Chapter 10

501 17 15
                                    

S C A R L E T T

"About time!" nakangiting hiyaw ni Gabe nang makita niyang nakaakbay sa aking balikat si Vincent nang makarating kami sa kusina.

Nanlalaking mga mata naman na nakatingin sa akin si Clar at Vi. Umiling ako sa kanila.

"We're just friends." Sabi ko kay Gabe. Tumingala ako kay Vincent at ngumiti, bago lumapit kila Clarise at Violet, at umupo sa pagitan nilang dalawa.

"...friends." Hindi makapaniwalang pag-uulit ni Ash. They sound a lot like each other at that moment.

"I know, bro. I know." Pag-aagree ni Vincent sa tono ng pagkakasabi ni Ash bago umupo sa upuan na katapat ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan lang niya ako ng kilay.

Napangiti ako at huminga ng maluwag, because I can finally see the light and happiness in his eyes.



Pinilit kong hindi gumalaw nang may naramdaman akong tumabi sa akin. Sana naman ma-sense niya na tulog ako. Thank heavens at nakasuot ako ng shades para di niya makita ang bigla kong pagpikit.

Naisipan kasi ni Clarise na pumunta kami sa public beach, at kahit na nag-protesta ang mga lalaki dahil hindi sila makakasama with the fear of getting mobbed, pumunta pa din kaming mga babae.

Nasa tubig sila Clar, Vi, at Evelyn, at ako naman ay nakahiga sa sand with a blanket at binabantayan ang mga gamit namin.

Nag-iingat na din ako kasi baka mamaya mahimatay na naman ako.

"Hi, miss." Sabi ng boses na nasa tabi ko. Ugh, hindi ba nya nahahalata na nagkukunwaring tulog ako dito?!

"Alam kong hindi ka tulog."

I silently groaned bago inalis ang aking shades, at tiningnan ang lalaking nang-iistorbo na nakaupo ngayon sa aking tabi.

Nakatingin siya sa akin at nakangiti. He has kind eyes and a kind smile. Gwapo siya, actually. Too bad I'm not interested.

Umupo ako ng ayos, "Can I help you?"

Lumaki ang ngiti niya dahil siguro sa binigay kong atensyon, "Wala lang. I was hoping you'd give me your name? And your number? You're really pretty."

At one point, I would probably blush. I mean, a good-looking guy just said I'm pretty.

But honestly? Wala akong nararamdaman ngayon. I just want to be left alone at mag-relax.

Nag-isip ako kung paano ko siya tatanggihan in a kind way, "Madami namang babae dito na mas maganda sa akin. Maybe you can ask for their names and number instead?"

Nakita ko ang disappointment sa kanyang mga mata pero agad din itong nawala. Heck, mas naging mukhang determinado pa nga siya eh.

Lumapit pa siya sa aking tabi, "But I want your name and number though."

Umipod ako palayo sa kanya, "Uh.."

"Bro, get the fucking hint and leave her alone."

Nagulat ako at tumingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.

Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon