UPDATE! UPDATE! party party! LOL :D
sorry na guys.... napakatagal kong magupdate haha...
o ayan na ang pinakatagal tagal na update...enjoy :))
*************************************************************************
Ang Kapalit
Mabilis ang mga pangyayari para kay Patrick. Kanina lang, matapos nilang magpakilala ay agad na nagpaalam si Tandang Mona sa kanila na mauuna na ito sa bahay dahil may mahalaga di umano itong gagawin.
Di nagtagal ay sumunod narin sila rito.
hindi rin nakaligtas sa kanya ang kakaibang kinikilos ng kasintahan. May kung anong kakaiba rito na hindi niya matukoy. Subalit isinantabi niya muna ito hangga’t hindi pa sila tuluyang malayo sa piligro.
At ganon na lamang ang kanilang pagkabigla ng matapos silang salubungin ni Cassey at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay ay bumulagta na lamang si Ella sa sahig ng nasa tapat na ito ng pinto.
Silang dalawa ni Tammy ang unang mabilis na lumapit kay Ella. Subalit pinigilan sila ni Tandang Mona na noon lamang nilang napansin na nasa tapat pala ng pinto.
May hawak itong kung anong klaseng baston na manipis. Mukha iyong pamalo.
Samantalang may dalawang lalaki sa tabi nito na namukaan niyang kasama sa mga naghanap sakanila kanina. May kanya kanya itong hawak na kandilang may apoy at kung anong halamang winawagaswas ng mga ito habang may binubulong sa mga labi.
“ano nangyayari?” naga-aalalang tanong ni Tammy ng lumuhod sa harapan ng nakahandusay na si Ella si Tanddang Mona.
Subalit imbis na sumagot ito ay nakisabay ito sa kung anong binubulong ng dalawang lalaki sa tabi nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla bigla ay ihampas ni Tandang Mona ang hawak nitong baston sa katawan ni Ella.
Hindi pa siya tuluyang nakakabawi sa pagkabigla ng isang nakakakilabot na hiyaw ang nagmula sa bibig ni Ella.
Hindi iyon boses ni Ella. Kakaibang boses iyon na alam niyang hindi magmumula sa isang normal na tao.
Kasabay ng malakas na hiyaw na iyon ay ang paglabas ng kung anong usok sa katawan ni Ella na mabilis na tinangay sa parte ng kagubatan.
“Mabilis!! Ipasok niyo siya sa loob!!” malakas na utos ni Tandang Mona na agaran namang sinunod ng dalawang lalaking agad na binuhat sa loob si Ella.
Susunod na ang barkada sa mga ito ng sa pangalawang pagkakataon ay hinarang sila ni Tandang Mona.
“bakit ba ayaw mo kaming palapitin kay Ella? Ano ba nangyayari sa kanya?” nagaalala ng tanong ni Patrick.
“Sino sa inyo ang nakapatay sa batang engkanto?” tanong ng matanda na hindi pinansin ang tanong niya.
Nagkatinginan siya at si Marlon na noo’y katabi na ang asawa.
“Ako” mahinang sagot ni Patrick na napayuko ang ulo dahil alam niyang ang kanyang nagawa ang dahilan kung bakit lumala ang lahat.
“kaano ano mo ang dalaga?” tanong sa kanya ng matanda na ang tinutukoy ay si Ella.
Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Tikoy. “Kaibigan, barkada. Lahat kame ditto tandang Mona ay magbabarkada. Kaya bakit si Ella ang napiling kapalit ng namatay na batang engkanto?” may galit na sa tinig nito.
Alam nitong may special feelings si Patrick kay Ella pero di naman iyon siguro ang rason kung bakit si Ella ang napili. Maliban na lamang siguro kung—
BINABASA MO ANG
Growing Up (fanfiction)
Teen FictionNang magtungo ang barkada sa probinsya nina Tikoy, ang bakasyong inaasahan nila ay kababalaghan pala ang dadatnan.