay Sally: Anong crush! Ikaw bata ka talaga oh. Nagwagwapuhan lang ako roon para sa iyo.

Ako: Talaga ho ba? Sabay ngisi.

Nay Sally: Tumango.

Ako: Talagang talaga? Kumikislap ang mata kong tanong.

Nay Sally: Matalim na tumingin sakin.

Ako: Biro lang ho. H-hehehe. Gwapo ho ba talaga? Mala James Reid po?

Nay Sally: Ayyy, Oo Iha. Ganon ganon ang ka level noon.

Kung hindi nyo po naitatanong ay fan po si Nay Sally ng Jadine.

Ako: Nako Nay! Wag dapat tayong pakampante sa mga gwapong yan. Kadalasan sa mga gwapo manloloko eh. Yong iba naman bakla. Nakuuuu.

Narinig ko namang tumawa ang matanda habang bumabalik sa iniwan nyang trabaho kanina.

Nay Sally: Bagay talaga kayo non Iha.

Talaga naman oh.

Para namang di ako galing sa isang napakasakit na break-up kung makapaghanap ng kapares to si Nay Sally.

Pero, kung ka level lang naman ni James Reid eh Why not, diba?

Dejoke lang xD

-------

Hi guys ^^ Kahapon sana to na update, pero busy kasi talaga ako. Btw, ito na po ^^ Hope ma enjoy nyo ang pagbabasa :) Salamat.

What She Feels (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon