Minah's POVBigla akong naalimpungatan. Wait? Na'san ako?
Nilibot ko 'yung buong paningin ko.
Kakagising ko lang. Ano bang nangyari?Kwarto ko 'to sa bahay ha? Oo tama.
Halla! Bigla 'kong napa upo ng maalala 'yung nangyari kagabi.
Si kuya. Andito na si kuya. Halla! Pucha!
Inayos ko 'yung sarili ko. Nahihilo ako.
Dahan dahan kong binuksan 'yung pinto nang room ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya 'yung totoo?!" Kuya shouted.
Nakita ko siya sa mini sala namin sa second floor kausap si mom.
Nakadungaw lang ako sa pinto. Maliit lang 'yung bukas para di ako makita.
"I have no choice!" My mom.
Anong totoo? Nag aaway sila ni mom.
"You have mom! But you chose to lie!" Galit na galit si kuya.
Lie? Ano bang kasinungalingan 'yung sinabi ni mom? Is it about?
"It's for her own sake!"
"Sake?! Seriously my mom? For her sake or for yours?"
"For her!"
"What the hell! Can't you see? Nakita mo ba siya kagabi ha? Nakita mo ba kung gaano siya ka-affected sa nangyari? Ni minsan hindi ko nakitang nag lasing si Minah, that was the first time and it's all because of your lie! Nasasaktan si Minah dahil sa'yo!"
"Dahil kay Red!" My mom said.
Ano? Naguguluhan ako. What's happening? Ano bang nangyayari?
"It's not! Pati si Red dinamay mo. Wala siyang ginagawang masama. All they know was a lie! Kailangang malaman ni Minah 'yung totoo."
"Anong sasabihin mo ha? Na ikaw. Ikaw 'yung kapatid ni Red at hindi siya, Hindi niya tatay si Gab dahil ikaw 'yung anak ni Gab? Tangina! Mas lalo mong guguluhin 'yung utak niya!"
Hindi ko na natiis at tuluyang lumabas sa kwarto ko.
"What?" Nagulat sila nang makita ako.
"Minah.."
"Minah..anak.." Lumapit si mom sa'kin pero umatras ako.
"'Wag kang lumapit." I said habang nag titimpi ng galit.
"Narinig mo?--"-Mom
"OO! NARINIG KO LAHAT! LAHAT NG SINABI NIYO KASINUNGALINGAN DIBA? I CAN'T BELIEVE THIS! SARILI KO KAYONG INA!"
"Minah, I'm sorry." Hinawakan niya 'yung wrist ko pero padabog ko itong inalis.
"Bakit niyo ginawa 'yon?"
"Dahil ayaw kita para sa lalakeng 'yon at 'yun lang ang nakikita kong paraan."
"To LIE?" Umiling iling ako in disbelief.
"This is insane!" I said at tumalikod na. Tumakbo ako pababa ng hagdan.
I can't believe this.
"Minah!" Ramdam kong hinahabol ako ni kuya.
Gusto kong mapag isa. I want to be alone. Just for this day.
Dali dali akong sumakay ng kotse.
~*~
Pumunta ako sa may Luneta Park, kung saan kami madalas maglaro ni kuya nung bata pa'ko.
Nakaupo ako sa isang cemented chair habang pinapanuod ang iba't ibang tao.
Parang gusto ko na langulit tuloy maging bata. 'Yung iiyak ka lang pag di ka binigyan ng piso ng nanay mo. 'Yung tipong mag wawala ka para lang makuha 'yung gusto mo.
Ngayon kasi hindi na pwede 'yun eh. Kahit na magwala kapa nang magwala. Mag ta-tumbling ka sa gitna kung hindi para sa'yo hindi mo makukuha.
"Minah." Biglang may humawak sa balikat ko mula sa likod.
That sweet voice.Pinilit kong ngumiti, umupo siya sa tabi ko.
"Angela." I called her name.
She smile, 'yung ngiting pilit.
"I heard what happened."
Alam niya na?
Napayuko nalang ako at tumingin sa sahig.
"Okay na si Ren, bukas lalabas na siyang hospital. May nag donate daw ng dugo sa kanya. Hindi pinasabi 'yung pangalan."
Hindi ako kumibo, baka si kuya.
"Nakausap ko si Red kagabi. Iyak siya ng iyak. That was the first time na nakita ko siyang umiyak ng gano'n. Alam mo bang mahal na mahal ka niya. Ramdam ko 'yon. The way he looks at you is different the way he look at me. Kaya nga minsan naiinis ako sa'yo. Not because I like Red, but because he never treats me the way he treats you. Best friend niya pa 'ko ha. Sobra siyang nasaktan. Siguro nga galit ka sa kanya, but as his best friend, sana pagbigyan mo siya, sana mapatawad mo siya kasi hindi niya naman ginusto lahat ng nangyari eh."
Hinawakan niya 'yung kamay ko.
"Naayos na nila lahat ng papeles nila, bukas na bukas pagkalabas nila ng hospital aayusin nalang nila 'yung mga gamit nila then they will leave. Pag isipan mong mabuti. I believe na there's a big chance na hindi nga kayo relatives. Sige mauna na'ko ha."
She said at umalis na, pagkaalis na pagkaalis niya, tsaka sinalo ng mga palad ko 'yung mukha ko.
I covered my face with my hands.
Umiiral nanaman 'yung pagiging iyakin ko.Tanga mo talaga Minah! Ano pa bang pino-problema mo? Eh hindi nga kayo magkapatid diba?
Tss. Ewan. Sobrang complicated lang talaga.
Si Tita Raine? Maayos paba kami? Si mom and tita Raine paano sila? 'Yung kuya ko na kapatid 'yung taong gusto ko? Ugh! Paano ba 'to?!
BINABASA MO ANG
Playful Smile
Teen FictionIt's amazing how you can hide so many emotions behind a smile. ~~ Book cover was made by mintexprezz in their Milky Graphics Shop. Thank you!