Moment Six

49 3 0
  • Dedicated kay Guibs Reyes-Penetrante
                                    

Every Moment is Stolen
MOMENT SIX 

Nagising ako sa alarm ko. Argh. 5:30 am? Seriously? Tinatamad pa naman akong magjogging. Bumaba na nga ako at pumunta ng kitchen para magprepare ng breakfast.

Maya maya pa narinig ko na ang yapak ng mga paa ni Jaco. Inihanda ko na yung kape niya dahil alam kong may hang over pa siya. 😁

"Good Morning Jaco." Ngiting ngiti pa ako habang binabati ko siya. "Here's your coffee." Iniabot ko naman sakanya yung ☕ niya.

"Thanks Abs. Argh. Ang sakit ng ulo ko. Tss."
"Malamang, sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo sa kakaiyak at kakalaseng kagabi." Sabay lapag ko nung egg and hotdogs sa mesa. Tiningnan nga ako ng masama ni Jaco. Tawa lang ako ng tawa.

"So, ganyanan tayo Absolute Cuenca? Tingnan natin kung sino ang mas malala kung magdrama kapag nalalaseng."
"Are you trying to black mail me?"
"Am I?" Tapos bigla kami nagbatuhan ng grapes.

Sobrang kalat nga ee, sobra din kaming nagenjoy habamg ginagawa yun. Natigilan na lang kami ng biglang may nagdoor bell. Pinatago ko naman ulit si Jaco dahil baka yung mga lalake yun kahapon.

Pagsilip ko nga sa gate, si Jomer pala. Anong ginagawa niya sa gantong oras? Argh. Mukhang nagjogging yung loko at dito niya pa talaga naisipang magbreakfast.

"Bakit ka nandito?"
"Joms?" - Jacob.
"Nagjogging kasi ako kaya naisipan ko ng pumunta dito tutal malapit lang din naman." Sabay bukas ng ref at kumuha ng tubig.
"Ahh. Ganun ba? Tara breakfast tayo." Pagaaya ko. Umupo na nga kami at sinimula ng kumain.

"Siya nga pala, bakit nandito ka din Jaco?"
Nagtinginan kaming dalawa sabay sabing "Mahabang kwento." Sabay sabay na nga kaming kumain ng breakfast. Maya maya pa nagyaya na si Jacob kay Jomer na umuwi. Sakto magpapaMall ako kaya inihatid ko na muna sila.

Pagkatapos ko nga silang ihatid, diretso na ako sa mall. Andito na nga ako sa Mall, medyo kaunti ang mga tao ngayon uh, bakit kaya?

Pumunta na nga ako sa swatch store para bumili ng watch. Sira na kasi ang relo ko. Hmm. Ano kayang magandang kulay? Blue? White? o Black? Sa tingin niyo ano maganda huh?

Antagal niyo naman pumili eto na nga lang na black ang bibilhin ko.

"Good morning Sir, welcome to swatch store. "
"Good morning, can you please hand to me this Black watch."
"Here you go Sir." Iniabot ko naman at agad kong isinukat. Hmm. Kunin ko na nga, tinatamad na akong pumili ng iba ee.
"Kukunin ko." tapos agad namang niyang ibinalot at inilagay sa box and paper bag yung watch.

Habang naghihintay ako, bigla akong may nakitang pamilyar na mukha. Wait, si Gladys ba tong nakikita ko?

"Sir, here you go. Thank you Sir." Nag-smile lang ako tapos inabot ko na yung binili ko. Sakto namang pagtalikod ko, nakaharap ko si si Gladys?

  "Gladys?" tapos hindi naman siya gulat na gulat na katulad kong OA yung reaksyon. 😩   

"Ow. Hi Absolute. Bumili ka din ng relo?" Pero yung tingin niya dirediretso lang dun sa counter. Tapos may iniabot na sakanya yung babae. "Thank you."

"Uh, Ikaw lang? Wala kang kasama?"  Tanong ko habang papalabas kami ng store.

"Wala ee, ikaw sinong kasama mo?"
"Wala din. Ahm. May bibilhin ka pa ba?"
"Wala naman na. Ikaw?" Tapos napakamot ako sa ulo ko. Nahihiya kasi ako guys. "Uy! Absolute, ano?"

Every Moment is StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon