A/N: tnx ng marame sa supporta...actually dapat itong Sa Gubat I and II ay kasabay ng Ang Laro chapter...kaso nawalan ako bigla ng connection kaya ngayon ko lang nahabol...sensya na sa late na update :D
*********
“DAPat kasi nagstay na lang tayo dun sa bahay ng lola ni Tikoy at naghintay nalang sa sundo natin. Tignan niyo naman nangyari satin ngayon” maktol na wika ni Tammy.
Nakataas ang kilay na binalingan ito ni Britney. “so, sinisisi mo ko ngayon? Baka nakakalimutan mong ikaw ang iyak ng iyak diyan kagabi at naghahaya ding umuwi.”
Sasagot pa sana si Tammy ng pumagitna na si Ella. “Guys, hindi natin kailangan magsisihan. Nandito na tayo. Ang kailangan natin, magtulungan.”
“tama si Ella. Magdasal na lang tayo at hintayin sina Patrick.” Si Winston iyon.
Wala na muling nagsalita. Pare parehas silang nakikiramdam sa loob ng jeep habang hinihintay ang pagdating ng tatlo.
Nang sabihin kanina sa kanila ni Marlon ang hinala nito ay ganon na lamang ang takot nila. Hindi nila malaman ang gagawin. Hindi narin kasi mapaandar ang jeep.
Nang banggitin nito na pinaglalaruan sila ng mga engkanto ay naalala nila ang kinwento sa kanila ni Roy – bukod kina Ella at Patrick na lumabas ng teris ng mabanggit nito ang tungkol duon. Duon lang tuluyang nag sink in sa kanila ang reality na totoo iyon.
May naalala si Marlon na sinabi ditto ng matatanda sa kanilang probinsya kapag pakiramdam nito ay pinaglalaruan ito ng engkanto. Kailangang lumikha ng apoy. Takot ang mga ito sa apoy. Hindi ito makakalapit sa kanila kapag may malapit sa kanilang nagliliyab na apoy.
Agad na nangolekta ng tela si Marlon. Panyo at mga extra shirt ang binigay nila.
Nagpasama ito kina Patrick at Jason na pumunta sa bahaging looban ng gubat para kumuha ng halamang may katas na maihahantulad sa isang langis. Dahil hindi tatagal ng isang oras kung ang mga tela lang ang gagamitin nila para lumiyab ang apoy na nagmumula sa lighter na dala ni Marlon.
Kaya pagkalipas ng mahigit sampung minuto ay narito sila. Ang mga girls plus Winston ay naiwan sa jeep. May apoy sa magkabilang gilid ng jeep. Nakalatag ang kani kanilang tuwalya pahaba.
Nabasag ang katahimikan ng matanawan ni Britney ang liwanag sa pinuntahan ng tatlo. “Guys, ayan na ata sila.”
Nang maaninag nilang nung tatlo nga iyon ay nakahinga ng maluwag sina Ella at Tammy, dahil mukhang safe naman ang kanilang mga kasintahan.
**********************************************************************************************************
KAPit na kapit sina Winston at Britney sa magkabilang braso ni Marlon. Nangunguna sila sa lakaran sa gubat. Kasunod naman nila ang nakakapit sa braso ni Jason na si Tammy. Bahagyang nahuhuli sina Patrick at Ella. Magkahawak ang kanilang kamay. Mahigpit na mahigpit iyon subalit di nila inda dahil sa parehong kabang nararamdaman nila.
Bawat isa ay may kanya kanyang hawak na piraso ng mahabang kahoy na may nakabalot na tela sa dulo. Ang tela ay may katas na nagsisilbing langis. Nagliliyab ang apoy sa bawat dulo ng mga iyon.
Kanina, pagbalik ng tatlo ay napagpasyahan nilang maglakad at hanapin ang daan palabas ng gubat. Hindi sila maaaring magstay lang sa jeep – na mauubusan narin ng gasolina. Hindi pangdamagan ang itatagal ng kanilang apoy. Mas mapanganib kung sapitin sila ng hating gabi na wala ng apoy at nasa gitna parin ng gubat. Kaya hanggang sa maaaring malakas pa ang kanilang apoy ay maglakad na sila at hanapin ang daan.
Tanging ang hawak lamang nilang apoy ang nagbibigay liwanag sa dilim. Kaya naman kapag tumatanaw sila sa ibang parte ng gubat ay itim lang ang kanilang nakikita. Maski mga puno o halaman ay hindi nila matanaw sa ibang dako.
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Teen FictionNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.