6.3 Intoxicated (Part 3)

18 0 0
                                    

-----------------------
No I don't just want any pretty face,
wanna wake up next to yours each day.
Baby, won't you be my saving grace tonight, tonight?
-----------------------

Im kind of spacing out the whole day. I knew I am.. But Im trying hard not to. Alam kong napapansin din yun ng mga kapatid ko pero hindi na lang nila ako sinisita.
Is it my fault na hindi ako nageffort at nagkainteres na sumama sa Malaysia?

Gusto kong sawayin ang sarili ko sa pag iisip ng kung ano ano.. Kung anong ginagawa ni Mielle dun. (Syempre susuporta sa concert.. isang bagay na hindi ko magawa) .. kung bakit si Mielle nakahawak sa buhok ni Eroll ( hairstylist ba sya?) . Mafufrustrate lang ako kaiisip. Binuksan ko na ang mobile data connection ko para kung sakaling nagmessage sya ay matanggap ko.

But then I guess I just waited for nothing. Nakauwi na ulit kami ng gabi sa apartel .. katatapos lang ng dinner. And .. Im wondrin if the concert is done by this time.. Walang time difference ang Philippines sa Malaysia. Right?

Nasa loob na kami ng kwarto at nanunuod .. Sina Cie at Terrence ay tulog na..
Hiniram ko naman ang ipad ni Zellah at naghintay ng tawag o chat ni Eroll. Ng maya maya ay umilaw ang screen at tumunog .. napatayo ako. Kelangan ko lumabas para medyo private.
.But I thought its Eroll.

Inassume ko agad... Kaya lang mali ako.

Hiracuel Cuangco-Salva

video call?

Napakunot ang noo ko. Well this is new... He doesnt usually call me. At never pa kaming nag video call. Pero inaccept ko na din

Teka.. ibig sabihin nito tapos na ang concert!

Seconds later ay nasa labas na ako at nakaharap na kami pareho sa screen. Naramdaman ko na naman ang usual na nararamdaman ko pag andyan si Jil

Ramdam ko na naman ang papalakas na kalabog ng dibdib ko.
Naka all black sya. Heavy eye liner at messy ang buhok.
Nakakapalunok ang itsura nya.

Angel in black.

Bad with a touch of innocence..

but then when he smiled. . Okay.. I guess ill be fine.

" hi.." tipid kong bati sakanya. " Bakit?" I asked.

Lalong napalaki ang ngiti nya. Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa paligid nya. Nasa backstage na ata sya. Malaking salamin ang nasa likod. Ah! dressing room. so tapos na?

"wala lang. saw youre online!. okay lang naman to diba?" .  he asked. Is it okay? siguro? Wala namang masama diba? we're.  auhmmm .. kind of.. friends..? at least somehow.

.Kasi friend din sya ni Eroll.

"Oo naman.. ahm.. tapos na kayo?" obviously Isay! Napakagandang tanong.

" Yeah.. katatapos lang ng performance. Theyre just busy sa nagpipicture sa kanila but.. im kinda tired. I wanna sit back and relax. " naglean pa sya sa sandalan ng kinauupuan nyang high chair. Yung suot nyang earing ay nagreflect pa ng ilaw pag galaw nya.

Nakakatakot talaga syang tingnan minsan.

"How was it..?" gusto ko sanang magtanong sa kanya ng .. hmm alam mo na. Kaya lang baka mamali ako ng tanong kaya nililimitahan ko lang sa nakakabobong tanong yung mga sasabihin ko.

" yung concert? o yung pagtugtog? ..
.
. Yung pagtugtog.  well. I think we did great. may minimal na palpak at failures but hell.. nothings perfect right. sa Concert. ? My first time to perform in front of such a huge crowd  shouting Cruscial's name.. some.. shouting my name. " he smirked. Kitang kita ko naman ang contentment.  success at satisfaction sa muka nya. Nakalimutan ko na bata pa nga pala tong si Jil. Kaya mga ganung bagay at atensyon ay sobrang nakakapagpasaya pa sa  kanya " You should've seen it. . Bat kasi di ka sumama? "

THE PERFECT LOVE SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon