6.2 Intoxicated (Part 2)

17 0 0
                                    

----------------

To the sky, flying high
Take me to the moon
Day or night, we dont have to say a word 
Cause you make me feel like
Im Intoxicated,
Toxicated
---------------------

For the next two days. Sa bahay na lang muna ako nagstay. Bahay ni Mielle.. lemme clear. 

 Halos hindi kami magkausap ng maayos ni Eroll dahil nga busy sya. Bago naman sya nagsimula sa hectic nyang schedule ay dinalaw nya ako dito.. O kaya.. pumupunta kami sa unit nya. But that was so little time. Ni wala pang isang oras kasi hinahanap agad sya ng manager nila. Lalo na at sa isang araw ay lilipad na sila para sa kauna unahan nilang big concert sa ibang bansa pa magaganap.

Kung bakit ba kasi .. ngayon pa sya nawalan ng oras.. Kung kelan .. medyo hindi maayos ang sitwasyon. i dont want to demand time. Ayokong makahadlang o maging issue sa amin ang music. He loved music before he came to know me. And I love him doing music too. Kaya magkasundo kami sa pag abot nya sa pangarap. Its just that. Minsan parang karibal ko na to sa kanya. But im not selfish. I know my place.

"I promise .. pagkatapos nito.. babawi ako .. Sai. " I smiled bitterly.. magkausap lang kami sa telepono dahil nasa La union pa sila. Nag shoot i think? Pero pabalik na sila dito.. Susubukan daw nilang umabot sa bar nina Kuya Lance.

"Okay naman ako. ano ka ba.. Wag mo ko masyadong alalahanin. Just.. pahinga ka na muna dyan.. Pauwi na din ako sa condo ni Mielle.. " after that call ay napapikit na din lang ako sa loob ng sasakyan ni Pol. I just wanna rest. Galing akong school. This is the first time i went out since I came to the Ram towers.
Naalala ko lang na hindi pa lubusang maayos ang lahat. Hindi ko pa nakakuasap si Tita. Hindi ko pa sya nadadalaw. HIndi ko pa din nakikita ulit si Calvin. And good thing the Aguedas never appear in front of me again. I just hope they wont care about me anymore. Tinulungan nga ata ako talaga ni Calvin. But how?

Madami pa akong iniisip.. pero pansamantala muna akong haharap sa realidad and live at the moment.

" Mindoro tayo next week? Nag yayaya si Ate Collene" si Apollo. Summer na nga pala. Kaya kating kati na naman sila sa pagbabakasyon.

"Kelan next week? balak ko na kasing mag apply nun eh"

"Aapply ka agad? Hindi ka muna magpapahinga? Why not take a break Sai. We've been studying for years. We deserve a rest...Saka... " Medyo natagalan ang pagdugtong nya but i just waited. Lumiko kasi sya sa kanan at medyo napunta muna ang atensyon nya sa kalsada. ".. Pagnagkatrabaho ka na tuloy tuloy na yan.. hindi ka na basta basta makakabakasyon. Unless. you follow the footsteps of our oldies na sa sariling company nagtatrabaho o magtayo ng negosyo.. But you see.. wala pa tayong 21 kaya hindi pa natin magagawa yun" Tuloy tuloy ang kwento nya hindi ko na alam kung may dapat pa ba akong sabihin.

"I cant wait to be 21!"
I blurted. napatawa naman si Pol.

"Ramdam kita. hahaha. Gusto ko na malaman kung gaano kalaki iniwan na pera sakin ni Dad. hahahha " napangiti ako. Parehas pala kami ng iniintay. Pero ako.. kelangan ko na kasi yun kaya iniintay ko. Mauubos na yung pera ko.

"tagal pa nun. Kaya kelangan ko na magkatrabaho. Nauubos na pera ko Pol eh. Kelangan ko ng panggastos sa bahay"

Natahimik sya

"Do you regret it? .. " He asked seriously.. hindi ko naman alam kung alin ang tinatanong nya na kung pinagsisisihan ko.

"Alin dun?"

"Yung pag alis kina Calvin? .. Hindi ka sana namomroblema ng ganyan if you stayed. " Napakibitbalikat ako sa sinabi nya. Pero totoo naman yun.

"Its hard. .. impulsive. nakakabigla at nakakapanibago. Kelangan ko mag adjust at makisama kay Mielle. Hindi ko na magawa yung dating nagagawa ko kasi kelangan ko iconsider yung kasama ko sa bahay. A big blow as it is. Pero hindi naman ako nagsisisi. Going out there is like finally breaking out from prison"

THE PERFECT LOVE SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon