take note guys, sa story na ito may other tita pa si Tikoy. eto nung nice version ng evil aunt niya hehe.
enjoy.
****************************************************************************************************************
"HAAAAAY SA WAKAS! nandito narin tayo. Sakit na ng pwet ko ah" malakas na wika ni Britney, dahilan para magising narin ang ibang natutulog.
kasalukuyang pinaparada na ng driver nina Jason at Patrick ang van sa garahe ng bahay ng tita ni Tikoy.
"buti pa ang pwet sumasakit, ang bunganga walang pahinga" mahinang wika ni Winston, pero narinig parin ito ni Britney.
"may sinasabi ka bakla?" matalim ang tinging tanong dito ni Britney.
"kung narinig mo, bakit tinatanong mo pa, bansot?"
harsh man pakinggan ang palitan ng salita ng dalawa ay dalawang linggo na ng mga ito ginagawa kaya naman sanay na ang barkada.
naiiling na lamang si Ella at saka pinasadahan ang tingin ng bahay.
madilim na ang kapaligiran, pero kita parin ang katandaan ng bahay ng tita ni Tikoy. tabla ang pader pero may ilang parte na ding nakahollowblocks. Dalawa ang palapag ng bahay.
"tititigan mo lang ba? di ka papasok?"
bahagya siyang nagulat sa tinig sa kanyang tabi, napabaling siya rito - si Patrick, nakangiti sa kanya.
buti nalamang madilim na dahil kung hindi ay makikita nito ang pamumula ng kanyang pisngi, na kahit na morena siya ay obvious parin.
iniwas niya ang tingin dito at saka binaling sa mga kasamahan. nakababa na pala ang iba, sa pinakalikod kasi siya naupo katabi si Britney, subalit pasimpleng nakipagpalit dito si Patrick ng minsang mag stop over sila, dahilan nito ay mas comportable itong matulog sa likod. well kahit sino ay alam na kahit nakatayo ito ay makakatulog ito.
ambang na siyang tatayo ng hawakan nito ang kanyang braso.
"teka Sugar Babe wag ka munang lumabas"
nais matawa ni Ella sa terms of endearment nito sa kanya. nang sagutin niya ito ay dun lang niya natuklasan ang kacornihan nito. Gusto pa nga nitong tawagin niya itong HoneyBun. na super corni at never niyang gagawin.
"bakit? kailangan pa nating ipasok ang gamit natin sa loob noh"
imbes na sumagot ito ay sumandal lamang ito sa upuan at saka ipinikit ang mata. siya naman ay nakakunot ang noong nakatingin lang dito.
ilang segundo ay idinilat nito ang isang mata at tinignan siya. "What?"
"Patrick, naaaning ka ba? dun mo nalang yan itulog sa loob"
napabuntong hininga ito. "sugarbabe naman, chill ka lang. dito muna tayo. mamaya nandyan na ang barkada mababawasan na ang moment na magkasama tayo. alam ko namang hindi ka makakatulog kapag wala na ko. kaya ngayon palang pagsawaan mo na ang presence ko"
hinampas niya ito sa braso "baliw ka talaga"
nang makita niya ang boyish smile nito ay napangiti narin siya atsaka pinagbigyan ito.
"okay, sandali lang ha."
sumandala narin siya tulad nito.
maya maya'y hinawakan nito ang kanyang kamay. tumulin ang tibok ng kanyang puso.
napabaling siya rito, nakapikit ang mga mata nito at may ngiti ang mga labi.
wala pang isang linggo buhat ng sagutin niya ito. at sa tingin niya, ang sagutin ito ang pinakamagandang desisyong ginawa niya sa kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Novela JuvenilNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.