59.Run

558 32 3
                                    

Minah's POV

"Mahal mo ba?" Kathy asked seriously.

Nandito ako ngayon sa house nila. I decided na dito muna mag stay. I need a best friend right now, and that's Kathy.

"I think so." I said.

"Edi ipaglaban mo. Go. Talk to him."

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

"Pero kasi..naguguluhan talaga 'ko eh, Gab, 'yung papa ni Kuya na papa rin nila Red, sinabi kay Red na ako 'yung anak niya, ako 'yung kapatid ni Red. How come that Gab said that I'm his daughter kahit na si kuya 'yung anak niya?"

"Hindi rin naman alam nung tatay mo 'yung totoo kasi wala siya nung nag buntis 'yung nanay mo, malay mo hindi niya kilala 'yung kuya mo kasi nga nasa ibang bansa, since Lynch 'yung apelyido mo which is ginamit ng nanay mo 'yung apelyido ng kuya mo, at apelyido ng tatay mo, inakalang ikaw ang anak. Loko rin kasi 'yang nanay mo eh."

Diba? Buti pa siya naiintindihan ako.

"Oo nga. I need to talk to him. Kailangan niyang malaman 'yung totoo."

"Anong gagawin mo ngayon? Pupuntahan siya?"

Tumingin ako sa relo ko.
9:00 am na. Naalala ko 'yung sinabi ni Angela, ngayon silala lalabas ng hospital.

"Yes." I said. Dali dali na'kong tumayo at di na nagatubiling ayusin 'yung sarili. Naka jeans and white shirt naman ako eh.

"Good luck!" I heard Kathy shouted.
Dali dali akong sumakay sa kotseng dala ko.

~*~

Pumunta ako sa may information desk.

"Pakicheck nga kung nandyan pa 'yung pasyente sa room 8."

Sabi ko sa nurse. May kinuha siyang isang notebook na malaki.

"Si Mr. Nicklaus po ma'am?"

"Yes yes."

"Uhm. Maaga po silang umalis dito kanina. Mga 6:00 po umalis na sila."

What the?...

"Gano'n po ba. Okay thanks."

Naisipan kong tawagan sana si Red, pero naalala ko, naiwan ko nga pala 'yung phone ko sa bahay. Hindi pa kasi ako umuuwi do'n simula kahapon. Tss!

Dali dali akong nag drive. I need to go on their house. Sana nando'n pa sila.

~*~

Nakita ko si Ate Rydel na inaayos 'yung laman ng compartment ng kotse nila.
Nakabukas 'yung gate.

"Ate.." Napatingin siya when I called her.

"Minah. What are you doing here?"
Gulat na tanong niya.

"I know galit po kayo sa'kin--"

"I'm not." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Okay.. Thanks, pero please, I really wanna talk to Red."

"Si Red? Wala siya dito ngayon. Pumunta siyang dorm nila ng 5PM. Magpapaalam siya sa kanila, kakausapin niya rin 'yung manager nila."

Napabuga nalang ako sa hangin. Red! Dorm? 'Di ko alam 'yun ah.

At naalala ko 'yung 5PM. Pa'no na 'yung 5PM, pag wala si Red.

"Dorm?"

"Yes. Alam mo 'yung dorm sa tabi ng school niyo? Sa 5PM 'yon."

I smiled.

"Okay. Thanks." I said.

Tumalikod na 'ko ng bigla niyang hawakan 'yung wrist ko.

I looked back at her.

"Kanina pa siya nando'n. After non di-deretso na siyang airport with Ren and our mom. Mauuna na silang umalis ni mom dahil may aasikasuhin pa'kong mga bagay dito, kasabay ko si Dad, bukas pa 'yung flight namin." Tumingin siya sa wrist watch niya. "11:00" 'yung flight nila. Support ako sa inyo ni Red. Sana maabutan mo siya."

Ngumiti lang ako at tumalikod na. Sayang 'yung oras.

~*~

Nakita ko si Angelo na papasok ng gate. Dali dali akong gumilid at bumaba sa kotse.

"Wait!" I shouted dahil isasara niya na 'yung pinto.

Nagulat siya nang makita ako.

"Oh Minah?" He said nang makalapit ako.

"Si Red?"

"Ay! Kaalis lang niya. Papunta na silang airport. Kailangan kasi one hour before 'yung flight nila nando'n na sila sa NAI one."

Napahinga ako ng malalim ng marinig 'yon.

"Okay sige. Salamat."

I said bago bumalik sa kotse.

~*~

Pagkatapos ng letseng traffic nakarating rin ako sa NAI one.

Kinulit pa 'ko nung letseng guard, bago makapasok.

Nilibot ko 'yung buong paningin ko and finally I saw him. I saw him na naglalakad palayo.

"RED!" I shouted.

Huminto siya. He stopped. Kasama niya si Ren at Tita Raine, pati sila huminto.

Nakita kong tinapik ni Tita Raine sa balikat si Red at tinanguan.

Then..then.. He looked back.

He run back at me. My tears started to fall again. When he finally came near me. He hugged me and so I hugged him back.

"I love you." I whispered as I cry.

Playful SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon