♬♪♩ 5.1 Whisper Something Fragile (Part 1)

28 0 0
                                    

===============
Whisper Something Fragile:
I'm trying to write the perfect love song,
But then love breaks her apart.
Im trying to end up with the right words..
I wish it can mend her heart.
=================

----------------------------
Winter wonderland was made for romances
I've let go, gonna take these chances
I came home, welcomed back by the lights
Left my heart to accompany your nights
----------------------------

THIRD PERSON'S POV

Mahigpit na hinawakan ni Mico ang mic. Nakalapit na sya pero hindi nya alam kung lalapit pa ba sya o lalayo sa mic stand. Naalala nya ang sinabi ni Jonas kanina na dumistansya pero wag lumayo.. Hindi nya makuha ang ibig sabihin nun kaya nakakailang lunok na naman sya ng laway. Saka nya ulit naalala na hindi din nga pala pwedeng maglunok lunok ng laway. Sabi naman yun ni Gab.

"pffft. what the efff!. Help him man!" Napahawak pa si Jelo sa kanyang tyan habang pinanunuod nila si Mico na magpractice na kunware ay bokalista ng banda.

Nakaupo silang lahat sa isang mahabang sofa at nakaharap sa kawawang nilalang sa stage na inaabot na ng nerbyos.

Natatawang binato lang din sya ng halos nakahiga na,, na si Gabriel.

Si Jonas ay nakailang balik na sa kanya habang nasa harapan para ituro ang tamang pagpwesto at pagtindig sa harapan ng mic. Si Jelo ay abala sa pag ngisi sa kanya na parang tawang tawa ito sa kilos nya.. Kahit kelan talaga ay hindi nya ata makakasundo si Jelo. Mukang hindi sya gusto nito sa banda at lagi syang pinagtitripan. Seryoso lang na nakatingin si Gab.. samantalang si Eroll ay nakatingin sa kanya ngunit tagusan.. at mas madalas pa nga ang pagtingin nito sa kanina pa hawak na cellphone.

" At last !! Man you get it! Sabi ko naman sayo eh. Just let it out. Wag kang maramot sa confidence.. Tingin nyo guys?" Nilingon ni Jonas ang mga kabanda matapos makakanta ng isa ni Mico. Nagkibitbalikat lang si Jelo , si Gab ay tumango at nakangiti.. malamang sang ayon sa kanya.. Pero si Eroll...

" Uy!! Ano???" isang tapik ni Jonas ang nakapag paahon kay Eroll sa malalim na pag iisip. Ng mabalik sya sa realidad ay nakita nyang sa kanya pala nakatutok ang mata ng lahat.

" What?!?!? bakit, okay na?" sunod sunod ang naging tanong ni Eroll. Napairap sya ng bumulanghit ng tawa si Jelo. Na sinabayan pa ng mahinang tawa ni Gab.

" Ayan!!! Yan na nga sinasabi ko sayo bro! Wag kang pumapag ibig masyado at nakakadistract sa career!"

"Bug Off!!!" malakas na ibinato ni Eroll ang nahagilap na throw pillow para mapatama kay Jonas. Pero nakailag ito at si Gab ang tinamaan.

" Nadamay pa" - Gab

" Totoo naman kasi" -Jonas " Kanina pa kami hingi ng hingi ng suggestion para dito kay Mico.. Tingin ka naman ng tingin dyan sa phone mo. Itext mo kasi o kaya tawagan mo para hindi ka na nahihirapan!"

Napangiwi lang si Eroll. Hindi lang talaga sya sanay ng inaasar , tinutukso at nabubuko. Napapunta ang tingin nya kay Mico at ng mahuli nyang nakatingin ito sa kanya ng seryoso ay napabaling ito sa ibang direksyon. Napakunot ang noo nya at saka ibinalik ang tingin sa phone.

Hindi na nya pinatulan sina Jonas. Totoo naman kasi na nag iintay sya ng text ..
He badly wanna text Isay pero Finals nito ngayon and he needs to back off a little and shut up for a while.

Sinabi naman nito na magtetext kapag natapos na ang buong week ng finals.

Imagine kung gaano din kahirap sa kanya na hindi ito maitext at makausap gaya ng ilang araw na nilang ginagawa bago ang finals ng dalaga .

THE PERFECT LOVE SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon