Entry #48

42 7 3
                                    

Tuesday, 4:32 PM

Nagkasalubong kami kanina ni Keith. Hindi nya kasama ang dalawa nyang kaibigan.

Nginitian ko sya. Syempre, magkaibigan na kami, remember?

Pero nawala nalang sya sa harap ko ay hindi pa rin nasusuklian ang ngiting yon.

Agad akong napahinto sa paglalakad.

Ilang ulit na kisap-mata ang ginawa ko bago binura ang ngiti sa labi ko at pinalitan ito ng pagnguso.

Hindi nya man lang ako pinansin?

Akala ko ba friends na kami? Ginusto nya rin namang maging magkaibigan kami diba? Wala namang pumilit sa kanya ah. Tapos, hindi sya mamamansin?

Di ko naman sinabing makipagchikahan sya sakin every magkikita kami pero sana man lang nginitian nya rin ako.

Nakakasakit sya ha.

Wag lang talaga syang magkamaling sabihing hindi nya ako nakita. Di ko talaga papatusin yon.

Haleeer? Nagkasalubong kaya kami. Kulang na nga lang magkabungguan yung mga balikat namin sa sobrang lapit eh.

Akala ko pa naman mabait na sya, yon pala suplado pa rin.

Pinaasa lang pala ako :3.

Bakit ba parati nalang akong pinapaasa? :(

------

Sorry if ngayon lang nakapag-UD tapos ang iksi pa. Babawi ako next time, peksman! :)

What She Feels (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon