yan,, tulin kong mag-update ah...hehe...
vote lang po at review tnx :D
****************************************************************************************************************
"GUYS umuwi na lang tayo. Ayoko na rito, ayoko na!" hagulgol na wika ni Britney, habang inaalo ito ni Cassie na nagising din ng marining ang tili nga ma ito.
Lahat sila ay nakatumpok sa sala matapos ang naging komosyon sa silid ng mga babae.
palihim namang nilalapatan ito ng tingin ni Winston. Kahit naman war sila ay may feelings parin siya rito, though gay siya - na aminado siya - mahalaga parin ito sakanya.
"oo nga, grabe kung nakita niyo lang nung babaeng multo. talagang nasa harap namin siya harap na harap" umiiyak na wika naman ni Tammy na muling sinubsob ang mukha sa dibdib ni Jason habang hinihimas nito ang kanyang likuran.
"pero di tayo agad makakauwi nito, umuwi na nung driver nina Jason dala ang sasakyan sa manila. Si tita ay next week pa uuwi. Saka kasama ko kayong nagpromise kay tita na bantayan muna sandali ang bahay." sabit ni Tikoy.
ang unang dahilan kasi kaya umuwi ng probinsya si Tikoy ay dahil aalis ang tita nito at pupunta sa Cebu. Walang maiiwan sa bahay at sa pinsan niyang si Roy na katorse anyos lang. Nang marinig ang plano niya ng barkada ay nagpumilit itong magsisama. Sasamahan daw siya ng mga iton bantayan ang bahay at the same time ay makakapagbakasyon narin sila.
"hindi ba pwedeng ilock muna natin itong bahay tapos sama nalang natin ang pinsan mo sa manila, magcommute nalang tayo o kaya tawagan kaagad nung driver nina Honey-- I mean Patrick" napatingin sa kanya si Patrick ng muntik na siyang madulas. nais batukan ni Ella ang sarili, sabi niya sa sarili na di niya ito tatawaging Honeybun pero ano siya ngayon? nadudulas pa. Mabuti na lamang at walang nakapuno maliban kay Patrick, dahil narin siguro takot na takot ang mga ito.
"hindi pwedeng iwanan ang bahay" si Roy iyon, na sumabat narin sa usapan. "Never pang nawalan ng tao dito sa bahay. Iyon ang bilin ng lola kay Mama. May masamang mangyayari pagnabakante itong bahay kahit ilang segundo lang."
nagkatinginan ang barkada maliban kay Tikoy.
"anong ibig mong sabihin?" si Patrick.
"ang ibig nyang sabihin ay parang may sumpa itong bahay ni Lola. Na nagmula paraw sa kinanununuan" napakibit balikat ito. "iyon ang kwento nila samin nung bata pa ko"
"Tikoy naman, alam mo naman palang may mga gantong kababalaghan dito sa bahay niyo sinama mo pa kame." inis na wika ni Cassie.
napakamot ng ulo si Tikoy. "Well, kayo nag-aya. wala naman talaga kong plano"
"ang sabihin mo, naduduwag ka lang magpunta ritong mag-isa kaya di mo kame binantaan" si Winston na nakahalukipkip.
hindi na nakasagot si Tikoy dahil tama naman ang mga ito. Nung bata pa siya ay takot na takot siyang magpunta sa bahay na ito. kahit na mapadaan lang ay kinikilabutan siya.
kung hindi lang sa dagdag allowance na ibibigay ng kanyang tita sa kanya ay hindi siya papayag. sayang din nung pera. Pwede niyang magamit pangdate nila ni Cassie.
"So, what's the plan guys?" si Jason, na inaalo parin ang girlfriend.
"oo nga, baka mamaya di lang nung babae sa bintana ang multo rito." kinikilabutan na sabi ni Britney, nilibot pa nito ang tingin sa kabahayan.
"meron pa nga" diretsyang turan ni Roy.
napatingin dito ang lahat na namilog ang mga mata.
"pero don't worry mga friendly ghost naman sila harmless sila, nakakatakot nga lang sila sa una." bumaling si Roy kina Tammy at Britney. "nung nakita nyong babae sa bintana, mahilig lang talaga yong magwelcome ng mga bagong bisita, nung mga bagong mukha, dun siya nagpapakita malas niyo lang at sa inyo pa natapat. pero pagkatapos nun wala na. Nung iba naman nagpaparamdam lang. I-ignore niyo nalang, isipin niyo nalang na kasambahay."
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Teen FictionNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.