Chapter 10: Pretend Lovers

105 3 4
                                    

*Mr. Player*

Chapter 10: Pretend Lovers

I've been waiting here at the mainhall for almost 10 minutes. Hinihintay ko si manang para masimulan na ang plano ko. I've been thinking about this plan since yesterday and I'm pretty sure this plan will work. Patingin-tingin ako sa paligid ng mahagip ng mga mata ko si Allison at Alex. I hate to see the two of them together. Hindi dahil nagseselos ako kundi dahil nakakairita sa mata. Para akong nakatingin sa isang masarap na ice cream na dinadapuan ng langaw.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at idinial ang number ni manang na kung hindi ko pinilit at blinak-mail ay hindi ko makukuha. "Janine! I need you at the mainhall right now!" Hindi ko na siya hinintay na makasagot at binaba ko na ang cellphone ko. Alam ko kasing aalma lang siya pag hinayaan ko siyang makasagot.

Three minutes pa lang ay nakita ko na siyang papalapit na galit ang mukha. "Hoy! Alam mo bang may ginagawa ako? Sana naman wag mong i-tyming sa pagwa-washroom ko ang pagtawag mo. Kainis ka!" Bulalas sa akin ni manang ng makalapit na siya sa akin.

"This is more important. Kaya mamaya na yang sermon mo okay." Kinuha ko ang kamay niya at naglakad sa kinaroroonan ni Allison at ng langaw niyang kasama. Hinahawakan pa ng madumi niyang kamay ang mala-porcelanang kamay ni Allison.

I entwined my fingers with hers just like what lovers usually do. "Saan ba tayo pupunta? At bakit mo hinahawakan ang kamay ko ng ganito? Bitiwan mo nga kamay ko!" Pagpupumiglas niyang sabi.

"We're pretending to be lovers. Ofcourse dapat magkahawak tayo ng kamay."

"Bakit ba kasi natin to ginagawa?" Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng mariin. It's obvious sa mukha niya na naguguluhan siya sa mga nangyayari.  

"You'll see." At nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang nakalapit na kami sa dalawang magkasintahang nag-uusap at magkahawak ng kamay.

"Hi Allison!" Bati ko sa dating nobya. "How are you both?" Tiningnan ko silang pariho at ningitian sila ng peke. "Oh! I forgot to introduce my girlfriend." Hinila ko ang kamay ni manang at inilapit siya sa akin sabay inakbayan. "This is my girlfriend, Janine." Pakilala ko kay manang. Napansin kong nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Alex ng makita ang babaeng katabi ko. Napansin ko ring hindi umiimik si manang at nanatili lang siyang nakatayo. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang mga plano ko pero tingin ko ay alam na niya. "I think you guys have met her before."

"Yeah. We've met her." Walang emosyon na sabi ni Allison na nakatutok ang tingin sa babaeng katabi ko.

"Yeah. Last week sa cafeteria. That's the first time we've seen each other. Right?" Biglang sabi ni Alex na walang ka emo-emosyong tiningnan si manang. What the fvck did he say? Last week? Eh ex-girlfriend niya 'tong tinutukoy ko. Walang-hiya talaga 'tong lalaking to.

I noticed Janine gripped my hand. Alam kong nasaktan siya sa narinig. "Okay. We gotta go. May date pa kasi kami." I smirked at them. Humanda ka Alex ka. Mababalik din sa akin ang dating akin.

Binitawan ni manang ang kamay ko ng makarating na kami ng gate. "Bakit mo 'to ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sayo at gumagawa ka ng paraan para pahirapan ako?" Nakaduko siya habang pinapahiran ng panyo ang mga mata niyang basang basa ng luha. Doon ko lang napansin na umiiyak pala siya. Nabigla ako ng makita siya sa ganitong estado kasi since 'nung first day na nakilala ko si manang, never kong nakita ang weak side niya. Palagi siyang palaban, mataray, bitter at kung minsan hindi nagpapakita ng emosyon pero ngayon, na makita siyang ganito, parang may awa akong naramdaman. At nagkakaganito siya dahil sa Alex na 'yun. Mas lumakas lang ang kagustuhan kong ipagpatuloy ang plano ko.

Bitter In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon