Chapter 9: The Deal

134 6 4
                                    

*Ms. Bitter*

Chapter 9: The Deal

Grabe magbiro ang tadhana. Hindi nakakatawa. :(

Nakita ko na naman siya at ang gf niya. Siya na gumago sa akin. Siya na nanakit sa akin. Siya na hanggang ngayon hindi ko malimot-limot. And all the pain that I buried inside went back to life. At mas grabeng sakit ang naramdaman ko. Binubogbog, dinadaganan at tinutusuk-tusok ng maliit na karayom ang puso ko ngayon.

"Janine. Wala ka bang planong pumasok? Monday ngayon." Tanong ni Nessy sa akin sabay abot ng isang box ng kleenex tissue.

Oo nga pala. Monday na at hanggang ngayon nandito pa rin ako sa apartment ni Nessy since Friday afternoon. Wala din namang tao sa bahay kasi nasa Tagaytay ngayon si mama dahil may conference. Ayokong mag-isa sa bahay kaya nandito muna ako sa bestfriend ko.

"Ayoko muna pumasok Nes. Baka makita ko pa sila at hindi ko kayanin ang sakit." Pinunasan ko ang mga mata ko. Friday pa ako ganito, depressed. Kailangan ko ng kausap at karamay. Wala naman si mama at kahit nasa bahay siya. There's no way I'm going to share my problem with her.

"O sige. Mamaya nalang 'din ako papasok para sabay na tayo." Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "Janine, I will not assure you that everything will be okay pero nandito lang ako everytime na kailangan mo 'ko." Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Thank you." At humiwalay  na kami sa isat-isa.

Hindi man ako nabiyayaan ng kapatid meron naman akong bestfriend na nandito palagi sa tabi ko. Whole weekend siyang hindi nakatulog ng maayos dahil sinamahan niya ako habang umiiyak at nakikinig sa buong kadramahan ko.

"Papasok ka ng 2nd period?" Tanong niya.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at 6:30 pa pala. 10:00 am nalang ako papasok at chemistry ang subject. "Oo. Ayaw ko lumiban sa Chemistry. Alam mo naman 'yung subject na 'yun. Mahirap."

"Okay. Sabay na tayo mamaya. Tulog ka na muna. Alam kong hindi maayos ang tulog mo kagabi." Tumayo na siya at bumalik sa sofa, ako kasi gumagamit ng kama.

"Ikaw rin. Sorry talaga at nabala pa tuloy kita."

"Ano ka ba. Okay lang 'yun."

"I owe you a alot." Bulong ko.

~*~

Pagpasok ko palang ng room. Napansin ko ng nakatingin sa akin si Perez. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang makaupo na ako sa upuan ko.

"Bakit wala ka 'nung Friday sa 4th period?" Tanong niya ng mailapag ko ang mga gamit sa desk.

"Paki-alam mo kung hindi ako pumasok." Tinarayan ko lang siya.

"Manang. Bakit mo kilala si Allison at pati na rin 'yung Alex na 'yun ha?" Seryoso niyang tanong.

"Pwede ba. Pabayaan mo muna ako." Walang gana ang boses ko. Klarong hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos, tatanungin pa ako ng isang bagay na dahilan kong bakit ako nagkakaganito. Nakakainis tong lalaking 'toh.

"Hoy! Sagutin mo 'ko. Gusto kong malaman." Ma awtoridad ang boses niya. Kung makapagsalita siya parang siya ang nagpapa-aral sa akin at nagpapakain.

Sinamaan ko siya ng tingin. I know na visible na 'yung mga eyebags ko sa mata. I know na mukha akong binagsakan ng langit at lupa. Pero hindi nito mabasa ang mood ko. Pinipilit niya parin akong sagutin ang tanong niya. Nakakainis. Nakakabwesit.

Bitter In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon