Chapter 9

415 22 5
                                    

S C A R L E T T

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at umungol. Hindi na ganoon kasakit ang ulo ko pero kumikirot pa din ito ng kaunti.

Ugh, kung kelan naman naisipan kong mag-bakasyon tsaka pa ako ginanito.

"Scarlett?"

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Vincent na nakaupo sa isang couch di kalayuan sa kama ko.

At doon ko lang napansin kung nasaan ako.

Tumingin ako sa paligid. Uhhhhhh, hindi ito ang kwarto namin ni Violet ah. At teka, kelan ako nagsuot ng damit? T-shirt niya ba 'to?

Lumapit sa akin si Vincent at umupo sa kama, "Are you okay?"

Base sa lalim ng kanyang boses, kakagising lang niya.

Teka, anong oras na ba? At doon lang ba sya natulog sa couch?

Sinubukan kong umupo pero pinigilan niya agad ako, "You need more rest, Scar."

"Oo. Doon na lang ako sa kwarto namin."

"No."

Napataas ang kilay ko sa sagot niya, "Excuse me?"

"You can sleep here. I'll just sleep on the couch."

"Vincent, kwarto mo 'to."

"And?"

"And you're sleeping on the couch when you should be sleeping on your bed."

Tinitigan niya lang ako ng ilan pang segundo bago tumango as if coming to a decision, "Okay."

At bago ko pa ma-process ang kanyang reply, bigla siyang sumampa sa kama at humiga sa tabi ko.

What the.

"Umm." Sinubukan ko na ulit umupo pero agad niyang inilagay ang kanyang isang kamay sa aking beywang at inilapit ako sa kanya.

"Please stay."

Napapikit ako. Panay na ang pagsasabi niya ng please. God, I feel so bad.

Nasaan na yung mapaglaro at confident na Vincent? The person who doesn't need to say 'please' because he always get what he wants?

Pinilit kong mag-relax at siguro ay naramdaman niya ang pagsuko ko dahil kumawala siya ng buntong hininga.

"Just tonight." Pagbibilin ko.

Inilapit pa niya lalo ako sa kanya kaya naman halos nakabaon na ang aking mukha sa kanyang shirtless na dibdib.

"Just tonight." pabulong niyang ulit.


Nagising ako mula sa liwanag sa labas at sa mabiga na kamay na naka-patong sa akin.

I turned and looked at Vincent's sleeping face. He really is too handsome for his own good. I sighed and gently caressed his cheek at napabitaw ako nang mahina siyang nag-groan.

Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon