Moment Five

48 4 0
  • Dedicated kay Jonaly Lumen
                                    

Every Moment is Stolen
MOMENT FIVE

Ipinasok ko na sa kwarto ni Francis si Gladys. Pinaupo ko siya doon sa bakanteng couch. Lumabas na muna ako ng kwarto nang makasalubong ko si Ken.

"Ken."
"O Abs, akala ko tulog ka na?"
"Hindi ako makatulog ee, ikaw?" Sabay upo namin ni Ken.
"Hindi din ee." Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit hindi pa siya makatulog. Hindi ko din alam kung anong tumatakbo sa isip ng mokong na to.

Siguro hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami ni Ken dun sa upuan. Nagising ako sa alarm ni Ken kaya napasabay din kaming nagising. Pagtingin ko sa orasan sa hospital -- 5:00 am? Seryoso siya? Konting konti pa lang yung tulog namin uh.

"Uh, Ken di na ako magtatagal pa. Mauna na akong umuwi. Wala pa namang papalit kay Manang ngayong sabado. Okay lang?"

"Sige, ako na lang ang magsasabi sakanila."
Dali dali naman akong lumabas na ng ospital. Nagaabang ng taxi at finally nakarating din ako sa bahay. Urgh. Namiss ko yung bed ko. Sobra. Agh. Ang sarap matulog sa malambot na kama. 😇

Sa sobrang himbing ng tulog ko hindi ko namalayang hapon na. Argh. Sobrang napuyat talaga ako kagabi. Dumiretso agad ako ng banyo para maligo. Paglabas ko ng banyo, tiningnan ko agad yung phone ko. P*cha. Nabitawan ko yung phone ko. Buti na lang at sa kama ko nabagsak yung phone. Agad ko namang kinuha at binasa ulit yung text. Totoo ba to?

Maya maya pa biglang may nagdoor bell. Dali dali naman akong nagbihis at bumaba para buksan yung gate.

"Mom? What are you doing here?"tanong ko.

"Hindi mo man lang muna ba ako papapasukin?"
Pinatuloy ko na nga si Mommy sa bahay. Kung medyo nalilito kayo kung bakit pumunta si Mommy sa tinatawag kong bahay, its because naglayas ako samin. I bought my new house. I used my savings to buy this one, pero pinupuntahan pa din ako ni Mommy once a month. Dinadalhan niya ako ng groceries and my allowance. Si Mommy pa din ang nagpapaaral sakin, hindi na nga lang ako umuuwi samin because me and my dad had a huge conflict.

"Balita ko nasa hospital si Francis. Is he okay now?"
"How did you know Ma?" Sabay lapag ng mga groceries sa kitchen desk.

"Francis's mom called me last night."
"Awh. I see. Okay naman na daw po siya balita sakin ni Ken. Anyway, bakit nga ba napasugod ka dito? So, ano na?"

"Alright, alright. Didiretsuhin na kita Absolute, I'm here because," medyo seryoso yung mukha ni Mommy. Parang alam ko na kung ano ang sasabihin niya. "Sigh. I'm personally inviting you sa birthday party ni Daddy mo. And, it'll be held sa mansion. Please anak, please come." I knew it. Pero oo nga, birthday pala ni Dad. Ang tanong kailangan ko ba talagang umattend?  

"Birthday pala ni Daddy, sana siya mismo ang nagimbita sakin. Hindi ikaw mommy."  

"Alamo namang busy siya di ba?"  

"Kahit text or email lang sakin okay na. Basta siya mismo ang naginvite sakin." Nilapitan ko si Mom at hinawakan ko ang mga kamay niya. "Mom, I know you're doing this for Dad but please Mom, kung gusto niya talaga kami magkaayos muli bakit hindi siya ang gumawa ng efforts? Mom. Alamo naman kung gaano ko na binabaan yung pride ko para kay Dad, siguro naman ngayon siya naman."

Hindi naman din nagtagal pa si Mommy at umaalis naman lang din. Gumawa na lang ako ng pagkakabusyhan ko. Habang inaayos ko yung mga binigay na groceries ni Mommy. Biglang nag pop sa isip ko yung project namin sa MAPEH. Kinuha ko yung laptop ko para magsearch ng mga tips kung paano mas mapapaganda ang paggawa ng music video. Habang nga nagpiplay yung video, nagpiprepare ako nung mga ingredients sa cookies na ibibake ko.

Every Moment is StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon