Minah's POV"Negative po. Type B po si Ms. Lynch, Type A si Ren. Hindi po sila match."
Announce nung doctor sa'min.
Hindi kami match? Does that means na? 'Yan aasa nanaman tapos masasatan.
"Sabi na nga ba eh, wala talagang magiging silbi sa'tin 'yang Minah na 'yan." I heard tita Raine said.
Napayuko nalang ako.
Tinapik ni Red 'yung likod ko, pero umiwas ako agad."Sorry po. Mukhang wala na talagang 'kong maitutulong. I better go." I said at tumalikod na.
Last time na'to. Last na.
"Minah!" Narinig ko si Red na sumigaw.
Narinig ko 'yung footsteps niya kaya mas lalo kong binilisan 'yung lakad.
Takbong lakad na 'yung ginagawa ko. Naiiyak nanaman ako. Ang drama ko talaga.
Nang makarating ako sa labas ng hospital. Bigla akong nanghina.
Naramdaman ko nalang na may humawak ng wrist ko mula sa likod hinarap niya ko sa kanya at niyakap ng mahigpit.
Nagsimula nanamang tumulo 'yung mga luha ko.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita." He said na mas lalong nag paiyak sa'kin.
Gusto kong kumalas sa yakap pero wala 'kong lakas. Nanginginig 'yung buong katawan ko. Hindi ko na kaya.
"I'm sorry. Mahal kita. Hindi kita kayang mawala. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito, hindi ko kaya."
Umiiyak siya. He's crying. Sa boses niya ramdam ko 'yung sakit.
Hindi ko na alam 'yung gagawin ko.Pinilit kong kumalas sa yakap niya.
"Tama na Red." I said habang pilit na kumakawala.
Sobrang higpit ng yakap niya. Mas lalo niya pang hinigpitan.
"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang pakawalan ka."
Ramdam ko 'yung sakit sa boses niya. Nakadukmo siya sa balikat ko. Ramdam ko 'yung luhang pumapatak dito.
Nasasaktan rin ako. Hindi ko rin naman kaya, pero kailangan.
Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas para itulak siya.
Finally. Nakawala ako. Nakawala ako sa hikbi niya, pero hindi ako nakawala sa sakit.
"Akala mo ba ikaw lang nahihirapan? Hirap na hirap na rin ako eh. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya. Oo mahal kita, pero kailangan na nating itigil 'to. Kalimutan nalang natin lahat. Hindi pwede eh. Hindi tayo pwede."
I said habang tuloy tuloy na bumabagsak 'yung mga luha ko.
Tumalikod na ko sa kanya.
Pero--pero niyakap niya nanaman ako. Niyakap niya ko mula sa likod.Hinawakan ko 'yung kamay niya na nasa tiyan ko. Umiiyak siya. Umiiyak rin ako. We were both crying.
"Hindi naman tayo sure dun diba?"
"Malinaw na sa'kin 'yung sinabi ni mom. Kapatid kita that's it."
"Pero--kasi..Pag naging okay na 'yung lagay ni Ren. My mom decided we will move to state--kaya ibigay mo na sana sa'kin 'tong time na'to. This day lang. Hayaan mo naman akong makasama ka kahit ngayon lang."
"Everything happens for a reason. Naniniwala akong may dahilan kung bakit 'to nangyari. Siguro nga we're not just meant for each other."
"What if we were? What if pagsubok lang 'to sa'tin?"
"Then if that so.. Kahit na mag hiwalay tayo kung tayo talaga, magiging tayo sa huli. For now. Let's just make everything fall into places."
Mas lalo niyang hinigpitan 'yung yakap ko.
"Gagawin ko lahat para mapatunayang hindi kita kapatid, pipilitin kong malaman 'yung totoo."
Para lang kaming tangang iyak ng iyak dito.
"Saka kana bumalik pag napatunayan mong mali ang lahat."
I said kasabay ng pag alis ko ng pagkayakap niya.
"For now. Let's just give each other a space." I said kasabay ng paglakad ko.
Tuloy tuloy nang tumulo 'yung mga luha ko.
Palayo ako nang palayo.
Narinig ko pa siyang sumigaw na mas lalong dumurog sa puso ko.
"I love you!"
BINABASA MO ANG
Playful Smile
Teen FictionIt's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!