Chapter 7

479 21 2
                                    

S C A R L E T T


"I can't believe you're making us go through this. Bakit pati kami dinadamay mo sa paghihirap mo?!" I just rolled my eyes sa dramatic statement ni Violet.


Well, wala na din naman siyang magagawa dahil naka-pack na pareho ang bags nila ni Clarise, at pare-pareho kaming naghihintay dito sa shop sa pagsundo nila Gabe.


"Chill, Vi. Kailangan natin 'to. Lahat tayo ay stressed. Ikaw, stressed sa school. Ako, stressed sa paghahanap ng trabaho. Si Scar, stressed kay Vincent. Oh diba, stress goals." Relaxed na sabi ni Clarise habang kumukuha ng mga cupcakes para aming baunin. "Plus! I heard that all expenses are paid, so bakit pa tayo magi-inarte, diba?"


Nag-groan lang si Violet at hindi na nakasagot pa. Sumasang-ayon din ako somewhat sa sinabi ni Clarise pero.. ARGH, alam kong ploy lang 'to nila Gabe to bring me and Vincent back in good terms.


Niyakap ko ang aking bagahe at nagdasal na sana sa kung anong dahilan ay hindi matuloy ang trip na ito, pero siyempre, the world won't let me have nice things dahil bigla kong narinig ang pag-busina ng isang sasakyan sa labas ng shop namin.


Nag-squeal sa excitement si Clarise at huminga naman ng malalim si Violet. Oh gosh, this is it.


Bago pa kami makakilos, biglang nagbukas ang pintuan ng shop at nagpakita si Evelyn.


"Scarlett!!" Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap na naman ako ng mahigpit. "Ahh!! I'm so excited! First time kong pumunta sa isang trip with some fellow girls na hindi high maintenance!"


Uh. Thank you, I guess?


Pinakawalan na niya ako at itinuon ang pansin kila Clarise at Violet.


"Omygosh, hello! You must be Scarlett's sister! Hi, I'm Evelyn! Grabe, magkamukha kayo ng sobra! Are you sure you're not twins?" enthusiastic na bati ni Evelyn kay Violet. At dahil hindi sanay ang aking kapatid sa mga taong napaka-high ng energy, napangiti na lang siya at tumango.


"A-ah, hello. I'm Violet." Sagot ni Vi who then earned a hug from Evelyn.


"And you must be a friend of Scarlett?" paglilipat niya ng atensyon kay Clarise. Agad namang umayos ng tayo si Clar at ngumiti pabalik kay Evelyn.


"Yup! Hi! I'm Clarise! And holy shit, you are gorgeous! Please tell me hindi mo sinasayang ang ganda mo. You're a model, right?!"


Napatawa si Evelyn and I can sense na magkakasundo agad ang dalawang 'to. "Yes, I actually am! And thank you!"


Bumusina na naman ang sasakyan sa labas at nag-groan si Evelyn. "Okay, guys. I'm sure hindi yung driver ang bumusina non. Let's go bago pa si Kuya na mismo ang pumasok dito."


"Kuya?" sabay na tanong ni Clar and Vi habang papalabas kami ng shop.


"Ah, yes. I'm Ash's younger sister."


"Yikes." rinig kong bulong ni Clarise sa tabi ko bago buksan ni Evelyn ang pintuan ng isang malaking van.


Huminga ako ng malalim. Okay, ito na talaga. This is it na talaga.


Naunang pumasok si Evelyn at dumiretso sa bandang likod ng van. Okay, good. At least magkakatabi kaming tatlo nila Clarise and Violet sa gitna.


Nauna na si Clar pumasok, at agad kong narinig ang boses ni Ash na nakaupo sa unahan.


"We meet again, small person."


Out of Reach (On Stage Casanovas #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon