Chapter 13: First Night

71 3 0
                                    

Chapter 13:

*MR. PLAYER*

"Ahhhhh," malakas na sigaw ni Janine na halos mabingi na ako.

Napatingin na lang ako sa kanya. Face to face! Ang lapit-lapit ng mukha naming dalawa na nararamdaman ko na naman ang pakiramdam na iyon. The feeling I had when I first seen her the day of our basketball game. Iba e! Ano ba to?

"Umalis ka na nga! Ang bigat mo." Napahawak siya sa bewang niya.

Gumulong ako sa gilid para makaalis sa ibabaw niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko. Naka-hawak pa rin siya sa bewang niya.

Lumingon siya sa akin. "Mukha ba akong okay?" taray niya sa akin sabay taas pa ng kilay. "Ikaw kaya madulas tapos bumagsak ang pwet mo sa sahig?"

What the hell! Anong ginawa ko? Nagtanong lang naman ako diba?

"Nagtatanong lang naman ako," sabi ko. "Tumayo ka na nga at tulungangan mo akong itayo," utos ko. Ayaw ko naman talaga siyang utasan kaso di talaga ako makatayo e.  "Oy? Okay ka lang ba talaga?" tanong ko ulit nang hindi siya nag-react. Nakahiga lang siya at hindi gumagalaw at bigla akong natakot. "Oy? Janine? Patay ka na ba?"

"Gago! Di pa ako patay. Hindi ako makatayo kasi ang sakit ng likod ko." Napahawak siya sa tagiliran niya at namilipit sa sakit.

*MS. BITTER*

"Aw. Hinay-hinay lang. Shit! Ang sakit. Be gentle please. Aray. Ouch. Wag mo masyado idiin masakit e. Dahan-dahan lang naman." Napadakma ako sa unan habang nakadapa sa kama ni Lochan. Di ko maintindihan at maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit!

"I didn't know you make good sounds in bed. Very erotic for a virgin like you," sabi ni Lochan. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi na naman siya. 

"Bwesit ka! Ayusin mo na nga lang yung pagmamasahi mo. Dahan-dahan lang please, feeling ko nagkapira-piraso na 'yung mga buto ko sa likod," sabi ko sa pagitan ng paghinga. Grabe kasi makadiin tong lalaking 'to.

"Ano ka ba, ganoon talaga no. Nag-aral kaya ako ng Physical Therapist," sabi niya sabay diin ng hinlalaki sa may shoulder blade ko.

"Whe? Eh bakit nasa Psychology Dept. ka? May pa-physical therapist ka pa. Manhihilot sabihin mo and you suck as manhihilot. You know."

"Sino bang may sabing tinapos ko? 1st term lang then I transferred to the department where there's a lot of wild, sexy and good looking girls. For short Psycology Department." I rolled my eyes. I can't believe this guy.

"Then I guess I'm not one of those wild, sexy good looking girls huh?" I don't really know why I'm asking this stupid question when I already know the answer. I'm not like those girls and I freaking know it. "I'm just some four-eyed bookworm virgin!"

"Well not really. Maybe at first, you were this unattractive, four-eyed manang and then suddenly you kinda change." He stop massaging my back and I turned to face him.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at umayos ng pagkakaupo.

"You're actually kind of pretty."

Tiningnan ko siya ng mariin. I’m trying to figure out those hidden sparks in the back of his eyes. But it’s either his good at hiding emotions or I just suck in figuring people out. I gaze at him, sitting just next to me. Naamoy ko pa ang sabon na gamit niya, fresh and sweet.  Naka-jogging pants na siya at T-shirt na may ‘Hollister’ sa harap.  A part of me, the part that just existed right after our bathroom encounter, wants to see more his abs. Urggghh. I can’t get that off my freaking mind.

Bitter In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon