Chapter 5

558 21 1
                                    

(Rated 15+ lmao 1/2 joke)

S C A R L E T T


Pagkatapos ng ilan pang kanta, in-excuse ko na muna ang sarili ko at pumunta sa bathroom ng club. Kailangan ko munang mapag-isa at maka-recover. Hoo.



Isinandal ko ang kamay ko sa sink at tiningnan ang aking sarili sa salamin.

I'm a mess. 

"Congrats, Scar, he got you looking sexually frustrated."

Huminga ako ng malalim at pumikit. Control yourself, Scarlett. Control your emotions. After 3 months, mawawala na siya. Mawawala ulit siya. You'll just get disappointed again.



Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakapikit at nagme-meditate nang biglang may pumasok na dalawang babae sa bathroom at narinig ko na bumalik na ang music sa labas. Okay, good. Tapos na sila mag-perform.



Lumabas na ako sa bathroom at nakakailang hakbang pa lang ako nang makita ko siya sa sulok ng pader, out of everyone's sight, at nakasandal. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil tumingin siya sa direksyon ko at tumayo ng tuwid.



Shit badtrip. Madadaanan ko siya.



Lubayan mo na kasi ako, Vincent!!!




Iniwas ko ang tingin ko sa kanya and looked straight ahead habang nagsimula na ulit maglakad. Malalagpasan ko na sana siya, pero sino ba naman ang niloloko ko na makakatakas ako, dahil bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila papunta sa tabi niya.


Humarap siya sa akin, ang kanyang kanan na balikat ay nakasandal sa pader, blocking me away from the people.



Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at bumalik na ang init sa mga mata niya pero agad naman itong napalitan ng pagkakunot ng kanyang noo within seconds.



"Masyadong maikli ang suot mo."



Hindi ko alam kung medyo buzzed na ba ako sa mga nainom namin or dahil lang talaga nao-overwhelm ako sa presensya dahil bigla na lang ako napatawa. Ng malakas. And I sure as heck am feeling brave right now.



"Funny how you think that you have control over me. I can wear whatever I want, Vincent, and there's nothing you can do about it." halata na ang galit sa kanyang mga mata pero hindi ko na mapigilan ang aking pagsasalita.



Aba, siya eh! Iniiwasan ko na nga siya para makalimutan ang lahat tapos bigla-bigla syang nagpapakita! Edi ilalabas ko na ang lahat para mawala na 'to sa sistema ko!



"At wala kang karapatang tanungin ang personal life ko dahil hindi ka na parte ng buhay ko!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Shit, Scarlett! Tumigil ka! Sinabi lang naman niya na maikli ang suot mo, ano ba!


"At sino yung Fuckiona na babae mo?! Naka-jackpot ka dun ah, ang ganda niya! Mod-" naputol ang pagra-rant ko nang makita ko siyang naka-ngiti na. WTF?!


"Fuckiona?" amused niyang tanong.



Seriously? Sa lahat ng sinabi ko, yun lang yung naalala niya?!



"You are impossible, Vincent! Kung wala ka namang sasabihin, aalis na ak-"



For the second time, naputol na naman ang pagsasalita ko nang bigla siyang nagsalita.



"You still talk too much, Scarlett."



And within a second, I felt his lips on mine.



Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon