Moment Finale

37 5 3
                                    

_*Every Moment is Stolen*_

_MOMENT FORTY- FIVE_

Dear Absolute,

    Hello :) Sana mabasa mo ito, kasi hindi ko man masabi sayo kung gaano kita kamahal hindi lang bilang isang kaibigan kundi mahigit pa. Mahalaga ka sakin kahit hindi man obvious. Kaya, kahit puso ko ibibigay ko sayo.. Kasi di ba' inalay mo yung buhay mo para lang mailigtas mo ako sa "Ugok" na Austin na yun?.. Ipinakita mo sakin kung gaano mo ako kamahal. Andami mong isinakripisyo para sakin pero ako , ni-isang beses wala akong sinakripisyo para sayo. Yung araw na, nasa  depth of death ka hindi ako nagdalawang isip na ibigay ang puso ko para lang mabuhay ka. Kahit isang bagay lang ang nasakripisyo ko para sayo sana mafeel mo na mahal na mahal kita. Every moment with you are stolen and special, kaya ngayon masasabi kong we're meant to be kasi kung wala ang puso ko, hindi ka mabubuhay kaya ingatan mo huh? Always remember that i'm always here invisibly. 

                        Love,

                        Gladys

Tumulo bigla yung luha ko.. lahat sobrang nag-aalala sakin, Bakit hindi nila sakin sinabi na ibinigay ni Gladys yung puso niya para masagip ako? Bakit tinago nila ito sakin??

"Son? Are you ok?"

"Abs, ano sabi sa note?"-Jomer.

"B-bakit hindi niyo sakin sinabi na patay na pala si Gladys huh? Pinaasa niyo ako! At ngayon malalaman ko pang, binigay niya yung heart niya para lang mabuhay ako? This so ridiculous!! Bakit??" agad naman akong niyakap ni mommy. Ang saklap lang na malaman na wala na ang kaisa isahang babaeng mahal ko at yung puso niya ee' andito sa katawan ko..

Tulala pa din ako habang pinapanood ko yung music videong ginawa ko,  bakit ganon? Yung una, niloko ako ni Camille tapos eto naman iniwan ako, at alam kong hindi na siya muli pang babalik. Hinding hindi na...

"Ah' Abs, pasok kami huh?" nagnod lang ako as response kay Jomer. Tapos tumabi silang lahat sakin may dala nga silang foods ee.

"Abs, sorry hindi naming magawang sabihin sayo yung totoo kasi, pagrerespeto man lang kay Tito."-Francis

"Oo nga, sorry talaga. Mukha tuloy hindi kami naging magandang kaibigan sayo.."-Seetoo.

"Ganito ba talaga kasakit?? Ang sakit sakit talaga promise, hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya. At kahit kailan hindi ko na siya magawang makita't makasama pa. hindi na kahit kailan.."

"Alam naman namin ee' pero sana maging masaya ka na lang para sakanya, kasi alam ko na ayaw niyang makikita kang umiiyak."-Summit.

"Paano aber?"-Jacob.

"Simple lang, pinabantayan ko sa kabilang buhay si Gladys sa mga pokemons ko.."Sabay sabay naming binatukan si Summit. Kahit kailan talaga puro pokemons ang bukang bibig.

"Aray! Pero, tingnan niyo dahil sa ginawa ko ee' ngumiti si Abs hahaha :D"

Ngumiti nga ako, and thanks naman dun kay Summit kahit papano haha:D

"Salamat sainyo huh? Siguro nga, ayaw niyang makikita akong umiiyak o nalulungkot..."

"Dapat lang! Promise mo samin na hindi ka na malulungkot ok?"-Francis.

"Promise." tapos niyakap nila akong lahat mga ewan talaga.

Siguro nga dapat tanggapin ko na lang ang lahat, hanggang pag-rereminisce na lang ata ang lahat para saamin. Hinding hindi ko siya makakalimutan kahit kailan eto na nga ung puso niya nakaconnect na sa katawan ko.






Makalipas ang isa't kalahating taon...


"Hi mga mokong? Anong atin? Anong mga course niyo? Ako Architecture"-Francis

"Huh? Ako kinuha ko Civil Engineering"-Jacob.

"Ako naman, Computer Engineering major in Animations tutal mahilig naman ako sa computer ee' haha:)"-Summit.

"Bagay nga yan sayo Summit puro ka kasi pokemons well ako naman Medicine, gusto kong maging doctor ee'.. Ikaw Jom?"-Seetoo

"Ako? Um' Accountancy ako ee, uh'? Ikaw naman Absolute?"

"Ano pa nga ba edi Culinary, doon naman talaga ako bagay di ba?"

Tapos lahat kami nagsitawanan. Oo, dahil yun lang naman ang alam kong makakapagpasaya sakin at lagi akong maiinspired para kay Gladys..

Ok na nga ang lahat, masaya na ako kahit wala na siya, she'll always in my heart kahit anong mangyare.. Siya at siya lang ang mamahalin ko habang buhay..

Papasok na sana ako ng campus-- College na kami! Sa wakas' ilang taon na lang ay gagraduate na ako.. Naglalakad na nga ako papasok ng gate ng biglang may bumungo sakin, napaluhod tuloy ako tapos nahulog pa yung posas na bigay ni Gladys..

"Sorry." pinulot nung babaeng bumangga sakin yung posas at iniabot sakin.

"Sorry talaga Kuya, eto po.." tinitigan ko siyang mabuti, she looks familiar pero imposible ee'? Imposibleng may kamukha siya?

Naman Gladys ee' wag mo akong takutin ng ganto, nagmove on na nga ako ee' tapos ngayon tatakutin mo pa ako? Please wag!

Tumalikod na siya pero, humarap ulit sakin tapos nagulat ako sa sinabi niya sakin..

"Smile ka lagi huh? Mr. Stolen.." tapos tumakbo na siya palayo then bigla na lang nga nagfade ee'..

Nangilabot ako sa sinabi niya ee'..

Mr. Stolen huh'? Pero napangiti naman din ako sa nangyare tapos ilalagay ko na sana yung posas sa bag ko kaso napansin ko, parang may nakaukit na sa posas besides doon sa date na: 06-13-12 ee may nakaukit pa ee' ang nakaukit ee'

Every Moment Is Stolen :)

Yeah reminiscing those days.. It's like every moment with her is stolen at walang sino man ang makakasira nun at walang makakabuwag kung ano mang relationship na mayroon kami..


_End :))_

----This is the rule of love:

"It's not about how the special person is, the most important is the stolen moments that you can treasure forever. Hindi man kayo nagkatuluyan sa bandang huli, hindi ibig sabihin hindi kayo meant to be kasi destiny is not always the basis it's the person who'll sacrifice his life just to save you...

---mula po sa aking puso

Thank you for reading :)) Sana nagustuhan niyo ang stolen ending ng Every Moment Is Stolen..

Support niyo din po yung ibang stories kooo... ahaha :))

Next: Count On Me, Little Stranger

allrightreserved

author: Noreen "simply_akooo" Loria

Every Moment is StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon