ANG LARO
"OKAy na ba lahat?"
"mukhang okay na po kuya." Sagot ni Jason kay Marlon, may-ari at driver ng inupahan nilang jeep para maghatid sa kanila sa lungsod.
Agaran din kasing umuwi ang family driver nina Jason at Patrick na naghatid sa kanila ditto sa probinsya. Matapos maghapunan ay umuwi rin ito kaagad sa maynila dahil kailangan din ito ng parents nila.
At dahil nga tuluyang hindi na nagkaroon ng signal ang kani kanilang cellphone ay napagpasyahan na lamang nilang umupa ng jeep na maghahatid sa kanila hanggang sa estasyon ng bus papuntang maynila. Mahaba habang oras din kasi ang byahe.
"Pasensya na ha" wika ni Tikoy na napapakamot pa ng batok.
"okay lang pre, nagin Masaya din naman kahit papano ang bakasyon.." napasulyap si Patrick kay Ella na abala naman sa pakikipag-usap kay Cassie. "...kahit medyo naudlot lang. Mag-ingat na lang kayo ni Cassie at Roy dito"
Nagliwanag ang mukha ni Tikoy at isang maluwag na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito ng marinig ang pangalan ni Cassie. Lumapit ito kay Patrick atsaka pasimpleng bumulong.
"sa tingin mo sasagutin na ba ko" sinulyapan nito sandali ang oblivious na si Cassie.
Napatingin din dito si Patrick pero mas nafocus ang tingin niya sa oblivious ding si Ella.
"bakit siya magprepresenta na magpa-iwan dito para may makasama kayo ni Roy kung wala siyang nararamdaman sayo" bulong ding wika niya. "pero eto payo ko sayo pre. Ang mga babae talaga, mga pakipot yan pero ang totoo nahuhulog narin ang loob nila sa ating mga boys" pagpapatuloy niya na di parin inaalis ang tingin kay Ella.
"ganon ba yon? So, nahulog narin ang loob sayo ni Ella?"
Agarang inalis niya ang tingin sa kasintahan at hinarap ito. Sana lang ay hindi tuluyang mamula ang pisngi niya at mapansin ng kaharap.
"ahm siguro" hinaluan pa niya ito ng kibit balikat para mas mukhang kaswal ang kanyang pagkakasagot.
"e bakit pulang pula ka?" nangingiting wika nito na nilapirot (take note, nilapirot at hindi pinisil) ang magkabila niyang pisngi.
"aray aray"
Tuluyang nakuha ng dalawa ang pansin ng dalawang babaeng tinitipan nila, nagtatakang nakakunot ang mga noo nitong nakatingin sa kanila..
Parehong napastraight ng tayo ang dalawa at sinuklian lang ang mga ito ng ngiti.
"mag-ingat kayo ha" pahabol na wika ni Cassie.
Nakasakay na sina Patrick, Ella, Tammy, Jayson at Britney sa loob ng jeep samantalang sa harapan naman naupo si Winston.
"kayo ang mag-ingat diyan. bye" sabay kaway ni Tammy.
"Tikoy, alagaan mo yang si Cassie ha, lagot ka sa parents niyan pag may nangyari diyan" si Britney.
"opo inay" biro ni Tikoy
"inay ka diyan!, mas matanda ka pa sakin no"
"oh? Hindi halata"
Nagtawanan ang barkada.
"o sige sige alis na kame. Ingat kayo diyan ha. Pagnagkasignal tawag o text text nalang. Bye Roy" kinawayan din ni Ella ang binatilyo na pinapanood lang sila sa may pintuan ng bahay.
Napangiti ito at kumuway din. "ingat mga ate at kuya."
Sinabihan na ni Jason ang driver na aalis na kaya naman nagpalitan na ng kaway at byes ang barkada bago tuluyang umandar paalis ang jeep.
NAALIMpungutan si Winston ng bahagyang umalog ang jeep.
Nag-inat inat pa siya at humikab bago lingunin ang mga kasamahan sa likuran.
Mahimbing din ang mga tulog nito, kahit pa hindi gano kakomportable ang kanilang inuupuan hindi tulad nung papunta sila na nakasakay sila sa van.
Dumiretsyo na ng upo si Winston at balak muling umidlip ng mapansin niyang madilim na kapaligiran.
Gabi na? takang tanong niya sa kanyang isipan.
Ang pagkakaalala niyang sinabi sa kanya ni Tikoy na dalawa o tatlong oras ang magiging byahe papuntang estasyon. Mag-aala-una naman ng tanghale silang umalis ng bahay. Bakit madilim na ay nasa byahe parin sila?
Napatingin siya sa kanyang wrist watch. 7:14 pm!
Napabaling siya kay Marlon na nagdadrive sa kanyang tabi.
Pansin niya ang nakakunot noo nito habang nakaconcentrate ang mga mata sa daan. Kita rin niya ang tumutulong pawis nito. kinakabahan ito.
"ku-kuya nasan na tayo?" alanganing tanong niya.
Nagulat ito na para bang non lang nito napansing kanina pa siya nagising, nanlaki ang matang napatingin sa kanya sandali at muling humarap sa kalsada. Napahugot ito ng malalim na hininga.
"kala ko kung ano" mahinang wika nito na hindi nakatakas sa kanyang pandinig. Tatanungin niya sana kung ano ang ibig sabihin nito sa "ano" ng muli itong magsalita. "nasa parteng gubat tayo."
Gubat? Parang wala naman siyang natatandaang may nadaanan silang gubat nung papunta pa lamang sila kina Tikoy ah. Gising na gising na kasi siya pagkatapos ng huling stop over nila sa gasolinahan. Pagkakaalam niya ay non pa lamang sila papasok tuluyan sa probinsya. Kaya tanda pa niya ang daan. Puro puno o halaman at bukirin ang naaalala niyang dinaanan nila. At hindi niya iyon masasabing isang gubat.
"gubat? Wala naman kaming nadaanang kahapong gubat"
Nakita niya ang paglunok nito at lalong takot na bumadha sa mukha nito.
Lumabas sa bibig nito ang kinatatakutan niya. "naliligaw tayo." Pagkasabing pagkasabi nito niyon ay biglang huminto ang kanilang sinasakyan.
Narinig niya ang pagdaing ng mga kasamahan sa likuran dahil sa biglaang paghinto ng jeep. Subalit di na niya nakuhang lingunin ang mga ito dahil namimilog ang mga matang nakatingin siya sa harapan.
Nandon at matayog na nakatayo ang malaking puno. Nasa gitna ito ng daan. Hindi pwede siyang magkamali, kahit nakatingin siya sa mamang driver habang nakikipagusap ditto ay napapasulyap siya sa daan. Tanaw ng headlights ang daan kaya kung may puno man sa kanilang harapan ay makikita niya kaagad. Subalit tila ba limang Segundo lang ay tumubo na lamang ito roon.
"anong nangyari?" inaantok pang wika ni Britney.
Nagkatinginan sila ng driver. Ito ang sumagot. "Pinaglalaruan tayo." Tipid na wika nito.
"laro? Sinong naglalaro sa tin?" tanong ni Jason.
"mga engkanto."
KASAlukuyang naghahapunan sina Tikoy, Cassie at Roy ng marinig ang malakas na katok sa pintuan. Nagprisinta na si Roy na magbubukas.
Ganon na lamang ang kabang naramdaman ni Roy ng mabuksanan si Tandang Mona. Bakas sa mukha nito ang takot at paga-alala.
Si Tandang Mona ay kilalang albularyo sa buong probinsya. Kaibigan ito ng lola nila ni Tikoy kaya naman madalas ito sa kanilang bahay at mahilig siyang makinig sa mga usapan nito tungkol sa mga kababalaghan. Ang pagkakaalam niya ay may mga kaibigan itong mga maligno at engkanto, meron din itong mga nakaaway dahil sa panggagamot nito sa mga taong ginagambala ng mga lamang lupa.
Kilala niya ang ekspresyon ng mukha nito. Ekspresyon iyon kapag may nabiktima na naman ang mga lamang lupa o kapag nakikipaglaban ito sa mga iyon.
Kinilabutan siya.
Bago pa man niya mabuka ang kanyang bibig para itanong kung anong problema ng magsalita ito.
"bisita niyo ang mga bata hindi ba?" tanong nito. Napatango lang siya.
"nagkakasiyahan sila. Ramdam ko sa ihip ng hangin at pagaspas ng mga puno. Nagkakagulo din ang mga hayop. Isa lang ang ibig sabihin nito." Hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso. "naglalaro sila."
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Teen FictionNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.