A/N: guys sensya na sa mga wrong spelling and grammar ko kahit na tagalog tong sinusulat ko ahehe...sana intindihin niyo nalang haha...
“ANO na ang gagawin natin?” hindi na mapakaling tanong ni Britney habang magkayakap sila ni Winston, tuluyan ng nakalimutan ang kanilang alitan.
Bago pa man may makasagot sa tanong ni Britney ay naramdaman nila ang tila pag-alog ng lupa kasabay ng malakas na pagaspas ng hangin na nagdulot para gumewang ang mga nagtataasang puno. Tila naman naguusap ang mga halaman sa kanilng paligid.
Nagkatabi-tabi ang mga magkakaibigan.
“ano nangyayari?” halos magkasabay na tanong nina Ella at Patrick.
Nilibot ni Marlon ang tingin sa paligid, pagkatapos ay hinarap sila.
“kailangan na nating umalis ditto. Wag tayong maghiwahiwalay.” Nakiramdam muli ito. Pagkalipas ng ilang Segundo. “takbo!”
Pagkasabi non ay magkakasabay ang kanilang mga paang nilisan ang lugar na iyon.
Sa pagkakataong iyon ay ang magbestfriend na sina Ella at Tammy ang magkakapit kamay. Nauuna sila kasunod ni Marlon. Sinadya namang magpahuli ng magkapatid na sina Jason at Patrick para mamonitor sila.
“bakit ba nangyari satin to?” naluluha ng wika ni Tammy habang patuloy sa pagtakbo. Nagkakasabay na ang takot, kaba at pagod, pakiramdam nito ay nasa isa lang silang panaginip. Subalit ang magkakahalong emosyong nararamdaman at sakit ang bumubulong ditto na eto ang realidad at kailangan nitong magsurvive.
Napatingin si Ella sa matalik na kaibigan. Maski siya ay parang roller coster na ang nararamdaman, subalit kailangan niyang maging matatag. Pinisil niya ang kamay nito na hawak hawak niya, ng tumingin ito sakanya ay ngumiti siya. “may sasabihin akong sikreto pagkatapos ng lahat ng to. Sasabihin ko yon sayo promise”. Ang sikretong tinutukoy niya ay ang relasyon nila ni Patrick. Alam niyang matutuwa ito dahil botong boto ito kay Patrick at matagal na siyang pinipilit nitong magboyfriend na para pareho sila. Ayaw kasi nitong makikita siyang mag-isa lalo na at hati na ang atensyon nito dahil may boyfriend na ito.
Napangiti narin si Tammy. “okay. Hihintayin ko yan.”
Lumipas pa ang ilang minuto. Patakbong lakad na lamang ang ginagawa nila dahil kanina ay binalaan sila ni Marlon na may malalalim at malalaking hukay na sa parteng iyon ng gubat kaya kailangang makiramdam.
*************************************************************************************************************
“TANdang Mona! Parang may natatanaw ako dung liwanag baka sila nayon” wika ng isang lalaking kasama nila.
Tuluyang nabuhayan ng loob si Tikoy. Kanina pa kasi sila hanap ng hanap sa mga ito, ni isang bakas ay wala silang matagpuan.
“madali kayo’t puntahan natin!” malakas na wika ni Tandang Mona.
**************************************************************************************************************
Nakatanaw mula sa teris si Cassie. Hinihintay niya ang pagdating ng mga ito. kanina pa siya nagdadasal na wala sanang mangyaring masama sa mga ito.
Sandaling panahon pa lang buhat ng makabonding at maging kaibigan narin niya ang barkada ni Tikoy. Subalit naging malapit na sila sa isa’t isa na para bang nuong bata pa man ay magkakakilala na sila. Maski si Tammy na naging karibal niya noon ay tinanggap siyang buong buo.
Never pa siyang nagkaroon ng ganitong kaclose na mga kaibigan. Before meron nga siyang kaibigan pero hindi ganon kalalim tulad ng lalim ng pagkakaibigan ng barkada.
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Teen FictionNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.