Moment Fifteen

24 1 0
                                    

_*Every Moment is Stolen*_

_MOMENT FIFTEEN_

Absolute POV

~I can't take the rain on the roof of this empty house that don't bother me.
I can't take a few tears and just let them out.
I'm still harder getting up
Living with this regrets
But I know that I could do this over.

Peace tayo? *.*V

Pansinin mo na ako o'? Namimiss ko na kasi ang super whimpy kiddo kong friend.~

Nagulat ako dun sa note niya. Ang haba talaga grabe, pero A for effort siya ah'? Pero NO siya. No Originality siya. Akin yun ee' ako ang mahilig sa note tapos, gagayahin lang niya? Aba naman talaga' pero, I appreciate it naman ee. Nakaka-diyahe naman kasi siya, parang ewan.

"Can we be friends again?" natawa ako sa tanong niya. Parang ewan din tong babaeng to ee' . Actually namiss ko din kahit papano yung pagka-topakin niya.

"Tama na nga yan! Basta tandaan mo yung sinabi ko ah'? Wag kang makulit!"tapos kinusot ko yung buhok niya.

"Ahhh'' i hate you talaga! Naintindihan ko na nga ee, mabuti na lang at inexplain sakin ni Nike. By the way, malapit na birthday ko. Punta ka ah'? Maghahanda daw kasi si Tita para sakin.. Please. Gusto ko nandun ang kauna unahang naging kaibigan ko ok?" Nakakatouch naman yung ako pala ang kauna unahang kaibigan ng topaking Gladys na ito.

"I'll try."

"Wag mo ng itry. Gawin mo ok? Please?" nakaplease sign na naman siya. Hindi ko naman maipapromise ee. Ka-birthday niya nga si Daddy ee. Diyahe di ba? Ayaw ko pa naman yung date na 26. Nakakadiyahe talaga!

"Basta pagiisipan ko. Teka, asan si Nike? Ba't di mo ata kasama?"

"Ah' pinuntahan si Rosil ee. Pwede bang sumabay sayo?"

"Ok. Wala naman akong kasabay ee."

"Yes!" tapos nagsisitalon pa siya. Toinks lang?

Sabay na nga kaming naglalakad palabas ng gate. Nakita ko ngang magkakasama sina Nike, Rosil at si Jacob. Nakakunot noo nga yung mokong ee. Haha:))

"Uy Absolute. Punta ka hah?Hindi kumpleto birthday ko pag wala ka."tapos bigla naman akong napatingin kay Gladys dahil sa sinabi niya.

"Mukha ba akong boyfriend mo huh?" tapos napahinto siya. Anong masama sa tanong ko? di ba?

"O'? Ba't napahinto ka?" tapos bigla siyang tumakbo ng mabilis palabas na ng gate. Anyare doon? Problema ba nun? Naku talagang topakin o'? Ganyanan na lang ba parate? Haixt' talagang mga babae, hindi mo maintindihan.

Nakalabas na din ng gate, naghihintay na nga ako ng cab ee. Pero may nakalimutan pala ako, wala pa pala akong drawing book para sa arts namin bukas. Makapa-mall na nga muna. Sakto namang may dumating na cab. And nandito na nga ako sa mall.  Naghanap na ako ng drawing book sa educational supply. Tapos ng nasa counter na ako bigla namang tumunog yung phone ko. Si Mommy, tumtawag, bakit kaya?

"Thank you sir." tapos kinuha ko na yung binili ko.

"Hello? Mom? Bakit po?" pero nagulat ako ng marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya.  Nakakadiyahe talaga! Bakit siya?

~"Hello, hindi ito ang Mommy mo, its your dad."~

"Uh.. B-bakit kayo tumawag?"

~"I just want to talk to you. Pero, i just saw you sa Gaisano pumasok ka ng educational supply, maybe we can talk at Colonial sa ground floor. I'll see you then."~ tapos ibinaba na niya. Don't tell me na, makakapagbati na siya sakin? Di nga?

Every Moment is StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon