Chapter 11

712 24 12
                                    

S C A R L E T T

Days after our trip, nandito kami ngayon ni Violet sa shop at nagpupuno ng tatlong boxes ng cupcakes.

It's finally mom's 55th birthday! Wala namang bonggang mangyayari, simpleng handaan lang. But we know massurprise si Mama kasi never siyang naghanda sa birthday niya—she just doesn't make her birthdays a big issue.

"Sigurado ka bang kaya mo na dito?" Tanong ko kay Clarise na nasa counter. Tiningnan niya ako na para bang nakukulitan siya sa akin. Oo na, pang-sampung ulit na tanong ko na 'to sa kanya.

"Scar, ano ba, isang araw lang naman kayo mawawala; hindi isang linggo. Keri ko na ditong mag-isa sa shop ano!"

Tumango ako ng paulit-ulit, "Okay, sige. Alis na kami ha? Tawagan mo ako kung may emergency o anuman!"

"Oo na! Go, tsupi! Pasabi kay Tita Ruby na Happy Birthday!"



"Nasaan ang birthday girl?" Pakanta kong tanong pagkapasok namin ni Violet sa bahay.

"My babies!!" Biglang sulpot ni Mama mula sa kusina. Tumakbo siya papunta sa amin at mahigpit kaming niyakap. "Kayo ha! Nag-abala pa kayong maghanda! Naku, at may dala pa kayong cupcakes!"

"Happy birthday, Ma. Gurang ka na naman." Pabirong pagbati ni Violet na nakatanggap naman ng mahinang sapak mula kay Mama.

Binati ko siya at hinalikan sa pisngi bago kumawala sa kanyang yakap at dumiretso sa kusina para ilapag ang mga boxes ng cupcake. Saktong naabutan ko si Papa na kumukuha ng mga beer.

"Scarlett!!" bati niya nang makita niya ako bago ako yakapin ng sobrang higpit. "Nasan ang kapatid mo?"

"Nasa living room. Baka hindi pa din pinapakawalan ni Mama."

Napatawa si Papa at inilapag muna ang kanyang mga beer bago naglakad papunta kila Vi, "Bakit naman kasi minsan lang kayo bumisita? Oh siya, pumunta ka na sa backyard at nandoon na silang lahat."

Pagkatapos ilagay sa trays ang mga cupcakes, dinala ko ito at dumiretso na papunta sa backyard. Hindi pa ako nakakalabas, naririnig ko na ang tunog ng isang gitara.

Nandito si Vincent?

Tulad nga ng hinala ko, nakita ko siya na nakaupo sa gitna ng backyard at nakapalibot sa kanya ang aking mga tita at pinsan na babae. Jusko.

Ibinaba ko na ang mga tray sa long table kung saan nakahilera ang mga pagkain. Nag-stay muna ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang kumpulan nila Vincent.

Nagtatawanan sila at mukhang aliw na aliw sa kung anumang kalokohang kinakanta ni Vincent. Tumakbo papunta sa kanya ang isa kong batang pamangkin at lumambot ang puso ko nang ibinaba ni Vincent ang kanyang gitara para iupo sa kanyang lap ang bata, at itinuloy lang ang kanyang pagkanta.

Nahuli ni Vincent ang aking pagtitig sa kanya and he gave me a sweet smile before turning his attention back to his own little audience.

"Isn't he just the perfect man?" Napa-flinch ako sa gulat nang biglang sumulpot at nagsalita sa tabi ko si Mama. Nakita ko na nakiupo na din si Violet kasama ng aming ibang pinsan na nakikinig kay Vincent.

"Kanina pa niyang tinatanong kung anong oras pa daw kayo makakadating," sabi ng aking bagong dating na Papa sabay akbay kay Mama, "that boy is still head over heels for you."

Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon