CHAPTER 6

27 1 0
                                    

"Anong problema mo Acel?" tanong ng nagtatakang si Cedric.

Sasabihin ko ba? No Acel!! This time, Wag kang Tanga!

"Ah Wala! Yung ballpen kasi e. Bigay pa sa akin yun ng mama ko." HUE. Bad Acel! 

"Ah, Okay. Bilihan na lang kita kung gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Talagaaaa?"

"Oo, tara na nga muna at may klase pa tayo."

Nginitian niya ako. Pakingshet! Kaya mahal na mahal kita Cedric e! Ngiti mo pa lang, tunaw na ako.

-

AFTER CLASS

"Bes! Sorry ulit kanina a!" sabi ni Philip na pagod na pagod. Tumakbo ba naman? Hay, bes talaga.

"Okay lang. Ang cute cute mo talaga!" sabay pisil ko sa magkabilang pisngi niya.

"AAARAAAAY! ACHEL ENE BAAA!" HAHAHAHA ANG CUTE NIYA TALAGA! 

"Tss. Tara na nga! Nga pala, bat di mo kasabay ang boyfriend mo?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Ah, may bonding daw sila nung mga kateammates niya e."

"Sus. Kateammates o chix?" Chix anong chix? Di ganon ang Cedric ko! Binatukan ko si Philip sa sobrang inis.

"Why did you do that?" nauna ako sakanya maglakad kaya hinabol niya ako/

"Bad ka kasi kay Cedric." 

"E, that's the truth! I saw him kissing one of our schoolmates then you'll say I'm lying?" sabi niya.

Napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko siya ng masama. Grabe. Paano niya nasisiraan sa harap ko si Cedric? Nakakainis.

"Nagseselos ka nu?" tanong ko. Nakita ko ang pamumula niya.

"Nagseselos ka kasi si Cedric na lang ang lagi kong kasama! Ikaw pa din naman ang bestfriend ko Philip e." sabi ko. Lumungkot ang mukha ni Philip.

"Pero, kung nakakaya mong siraan si Cedric sa akin, next time na lang ulit tayo magusap." tsaka ako tumalikod..

"ACEL!"

*BOOGSH!*

"Araaaaayyyyy!!!!" LETSENG HAYOP NA BATONG ITO!!! DRAMATIC EXIT NA E! MOMENT KO NA E! LETSENG BATO! NADAPA NANAMAN AKO!

Tumingin ako sa paligid. Nakikita ko ang mga taong nakatingin sa akin. Sanay na ako. Lagi naman e. Pagtatawanan ka. Parang clown nga nila ako e.

"A-Acel, ayos ka lang? Bes, itatayo na kita." hinila ako ni Philip pero nagpumiglas ako.

"Hindi, kaya ko na. Sige. Una na ako." at nauna na akong naglakad sa kanya.

-

Ang hirap ng buhay na walang bestfriend. Nakakamiss. Peroo siya kasi eee!!!! Nandito ako sa park. Wala din si Cedric. May practice sila. Nagtatampo din ako kay Philip. Wala na akong ibang kasama. Wala naman akong mga kaibigan. Kasi naman, tanga ako. Magnet. Baka mahawa sila. Pero wag ka. Pag ang tanga natuto, humanda ka!!! 

Pero..

Kailan ba ako natuto?

-___-

"Ge guys, kita kita na lang bukas."

Teka, pamilyar yung boses na iyon ah? Lumingon ako..

Si Mr. EF! At anong ginagawa niya dito!!! Nakatitig ako sa kanya. White shirt, black pants. Wow. Araw araw ganyan? Namatayan ang peg? Lumingon biglaan siya at nakitang nakatingin ako sakanya.

Inalis ko ang tingin ko. Ano ba iyan! Hanggang dito ba naman?! Nagkunwari akong tulog. Hue.

"Hoy Tanga." rinig kong sabi niya.

"Di ako si Acel. Tulog ako. Lumayas ka." siguro naman aalis na siya nu?

"Ang tanga mo nga talaga. Hoy." tinapik niya ako.

Wag kang didilat Acel. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Hoy Tanga. Stalker ka nu? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"ANONG STALKER?!" 

Dapat pala di ako nagsalita o dumilat..

Pangsecond na iyon!!!

"Sabi ko na nga ba nasarapan ka e. Gusto mo pa ng i--" hahalikan niya na sana ako nang tinulak ko ang mukha niya.

"NO THANKS!" Inalis niya ang kamay ko sa mukha niya. Shet, Bakit ang gwapo din ng nilalang na ito? At bakit niya ako nilalapitan? -__-

"Nahiya ka pa! Libre naman e." ngumuso siya. MANYAK!

"MANYAK!" binelatan ko siya.

"Oy, anong manyak?! Nasarapan ka naman?" 

"Letse ka! Third Kiss ko ay para na kay CEDRIC!" sigaw ko sa mukha niya. Bigla naman nagdilim ang aura niya.

"Cedric? Kay Cedric Manloloko?"

"ANONG MANLOLOKO!" Pati ba naman siya?

"Sus. Kung alam mo lang. Nga pala, wala kang alam, Tanga ka nga pala." tumayo siya at pinagpag ang damit niya.

"So, diyan ka na. Bye Tanga." umalis siya.

Nakakainis! Pati ba naman siya?! Manloloko ka ba talag Cedric?! Tinungo ko na lang ang daan pauwi. Nakakainis lahat na lang sila! Di niya ba alam? Siya ang manloloko! Kaya nga siya binansagan na cassanova e.

Nakakainis. Habang naglalakad ako, naabutan nanaman ako ng ulan. Tumigil ako sa isang shed. Nakakatakot. May bakanteng room pa sa likod ko. LORRD! NAKAKATAKOT!

"Mmm.. Ang saraap" 

HALA?! Sino yun?! May multo ba?! Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa bench? Tumingin ako sa paligid. Ako lang naman ang tao!!! Minumulto na ako! HU!!

"B-Babe! Dahan dahan lang! Mmm."

Ano iyon? Hala! 

Sinundan ko ang boses. Galing sa bakanteng kwarto na bodega ata sa likod ko. Baka magnanakaw? Rapist? Hala! Hinanda ko na ang bag ko para sa surprise attack!

1, 2, 3!

"HAAAA! HUMANDA KA SA AKING MULTO K--"

Natigilan ako sa surprise attack ko. 

Akala ko pa naman ang makikita ko ay multo..

Rapist, Holdaper o Halimaw.

O Tiyanak o manananggal..

Sana nga, sila na lang ang nakita ko. Hindi..

Hindi si Cedric at ang isang babaeng halos makita ko na ang dibdib sa sobrang taas ng tshirt. Nakahawak si Cedric doon.. At naghahalika sila. Pero, tumigil sila nung nakita ako..

"A-Acel.."

Tama nga si bes at Mr. Ef..

ANG BUHAY NG ISANG TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon