Entry #35

60 21 23
                                    

Monday, 3:02 PM

Pagkatapos ng class namin ay nag-aya sina Mars at Lea na mamasyal at kumain.

At, dahil hindi naman kami masyadong gutom at sobrang mainit ang panahon ay napagdesisyunan naming pumunta sa isang ice cream parlor.

Pagkapasok namin ay nag volunteer agad sila na sila na bahalang mag order. At maghanap nalang raw ako ng mauupuan.

Napapalingo-lingo na lamang akong sumunod kahit na naaalangan ako sa kabaitan ng dalawang to. Tsk.

-----

Ako: Balak nyo ba akong lunurin ng ice cream ha? *insert death glare sa kanila* mag order ba naman ng kay raming ice cream para sakin? tapos yung kanila isang serve lang?

Lea: Magandang pagkain raw yan lalo na sa mga sawi sa pag-ibig.

Ako: W-whaaaat? Ummmp. Napaubo naman ako dahil agad akong sinubuan ni Mars ng ice cream.

Mars: Deny pa eh. Kung yung iba napapaniwala mo, ibahin mo kami. Kahit two years palang tayong magkakasama, kilala ka na namin. At alam namin yung totoo mong ngiti sa hindi.

Tumatango namang sumang-ayon si Lea at inumpisahan na ring kainin yung ice cream nya.

Lea: Heeeeep! Wag kang iiyak dito giirl!

Ako: Sino bang nagsabing iiyak ako? Sabay pahid ng mumunting luha sa mata ko. Mga bruha kayo!

-------

Masakit iwan ng taong minamahal. But it doesn't mean na wala ng LOVE. Marami pang natitirang love sa buhay.

Friendship is also a sign of love. So, as family.

Sabi nga sa nabasa ko noon sa facebook: 'Don't allow your lovelife to define your happiness'. Hindi porke nawalan at iniwan ka ng boyfriend or girlfriend mo ay hindi kana sasaya.

Happiness is a choice. Kung pipiliin mong maging masaya, sasaya ka. Oo, Mahirap. At yon ang pagsubok na dapat kong lagpasan.

I have my friends and my family. Kaya pipilitin ko para sa kanila at higit na para sa sarili ko.

---

Ang seryoso ng atmosphere. Ito naman kasi si Daniela eh :3 BTW, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na nagbabasa :) Thanks sa 100+ votes. I love you all.

Continue to support. Just Enjoy. And don't forget to vote and leave a comment :)

What She Feels (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon