Chapter 12

240 11 2
                                    

S C A R L E T T

Nanghina ang tuhod ko at kung hindi ako nakasandal ngayon, malamang ay bumigay na ang mga paa ko at nasa sahig na ako.

"Wala kang na-receive? Kahit isa?"

Tumango siya ng isang beses as if nahihirapan din siyang gumalaw.

"Pero alam kong email address mo yun. And all of it was sent." Nanghihina kong sabi. God... ako ba ang may mali? Baka naman mali yung email address na sinend-an ko?

"Scar-" agad na natigil ang kanyang sasabihin nang nagbago ang ekspresyon niya na para bang bigla siyang may naalala.

"Show me the emails." Kinuha niya ang aking kamay at hinigit ako palabas ng bahay.

"Wait. Huy, Vincent, teka! Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang huminto kami sa kanyang kotse.

Napalundag ako nang bigla niyang sinuntok ang kanyang kotse bago humarap sa akin, "I'm sure that your emails were sent, Scarlett. They just didn't reach me."

Kumunot ang aking noo, "Huh?"

Lumalim ang kanyang paghinga na para bang pinipilit niyang hindi magwala, "I'll explain in the car." Hinawakan niya ang aking magkabilaang balikat at tiningnan ako ng diretso sa mata, "But please tell me you still have the emails with you."

Wala akong ibang nagawa kundi tumango. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at sumakay na ako sa loob. Agad niyang pinaandar ang kotse at ilang minuto lang kaming tahimik—ako, nagtataka sa kung ano ang nasa isip ni Vincent; at siya, pinipilit na pakalmahin ang kanyang sarili.

Nang hindi na ako nakatiis, I cleared my throat.

"So.." paninimula ko, "share naman ng knowledge dyan."

Sinubukan kong pagaanin ang atmosphere dito sa loob ng sasakyan at mukhang gumana naman siya ng 2% dahil lumuwag ang pagkakahawak niya sa manibela.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"When we moved to LA, my mom worked desperately hard to train me. She hired a high-paying vocal trainer, an expert guitarist, and a well-known song writer. They all taught me well. Basically, my mom was also my agent, hence, she has access to my email to answer to my bookings and gigs."

Agad na sumikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga.

No...

Nakita ko muli ang paghigpit ng hawak niya sa manibela bago ko iniwas ang aking tingin mula sa kanya papunta sa bintana ng sasakyan.

"Every night after my trainings, I go to her and ask if there came an email from you, and every night, she tells me there's none."

Napapikit ako sa galit na tono ng kanyang boses at sa rebelasyon na kanyang sinabi.

"Each time I wanted to email you, she'd stop me and say you'd email me if you wanted to—if  you still wanted me."

There was a long pause at nanatili lang akong nakapikit.

Binasa ba ng mama niya ang mga email ko? O basta na lang niya ito binura?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon