1.3 : Living Louder (Part 3)

16 0 0
                                    

-----------------------------
My heart's like a firework in my chest.
My only regret is having regrets,
Travel the world. i loved everystep..
All I know is , No one ,
No one lives forever ,
We will be remembered
For what we do right now.
--------------------------------

ISAY'S POV

Nagising ako sa mahinang tapik ni Eroll, at sa ilang patak na din ng tubig sa aking muka at braso. Its almost 11 in the evening.. Madilim pa din and the rain started to drop from what used to be a clear sky kanina lang.

Guess.. Even beautiful things are not always beautiful.

Hindi namin alam kung saan kami tatakbo. Good thing Eroll got his hoodie. I dont have to worry bout him. Nakalabas din naman ang scarf ko kaya madali lang sakin ang tabunan ang sarili ko. Kelangan lang talaga namin ngayon ng masisilungan dahil mukang lalakas pa ang ulan.

That's when we found ourselves na nakikisilong sa isang open area na may trapal lang. There were tables and some foods.. Hindi naman sya mukang inuman .. o kainan. Pero madami daming tao.

Pagdating namin ni Eroll, Hindi naman kami nakaagaw ng pansin ,

though .. may ilang mga mata ang napatingin samin..
Wala naman sigurong masama kung makikisilong kami ng sandali diba? Lalo na at ang lakas na ng ulan.
.
.
Or
.
.
not.

"Patay"

Naibulong ko lang .. pero siguro napakinggan nya.

Literally ., patay.

Yun ang napuntahan namin.

Isang lamay.

Magkatabi lang kami ni Eroll. But I leaned backwards to him to whisper.

"Okay lang kaya na makisilong tayo? wala ba silang pamahiin or so?"

"hindi ko alam.. Siguro?.. Bakit?
.
.
.
, naniniwala ka ba sa pagpag?" he whispered too.. and then slightly chuckled. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para hindi matawa . May pagkaloko din talaga ang isang to.

"Tawa ka pa jan. Pag tayo pinaalis dito.. " Di ko itatanggi na tinablan din ako ng konting takot sa pagpag thing.

Nasa isang lugar kami na parang probinsya.. wala kaming matutuluyan.. lagalag kami.. pano kung isang horror story pala itong storyang ito at hindi lovestory?!?!

Patay!

But... Hindi naman mukang creepy ang lamay.

"Kaibigan kayo ni Lineth?"

We turned.. and saw  an old lady standing. Not too old though.. Parang kasing tanda ni Tita Joan..Her eyes are a bit swollen at walang buhay. Mukang ilang araw na din syang hindi nakakapag ayos ng sarili.

Oh, we're dead.

----------------------------

"Ilang taon na po si Lineth?" Napalingon ako sa tabi ko ng biglang magtanong si Eroll. Nasa loob na kami ng bahay ng namatayan.. Si Tita Karis. She invited us in ng malaman nya yung situation namin. Ofcourse. wala kaming choice but to tell her kung bakit kami nakatambay sa tolda ng mga naglalamay.

"Yung Kape pa .." bumaling muna sandali si Tita Karis sa isang Ate na lumapit sa kanya na may dalang sandwich. Mukang katulong ata nila. Tingin ko kasi ay may kaya sa buhay itong pamilya na napuntahan namin. Pagkakuha nya nun ay saka sya bumaling samin para iabot ang pagkain.

"Ay,, okay na po kami.. Wag na po" ako na ang umangal. Pero mukang desidido syang pakainin kami.

"Naulanan kayo.. Kelangan nyong uminom ng mainit. Hindi ko naman kayo papainumin ng mainit ng walang laman ang tyan." tinanggap na din namin. Just to stop an arguement.

THE PERFECT LOVE SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon