Chapter Two:
Lorgan Brook
30 seconds
20 seconds
10 seconds
5 seconds
"Four. Three. Two. Huh?"
7 minutes and 22 seconds
Oh for Pete's sake, matatapos na eh bumaba pa yung speed! Naiinis nako, I am waiting almost 30 minutes for this song to be downloaded. Ugh! Kailangan ko nang puntahan si tita, I need to hurry.
Iniwan ko muna ang computer ko at binuksan ang closet ko. I searched for something to wear and threw them at my bed. I head to bath myself and that song I am downloading is supposed to mood me while enjoying the water kaso ang tagal eh.
After kong maligo, nagbihis na agad ako at ni-transfer yung file ng song sa cellphone ko then I shut it down. I plugged my earphones and then play the song. Lumabas nako ng kwarto ko at bumaba sa kusina para kunin yung limited edition chocolate na binili ko for Lorgan.
Lumabas nako ng bahay at ni-lock ang pinto at gate namin. Tinext ko si papa. 'Pa, pupuntahan ko na si tita. I've secured the house already, see you later. Mwah!'
'Take care sweetie, take care of Lorgan too. I love you." Reply ni papa. Hahaha, kahit busy sa trabaho nare-reply-an niya parin ako. That's why I love him so much, knowing that he loves me so much also.
'Love you too Pa.' Sinend ko na kay papa and then naghanap nako ng masasakyan.
Nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Lorgan. Tinanggal ko ang earphones ko at huminga ako ng malalim, nag-e-expect ng miracle, ng bagong aura sa loob ng room, ng magandang salubong na smile at greetings mula sa kaisa-isang mukhang hinahanap hanap ko. Bago pa ako makakatok ay nagbukas na ang pinto.
Its tita Maureen Brook, the loving mother of my best friend –Lorgan Brook. She looks pale and sad. I know why. Sumilip ako sa likod niya at nakita ko si Lorgan, nakahiga sa isang kama at may nakakabit na kung ano-ano. Binalik ko ang tingin ko kay tita Maureen, she tried her best smile.
"Hello Eve, I was about to leave." Sabi niya, in a very tired and low-toned voice. Ngumiti siya pero hindi maitago ang stress, depression, sadness at anxiety sa mukha niya. Nag-aalala na ako kay tita Maureen.
"Ako na po ang bahala dito tita." Sabi ko naman.
"Sorry talaga Everose, kung wala lang problema sa office hindi ako aalis." Pumasok na ako sa kwarto, nakadikit lang paningin ko sa walang malay na si Lorgan.
Nilingon ko si tita, nilapitan at hinawakan ang kamay. "Tita Maureen, there's nothing to say sorry. Araw-araw naman po akong nandito para tulungan kayong magbantay kay Lorgan. You can always count on me when it comes to Lorgan. If only I could do more than just visiting and taking care of her."
"Salamat Everose," sabay yakap niya sa akin. "You've always been like a daughter to me and more than a friend to my daughter. And you are doing more than visiting and taking care of Lorgan, you give me strength and positivities and that's a lot. Thank you." Bumitaw siya sa pagkakayakap, nakita ko ang expression niya na parang maiiyak. "I need to go na, ikaw na munang bahala sa kanya ha. I'll come back as soon as possible." Sabi niya habang papalayo ng papalayo.